Chapter 8

2010 Words
"Sege salamat, actually tapos na kami ta paalis na nga kami." Pangiti kong sinabi na halatang nababalisa. "Aalis na ba tayo?" Pagtatakang tanong ni Allen sabay tingin sa akin. "Ah, hindi pa ba tayo aalis?" Pagkukunwari kong tanongbsa sinabi niya. "Mamaya na kakarating pa nga lang ng mga ka-klase mo." Sagot niya naman na talagang gusto niya pang manatili rito. "Ah sege kung ano sa palagay mo." Gustong gusto ko na sanang umalis, baka kasi tuksuin na naman ako ni Cris mismo sa harap ni Allen at mapahiya lang ako. Sa katunayan ay gusto ko na siyang iwasan ng hindi na ako masaktan sa mga panglalait at panunukso niya sa akin. "Allen, baka pwedi namang maki-share kami diyan sa table niyo, at kung okey lang sa iyo Aiza?" Biglang tanong ni Cris kay Allen at sabay titig sa akin. "Oh, pwedi naman malawak naman itong mesa at kasya naman kayong apat dito." Pangiting sagot ni Allen sa kanila. "Ano ba plano mo Cris?" Pabulong na sinabi na Mark kay Cris. "Hahah, wala magkakape lang eh." Mahinang sagot ni Cris sabay tawa ng kunti. "Ang ganda dito nu, at ang sarap ng kape." Sambit pa ni Richard habang papalapit sa amin ni Allen. "Tatabe ako sa'yo Aiza ha." Mahinhin na sinabi ni Mark sa akin sabay upo sa aking tabi. "Oo ba." Pangiti kong sagot sa kanya. Mayamaya pa ay biglang umulpot si Cris sa pag-uusap. "Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ni Cris sabay tingin sa aming dalawa ni Allen. "Oo kanina pa, paalis na sana kami kaso dumating kayo." Pangiti kong sagot sa kanya habang palihim na tinitignan siya nang masakit. "Para naman yatang nagmamadali ka Aiza, sabay naman tayong uuwi mamaya." Sambit niya sabay titig sa akin nang masakit. Umiiwas na lang ako sa mga masasakit na tingin niya sa akin sabay ngumiti ng napipilitan. "May pupuntahan ka ba Aiza?" Sambit ni Allen. "Wala naman." Sabay tingin sa kanya. "Pero kailangan ko munang iligpit ang mga gamit ko sa tent makalat kasi doon." Palusot kong sinabi sabay tingin sa mesa upang umiiwas sa bawat tingin nila sa akin. "Ah ganoon ba." Biglang napapaisip. "Sabagay nga Aiza, aalis na lang ba tayo?" Pag-aalinlangan niyang tanong sa akin. "Ah, oo Allen ganoon nga. Oh sege aalis muna kami ha, tayo na Allen." Sagot ko naman sabay tingin sa kanila ni Cris. "Pesensya mga pre, mauna na kami sa inyo." Mahinhin na sinabi ni Allen sa kanila. "Maiwan mo na namin kayo." Dugtong niya sabay tumayo. "Ah, sege ayos lang." Sambit pa ni Richard sabay ngiti. "Sege mag-ingat kayo ni Aiza dalawa." Dugtong pa ni Mark. "Tayo na Allen." Sabay tumayo at nagmamadaling umalis. "Ano kaya nangyari kay Aiza bakit parang nagmamadaling umalis?" Pagtatakang tanong ni EJ sa kanila habang kumakain ng toasted bread. "Baka may pupuntahan pa yung tao." Sagot pa ni Mark. Hindi manlang kumibo o nagsalita si Cris sa pag-alis namin ni Allen. Tiningnan niya na lang kami habang papalayo na sa kanila. Sa cottage pagbalik namin doon ni Allen kung saan abala ang iba sa pagliligpit ng kani-kanilang mga gamit. "Oy magkasama na naman sila ni Allen, kayo na ba?" Pangiting sinabi ni Mikka na makikitang may pagdududa sa kaniyang mukha. "Hoy ano ka ba!" Pasigaw kong sinabi sabay takip ng aking bibig. "Kaibigan ko lang ang tao, teka Allen saan nga pala ang mga kasama mo?" Tanong ko kay Allen habang nakatingin sa sa mga ka-klase kong abala sa pagliligpit ng kanilang mga gamit. "Nandoon lang sila siguro sa kabilang cottage." Sabay tingin sa kabilang cottage hindi kalayuan sa amin. "Uuwi na rin ba kayo ngayong araw?" "Um, Oo ngayong araw din kami uuwi." Mayamaya pa habang abala kaming tatlo sa pag-uusap ay may isang babaeng tumawag kay Allen na nakatayo sa isang puno malapit sa pinagtayuan ng tent namin. "Hey Allen?" Pasigaw na sinabi ng babae sabay tawag kay Allen. "Oh, tinatawag ata ako." Sabay lingon sa