Mayamaya pa habang masaya akong nanunuod sa kanila na nagsasayawan ay nakaramdam ulit ako ng pangangati sa aking batok. Dagdag pa rito ay tela may malamig na hangin ang sumalubong sa akin nung ako'y tumayo upang kumuha ng isang basong tubig. Dahil dito ay tela nakaramdam na ako ng kaka-iba at napapaisip na rin na baka may mangyayari sa akin dito. At iyon nga ay hindi pweding mangyari sapagkat wala ako sa tamang lugar na kung saan ako lang ang makakaalam kung sakaling biglang mag-iba ang aking anyo. Napatingin ako sa palibot habang palihim na kinakabahan sa maaring mangyari sa akin dito. Tiningnan ko sila isa-isa at iniisip kung ano ang kalalabasan kapag makita nila o malaman ang aking sekreto. Mayamaya pa ay biglang lumapit sa akin si Mikka na halatang marami ng nainom na alak sapagkat

