"Ano ba iyang mga sinasabi mo Cris ha? Pataray kong sinabi. "Ano ba namang gimik iyan gusto mo pa akong paalalahanan na mag-ingat. Bakit ba mas worst pa ba 'yang susunod na gagawin mo sa akin?" Dugtong ko pa sabay tinarayan siya. Tinignan lang ako ni Cris. "Hindi ko kailangan sabihin sa iyo Aiza ang narinig ko, naawa na ako sa iyo at lahat nang pangbu-bully ko sa iyo noon ay parang pinagsisihan ko. Girlfriend ko si Marga at hindi ko siya kayang ipahamak pasensya kana Aiza." Bulong ni Cris sa kaniyang sarili habang umiiwas sa bawat tingin ko sa kanya. "Wala akong gagawin sa iyo. Mag-ingat ka lang sana palagi." Pag-aalalang sinabi ni Cris sa akin. "Sege at aalis na ako." Sabay tumayo at tumingin sa akin bago umalis papunta sa kabilang upuan. "Ano kayang nangyari sa kanya bakit parang bi