babaeng tumatawag sa kanya. Nagtaka ako kaya't agad kong tinanong si Allen. "Ah sino siya Allen?" Mahinang boses na tanong ko kay Allen sabay tingin sa babae. "Si Christine kababata ko." Sabay tingin at ngumiti sa akin. "Siguro uwian na ito." Dugtong pa niya sabay kumaway sa babaeng si Christine na kababata niya. "Ah ganoon ba." Pagtataka kong sinabi habang panay sa pagtingin kay Christine. "Um, sege Aiza aalis muna ako ha, baka kasi uuw na kami. Magkita na lang tayo sa pasukan." Pangiti niyang sinabi habang unti-unting lumalakad pa alis. "Ops tatawagan nga na lang pala kita." Dugtong niya sabay lumingon sa akin at ngumiti. "Oy tatawagan yeeeee.." Sambit pa ni Mikka sabay tumawa ng kunti. "Sege Allen mag-ingat ka." Pangiti kong sinabi sa kanya habang palihim na kinikilig. "Bye Aiza, alis na ako." Pasigaw na sinabi ni Allen sabay umalis kasama si Christine. Nagsimula na rin kaming magligpit ng mga gamit namin para sa aming pag-uwi. Mayamaya pa ay napagpasyahan na namin na umalis at upang makauwi. Pagdating sa bahay matapos akong iahatid ng mga ka-klase ko. "Salamat pala sa paghatid niyo sa akin. Mag-ingat kayo lahat sa pag-uwi niyo." Palakas na sinabi ko sa lahat sabay ngumiti sa kanila. "Walang ano man Aiza ikaw rin mag-ingat ka sa pupuntahan mo sa susunod na araw." Dugtong pa nila habang nakangiti rin sa akin. Bago pa man sila umalis ay tiningnan ko si Cris sa minamaniho niyang sasakyan na parang walang kibo at tela may iniisip. "Oy Cris, alis na tayo." Pasigaw na sinabi na Mark kay Cris sabay busina upang magbigay ng senyas. "Ah sege ba." Sabay tingin sa akin na tela walang ka kibo-kibo. "Bye Aiza see you sa pasukan." Sambit pa ni EJ habang unti-unting rumatakbo ang sasakyan. "Sege mag-ingat kayo" Sabay ngumiti at kumaway sa kanila. Mayamaya pa ay pumasok na ako sa loob bitbit ang mga dala kong gamit. "Aiza andito kana pala." Sambit ni Aling Tinay habang abala sa paglilinis. "Tumawag nga pala kahapon ang nanay at tatay mo." Dugtong pa niya. "Ah oo nga po Aling Tinay sa sabado nga uuw muna ako sa amin." Sagot ko sa kanya habang umakyat sa taas. "Tiyak na na mimiss kana nila." Pangiting sinabi niya sabay tingin sa akin. "Oo nga po, miss na miss ko na nga rin sila." Sabay ngumiti at nagpatuloy sa paglakad pa akyat sa taas. Pagsapit nang araw ng sabado ay maaga akong nagising nagligpit ng higaan ko at nagluto ng agahan nang sa ganon maaga rin akong makarating sa probinsya namin. "Magandang umaga po Tita Nelly at Aling Tinay." Pangiti kong bati sa kanila at halatang may makikitang pagkasabik sa mukha. "Parang maganda ang umaga mo ngayon ha." Pagtatakang tanong ni Aling Tinay sabay tingin kay Tita Nelly. "Siguro inspired." Dugtong naman ni Tita Nelly habang kumakain ng almusal niya. "Nako! Hindi po tita, maganda lang ang araw ko kasi makakuwi na rin ako sa amin, na mi-miss ko na kasi sila nanay at tatay." Sagot ko naman sa kanila sabay paglungkot ng mukha dahil sa pagkasabik sa aking mga magulang. "Ay oo nga pala sabado nayon, ngayon ka naba aalis?" Sambit pa ng aking Tita Nelly na halatang nabigla. "Opo tita para maabutan ko pa si tatay sa bukid nang sa ganoon ay matulungan ko siya sa gawaing bukid." Sabay ngumiti at tumawa. "Napakabuti mo talagang bata Aiza." Sambit pa ni Aling Tinay habang nakikinig sa pag-uusap namin ng aking tita. "Salamat po." Pangiting sagot ko naman kay Aling Tinay. Mayamaya pa ay may kinuhang supot si Tita Nelly sa kaniyang bag at tsaka inabot sa akin. "Ito Aiza baunin mo sa pagbyahe mo, at ikamusta mo na lang ako sa tatay at nanay mo ha." Pangiting sinabi niya sabay abot ng supot sa akin. Inaabot ko naman ang ibinigay na supot ng aking tita na pinapabaon niya sa akin. "Salamat po tita, hindi na nga pala ako magtatagal aalis na po ako. At ika-kamusta ko po kayo sa kanila Nanay at Tatay." Pangiting