"At bakit naman ha? Paano mo naman nasabing malungkot?" Pagtatakang tanong ni Mikka sabay titig sa akin. "Iwan ko lang pakiramdam ko lang kasi na parang malungkot." Palusot kong sinabi sabay iwas sa kaniyang mga tingin sa akin. "Talagang malungkot para sa kanya, kasi nga 'yung pangarap niyang maging partner eh may iba-ibang babae." Sambit pa ni Ivy sabay tawag nang malakas. "Oy ano ka ba ,baka may makarinig sa'yo." Sambit ko naman sabay tingin sa paligid. "Sos hindi naman nila alam, wala naman akong binanggit na pangalan ah hahah." Sabay humalakhak sa pagtawa. "Bakit ba Aiza siya pa rin ba? Hahah." Sambit pa ni Mikka habang nakikisabay sa pagtawa. "Nako, Mikka kahit hindi sa'tin magtapat 'yang si Aiza ay obvious naman nu." Dugtong naman ni Sarah sabay tingin sa akin ng may pagdududa.

