Hahalikan niya na sana ako sa ikalawang pagkakataon, subalit bigla kong naalala na wala naman kaming relasyon ni Cris. Bakit niya ako hahalikan ngunit hindi naman kami magkarelasyon at kahit na pangliligaw ay hindi niya manlang nagawa sa akin. Tela ako'y nalito ng mga sandaling iyon dahil sa hindi ako mapakali dahil sa labis na pag-iisip ko. Nang palapit na nang palapit ang labi niya sa labi ko na parang hahalik na siya sa akin ay bigla akong umimik at nagsalita kung kaya't hindi natuloy ang paghalik niya sa akin. "Um, parang huminto na yata ang ulan Cris." Palakas na pagsabi ko na siyang dahilan kung kaya't na distract siya at hindi niya natuloy ang binabalak na paghalik sa akin. Bigla naman siyang natuahan at parang nabigla ng magsalita ako. "Ah oo nga. Parang unti-unti ng humuhula

