Ilang sandali pa ay unti-unti nang bumagal ang pag-ikot ng bote. At mayamaya lang ay huminto na ang bote, at sa hindi inaasahan ay kay Cris ito tumungo.
"Nako! Ikaw ang pinakaswerte sa grupong ito Cris, ikaw ba naman ang kauna-unahang napaghintuan ng bote." Sabay tingin sa kanya at tumawa.
Umingay naman ang lahat at kanya-kaniyang nabigay ng opinyon kay Mikka tungkol sa magiging utos niya kay Cris.
"HAHAHA. Oh dapat kung ano ang sasabihin ko o e-uutos sa'yo ay susundin mo Cris." Sabay tumawa ng malakas.
"Oo ba." Malakas na sagot ni Cris sabay tumawa ng kunti.
"Um, eto na lang may itatanong ako sa'yo Cris. Kung sakaling magkakagusto sa'yo si." Napapaisip saglit. "Aiza, payag ka bang ligawan siya? Dugtong pa niya na siyang ikinagulat ko ng husto.
Sabay nag-ingay at naghiyawan ang lahat.
"Ano bang tanong iyan Mikka!" Malakas kong sinabi na patagong nagagalit.
"Aiza naman oh, wala namang masama diyan. Diba walang KJ?" Sambit pa ni Ivy.
"Sasagutin ko ang tanong iyan." Dugtong pa ni Cris sabay ngumiti. "Um, kung sakaling ma in love nga sa'kin si Aiza? Eh di ma in love lang siya." Sabay tumawa. "At wala akong balak na ligawan siya dahil hinding hindi mangyayari ang magkagusto ako sa kanya kahit siya pa ang matitirang babae sa mundo." Mayabang na sagot ni Cris sabay tingin sa akin at ngumiti ng kunti.
Bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking dibdib ng sabihin iyon ni Cris lalo na't sa harap pa ng mga ka-klase namin.
"Ouch. Ang sakit naman." Sabi-sabi pa ng iba sabay nagtinginan sa akin.
"Ops, walang sakitan ha, laro lang naman ito. At hindi ko naman sinabi na may gusto si Aiza kay Cris, kung sakali lang naman diba?" Dugtong pa ni Mikka na halatang dinidepensahan ako.
"Oo nga." Sambit ko pa sabay tumawa nang malakas at nagpapakita na hindi apektado. "Hindi naman ako na hurt o nasaktan sa sinabi ni Cris. Mabuti na nga iyon kasi hindi siya nakipag-plastikan, sinabi niya yung totoo. Kong ma inlove nga ako kay cris, wala namang masama. At hindi ko rin hihilingin na ligawan niya ako kasi in the first place wala sa ugali ni Cris ang lalaking magugustohan ko." Dagdag ko pa sabay ngumiti sa lahat habang hindi nagpapakita ng totoong nararamdaman.
"Oh ayan na at maliwanag na ang lahat, ano naman masasabi mo sa sinabi ni Aiza, Cris?" Pangiting tanong ni EJ kay Cris.
"Haha." Sabay tumawa nang malakas. Siguro napakababa kong lalaki kung magustuhan ko siya at ligawan. Sa katayuan pa lang sa buhay ay malayong malayo na. Nakakatawa." Dugtong pa niya habang nakatingin sa akin.
"Ah tama na iyan. Wala ng tanungan pa." Sambit pa ni Mikka na halatang nababahala sa akin.
Nasasaktan ako sa bawat salita ni Cris sa akin, lalo na pag pinapamukha niya sa akin na hindi kami magka-level, dahil sa mayaman siya at mahirap lang ako.
Pinipilit ko pa rin ngumiti sa bawat pagtingin ni Cris sa akin upang maipakita lamang sa kanya na hindi ako apektado sa bawat masasakit na sinasabi niya sa akin.
Sabihin na nating nagsinungaling ako, dahil sa katunayan matagal ko ng gusto si Cris kahit araw-araw pa niya akong binu-bully at pinagsasalitaan nang masasakit na salita. Ngunit binalewala ko lamang ang lahat ng iyon dahil sa mahal ko siya. At kahit na ganyan ang pag-uugali niya ay tanggap ko pa rin iyon. At kahit malabong mangyaring magkakagusto siya sa akin na isang hamak na mahirap lamang, pero pilit ko pa ring idinidikit ang sarili ko sa kanya. Kahit alam kong malabo.
"Um, saglit lang guys ha, aalis muna ako tatawagan ko lang saglit ang tita ko baka kasi nag-aalala na iyon. Nakalimutan ko pa tuloy na tawagan siya. Pakunwaring sinabi ko sa lahat sabay ngumiti. Makaalis lang aa kanila at upang hindi nila mahalata ang tunay kong nararamdaman.
Nakakahiya pag makita nila na tumutulo na lang bigla ang luha ko. Kaya kailangan kung humanap ng dahilan upang makaalis lang sa kanila.
