"Teka lang. Wala akong alam diyan sa sinasabi mo, wala akong kinalaman diyan sa nangyari sa'yo, at kung sino man 'yung tatlong babaeng gumawa niyan sa iyo ay hindi ako ang nag-utos o inutusan sila, magdahan dahan ka sa pananalita mo Aiza." Depensa naman ni Cris sa kaniyang sarili habang umiiwas sa bawat tingin ko sa kanya. "May bago pa ba Cris? Ilang tao na nga ba ang binayaran mo at inutusan mo para lang saktan ako at laiitin ha?" Palakas kong sinabi habang pinipilit na pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. "Ganoon ka na ba kasamang tao Cris? Sayang lang ang pagtingin at pagmamahal ko sa'yo." Dugtong ko pa sabay pinunasan ang aking mga luha at tsaka umalis ng walang paalam. Nakatingin lang sa akin si Cris, nakatunganga at hindi na nagawang magsalita.l na halatang hindi makapaniwal

