Ngumiti nalang ako na tela napapaisip at sumunod sa kaniyang paglakad. Pagpasok sa loob ng bahay ay nakita ko si Tatay na may binabalot na mga pagkain at inilagay sa isang malaking supot. "Marami iyang dala niyong pagkain Tay ah, pakabusog kayo lalo room sa bukid ha. 'Wag po kayong magpapagutom doon." Pangiting sabi ko sa kanya sabay hawak sa supot na nilagyan niya ng mga nakabalot na pagkain. Ngumiti siya habang nagpatuloy sa pagbabalot ng mga pagkain. "Nako anak hindi sa akin ito. Para ito sa iyo babaunin mo ito habang nasa byahe ka, baka kasi gutumin ka." Tela nagulat ako at nakaramdam ng saya sapagkat subrang maaalahin ng aking Tatay. "Akin po iyan Tay? Hindi po ba dapat ay sa inyo iyan?" Pagtatakang tanong ko sabay turo sa supot. "Haha, sa iyo ito anak. Babaunin mo ito at tsaka