"Balik ka agad Aiza ha." Sambit pa ni Mikka sa akin.
"Oo, tatawag lang ako sa amin." Sagot ko naman sa kanya sabay umalis.
"Aalis ka? Hindi pa nga tapos ang laro." Dugtong ni Cris.
Hindi na ako sumagot sa tanong niya at nagpatuloy na lang sa paglakad.
Samantalang pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang laro.
Nasa kabilang cottage ako habang pinapanood ko lang silang nagsasaya sa laro nila samantalang ako, ay naglalabas ng sakit na naramdaman. Pakunwari na lang ako na tumatawag sa tita ko kahit wala namang katotohanan. Gusto ko lang makalayo sa kanila. Ayaw ko lang kasi na mabisto nila kung anong nararamdaman ko, mahirap na at baka pagtawanan lang ako ng lahat lalo na si Cris.
Matapos ang isang oras na pagtatambay ko sa kabilang cottage ay umalis na rin ako at bumalik sa kanila.
"Oy, si Aiza andiyan na." Pasigaw na sinabi ni Sarah habang nakatingin sa akin na papalapit sa kanila.
"At nagbalik din." Dugtong pa ni Mikka na kanina pa nag-aabang sa aking pagbalik.
"Hindi pa ba ako huli?" Mahinhin kong tanong sa lahat habang lumalakad papalapit sa kanila.
"Halos dalawang oras ka ring nawala nu, ang tagal naman yata ng pag-uusap niyo?" Malakas na boses na tanong ni Mikka sabay ayos ng kaniyang buhok.
"Ah, kasi tinawagan ko lang din ang mga magulang ko sa probinsya." Pakunwari kong sinabi.
"Bakit saan ba sila?" Sambit pa ni Richard.
"Nasa probinsya namin."
"Maganda siguro roon sa probinsya niyo Aiza, pasyal naman tayo roon." Pangiting sinabi ni Mikka na parang nagbabalak pumunta.
"Ah sa susunod na lang siguro." Sagot ko naman sabay kamot sa ulo.
"Sandali lang baka makalimutan pa ng lahat. Aiza sama ka pala sa sabado, fiesta kasi roon sa amin tayo-tayo parin magkakasama. Oh ano, sama ka ba?
"Syempre hindi dapat mawawala si Aiza nu." Sambit ni Mikka sabay akbay sa akin.
"Ah, past muna siguro ako guys, uuwi muna kasi ako sa amin. Malapit na ang pasko at doon ako magpapasko sa amin at mag babagong taon." Pagtanggi kong sinabi sa pa-anyaya ni Ivy sabay tingin kay Mikka.
"Nako naman oh, sa susunod na linggo pa nga yung pasko Aiza, baka pwedi sama ka muna sa amin sa sabado." Malungkot na sinabi ni Mikka. "Sege na please." Dugtong pa niya na halatang makikitang may lungkot sa kaniyang mukha.
"Hindi pwedi Mikka, kasi kailangan ko na talagang makauwi sa lalong madaling panahon. Mas kailangan kasi ako roon sa amin lalo pa't maraming gawain doon." Mahinhin ko namang sagot sa kanya.
"Oo nga naman mas importante 'yon." Sambit pa ni Sarah na talagang nauunawaan niya.
"Sege na nga, basta sa susunod dapat sama kana ha." Dugtong pa ni Mikka sabay yakap sa akin at ngumiti.
"Hahah oo naman, bawe ako pagbalik ng klase." Sagot ko naman sabay ngumiti sa lahat.
"Siguro tapos na yang pinag-uusapan niyo, malalim na ang gabe siguro ay matulog naman tayo." Sambit ni Cris habang bitbit ang isang boteng laman ay alak.
"Oo nga, matulog na tayo guys." Dugtong pa ni Mark.
Napagpasyahan ng lahat na matulog na lalo na't lumalalim na ang gabe. Kanya-kanya na silang nag sipasukan sa kani-anilang mga tent.
Kinabukasan. Maaga pa akong nagising samantalang sila tulog pa.
Ano ba naman ang kinagawian kong buhay sa kanila, pag mayayaman tanghali na kung gumising samantala ang mahirap dapat maaga pa lang gising na para magtrabaho.
"Haaayyy buhay, magandang umaga sa mga tulog kong ka-klase." Sabay unat ng katawan.
Mayamaya ay pumunta ako sa tabi ng dagat upang pag matyagan ang napakagandang hampas ng alon, at damhin ang malamig nitong hangin.
Habang abala ako sa panonood ng mga alon ay may biglang boses na lang akong narinig sa aking likuran na tela ako ang kinakausap. Lumingon ako bigla at nagulat ako sa aking nakita.
"Ikaw?" Gulat kong sinabi sabay titig sa kanya.
"Ang aga naman nang paggising mo. Isang magandang umaga para sa isang magandang tulad mo." Pangiting sinabi niya sabay inom ng kapeng dala-dala niya.