sinabi ko. "Tita, Aling Tinay aalis na po ako." Mahinhin kong pamamalam sa kanila sabay ngumiti. "Sege mag-ingat ka ha." Sambit pa nilang dalawa at tsaka ako niyakap. "Okey po, kayo rin po mag-ingat po kayo." Sabay kumaway at umalis. Umalis na ako ng bahay at nagpahatid sa terminal ng bus. Sumasakay na ako ng bus na papuntang probinsya ng buenafe ang lugar ng aking kinalakihan. Matapos ang ilang oras sa pagbabyahe ay nakarating din ako sa probinsya namin. Pagbaba ko ng bus kung saan malapit lang sa kalsada ang bahay namin ay sinalubong agad ako ng aking nanay, sinalubong niya ako ng kaniyang matamis na halik at mainit na yakap. Si Nanay Melenda nga pala ang napakasipag at mapagmahal kong Nanay na walang sawang nag-alaga at nagpalaki sa akin. "Anak ko." Pasigaw na sinabi ng aking Nanay sabay lundag sa tuwa. "Nako miss na miss kita ang ganda-ganda naman ng aking anak at ang puti." Sabay yakap sa akin nang mahigpit at makikita ang pagkasabik sa kaniyang mukha. "Ano ka ba nay ako lang ito si Aiza ang napakaganda mong anak." Pangiti kong sinabi sa kanya sabay halik at yakap. "Oo nga, halika na at pumasok na tayo may inahain akong pagkain sa lamesa alam kong gutom kana." Sabay binitbit ang iba kong gamit at tsaka pumasok ng bahay. Pagdating ko sa loob ng bahay ay tumambad agad sa akin ang mga pagkaing inihanda ng aking ina para sa aking pagdating. Talaga naman talagang pinaghahandaan niya ang aking pagdating na siya namang nagpasaya sa aking puso. "Nasaan nga pala si Tatay, nay?" Tanong ko sa aking ina habang inilagay ang mga dala kong bag sa aming maliit na sofa. "Hay nako ang Tatay mong ubod nang sipag kung umuwi ng bahay ay dapit-hapon na minsan nga ay gabe pa, aga-aga kung umalis eh." Sagot naman ng aking ina habang panay sa pagku-kwento tungkol kay Tatay. "Nako, Nay 'wag na tayong manibago kay Tatay ang sipag-sipag kasi." Dugtong ko sabay pumunta ng kusina at umupo sa mesa. "Kumain kana muna at mayamaya ay darating na yung tatay mong masipag." Sabay tumawa habang pinaghahain ako ng pagkain. Kumain kami at nagkwentuhan ng aking ina. Hindi makakaila na subrang na miss ko ang mga pagkaing parating niluluto ng aking ina noon. Mayamaya lang ay dumating na si Tatay, kahit na may edad na siya pero kaya pa rin niyang magbanat ng buto. Gumagawa pa rin siya ng mga mabibigat na gawain sa bukid. Ganoon ka sipag ang aking Tatay na si Tatay Doryo. Papasok pa lang si Tatay sa bahay ay agad na akong napasigaw dahil sa pagkasabik ko sa kanya. "Taaaaayyy..." Pasigaw kong sinabi na makikita ang pagkasabik sa mukha. "Sino ba yon?" Biglang lumingon. "Oh Aiza, anak ko." Makikitang nagulat at nabigla ng makita ako. "Tay kamusta kana, ang gwapo pa rin natin ah." Pangiti kong sinabi sa aking Tatay sabay niyakap siya nang mahigpit. Agad naman akong niyakap ng aking ama. "Eto anak mabuti naman tigasin pa rin ang tatay mo." Dugtong pa niya sabay pakita ng kaniyang maskulo. "Naks naman oh iba talaga ang tatay ko." Sagot ko naman sabay tumawa. "Halika nga rito miss na miss kana namin ng Nanay mo." Malambing na sinabi ng aking Tatay na makikitang may lungkot sa kaniyang mukha fully ng labis na pagkasabik sa akin. "Ayan naglalambingan na naman ang mag-ama." Sambit ng aking ina habang tinitignan kaming dalawa ni Tatay na naglalambing sa isat-isa. Mayamaya pa ay lumapit na din sa amin si Nanay at nagyakapan kaming tatlo, yakap ng miss na miss ang isat-isa. Kinabukasan. Kagaya rin ng ginagawa ko, maaga pa lang ay gising na ako. Nagligpit ng aking higaan at higaan nila Nanay at Tatay. Nagluto na rin nang almusal at pang baon ni Tatay sa bukid. Mayamaya pa habang abala ako sa pagtulong kay Nanay sa pagluluto ng almusal at agahan ay niyaya ako ng aking Tatay na pumunta ng bukid upang samahan siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD