Sa canteen habang iniisa-isa kong tignan ang mga mukha ng mga studyanteng nakaupo sa ibat-ibang mesa. "Nasaan na ba iyon, siguro aabutan ako ng hapon sa paghahanap sa lalaking iyon." Tanong ko sa aking sarili habang panay sa pagtingin sa mga studyanting kumain sa canteen. Mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko. Habang binabasa ko ang message. Reply: (Andito ako malapit sa bintana Aiza sa kaliwang side sa pinakasulok. I already see you. Maganda ka parin.) "Aba bolero nagawa pa akong bulahin." Sabay napangiti. Reply: (Ang bolero mo naman, kumaway ka nga nang makita kita agad.) Ilang saglit pa ay may nakita akong lalaking kumakaway. "Ayon at nakita rin kita." Sabay tumawa at lumakad papunta sa kanya. Papunta pa lang ako kay Allen ay parang nakaramdam ako ng kaka-iba sa aking