Napatigil ako at ilang saglit pa ay napag-alaman kong si Allen pala ang lalaking kausap ko kagabe na siyang nakilala ko kahapon.
"Allen, di'ba?" Pag-aalinlangan kong sinabi sabay ngumiti sa kanya. "Tama ikaw nga." Dugtong ko sabay tumawa ng kunti.
"Haha ako nga, bakit parang masaya ka? Tanong ni Allen sabay tumawa. "Kanina ka pa ba rito?"
"Ah wala." Sabay tumawa at tinitigan siya. " Um, actually kakagising ko pa lang kaya bago pa lang ako dumating dito. Ano pala ang ginagawa mo rito?" Dugtong kong tanong sa kanya.
"Ang aga mo pa nagising ah. Well, tulad mo rin nanonood ng alon." Sabay tingin sa mga alon.
Agad lumingon at tiningnan ang mga alon." Oo nga ang mga alon." Sabay tumawa."Bakit ikaw ang aga mo rin yata gumising." Dugtong kong tanong sa kanya habang nakatingin sa basong hawak-hawak niya.
"Nag lakad-lakad lang kasi ako, kaya habang naglalakad ako may nakita akong isang magandang babae." Pangiting sinabi sabay titig sa akin.
"Ah ganoon pala." Pagtataka kong sinabi.
"Oo, at kausap ko nga siya ngayon." Sabay ngumiti.
Agad akong tumingin sa paligid at,
"Nako." Sabay tumawa. "Palabiro ka nga ano." Dugtong ko pa habang panay sa pagtawa.
"Hahah totoo naman ah, hindi ba ako mapagkatiwalaan?" Sambit niya naman habang nakatitig pa rin sa akin.
Tumawa na lang ako at hindi na nagsalita pa.
"Kape muna tayo, kanina ka pa kasi nakatingin sa basong hawak-hawak ko, pwedi ka ba?" Pangiting sinabi niya sabay tingin sa basong hawak-hawak niya.
"Kaloka, na pansin mo pa pala iyon." Sabay tumawa.
Niyaya nga ako ni Allen magkape na hindi lang kalayuan sa cottage namin.
Sa Green Cafe kung saan nagkape at nag-usap kaming dalawa ni Allen.
"Kamusta pala ang tulog mo Aiza?" Tanong niya habang naglalagay ng asukal sa kaniyang kape.
"Ayos lang naman napasarap nga ang tulog ko." Sagot ko naman habang tinitimpla ang kape.
"Pinagmamasdan ko lang kayo kagabe nasa kalagitnaan na kaayo ng gabe nakatulog ah." Sabay higop sa kaniyang kape.
"Ah, oo kasi may gimik lang kagabe." Sabay ngumiti.
"Ganoon ba". Maiba nga tayo ng usapan, um, may boyfriend kana ba Aiza?" Bigla niyang tanong sabay titig sa akin.
"Ha?" Palakas at gulat kong sinabi. "Wala pa nu, hindi pa nga ako nagkaka boyfriend eh." Dugtong ko sabay higop ng kape.
"Oh talaga? Hidi nga?" Pagtatakang sinabi niya sabay tingin sa akin.
"Bahala ka nga diyan kung ayaw mong maniwala."
"Hahah, hindi na mabiro." Sabay tumawa.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkakape ni Allen ay unti-unti ring lumalim ang pag-uusap naming dalawa.
Mayamaya lang ay biglang dumating ang grupo nina Cris sa parehong lugar kung saan kami nagkakape ni Allen.
"Miss, kape nga yung may gatas lang ang sa'kin." Sabi ni Richard sa waitress sabay tingin sa palibot. "Oh, si Aiza andito pala at kasama niya yung lalake kagabe." Palakas na boses habang nakatingin sa amin ni Allen.
"Naks, iba talaga karisma ni Aiza ah." Dugtong pa ni EJ.
"Kanina pa siguro sila dito." Sambit pa ni Mark habang abala sa pagpili ng orders sa menu book.
"Um, miss kape nga yung matapang na kape. Malakas na boses ni Cris na halatang nagpaparinig.
Dahil sa lakas nang pagkasabe niya, ay parang nahulaan ko agad ang boses na iyon at hindi nga ako nagkamali ay boses nga iyon ni Cris.
"Andito din pala sila?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa grupo nina Cris.
"Sinong sila?" Pagtatakang tanong ni Allen sabay tingin sa palibot.
"Ah, yung mga ka-klase ko." Sabay ngumiti sa kanya.
"Ah okey sila pala iyon." Sabay tingin sa kanila.
Mayamaya pa ay biglang umulpot si Richard sa aming pag-uusap ni Allen habang abala sa pagtimpla ng kape niya.
"Oyy Aiza andiyan ka pala, at may kasama ka." Pangiting sinabi ni Richard sabay tingin kay Allen.
Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot pa sa sinabi ni Richard.
"Kape tayo Aiza at diyan sa kasama mo." Sambit pa ni Mark sabay ngumiti sa amin ni Allen.