"Ah kaya naman pala. By the way may gagawin ka ba tomorrow?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. "Bukas? Um, bakit ba? " Wika ko. "Sabado bukas at walang pasok. Free ka ba tomorrow? " Pangiting sabi niya sabay titig sa aking mukha. "Um, wala naman akong gagawin o pupuntahan bukas. Bakit nga ba?" Pagtatakang tanong ko sa kanya. "Well, gusto lang sana kitang yayaing lumabas. Kung iyan ba ay okay lang sa iyo." Ani pa niya. "Ah pwedi naman. Ayos lang sa akin." "So, tatawagan nalang kita by tomorrow total may number naman ako sa iyo." Sabay tingin sa kaniyang cellphone. "Oh sege ba. Walang problema. " Pangiting sabi ko habang palihim na kinikilig. Matapos ang pag-uusap namin ay nauna na siyang umalis kasama ang mga grupo niya. Habang ako ay pansamantalang nanatili ng ilang s

