"Ah, oo actually buong sekyon kaming magkakasama rito."
"Mabuti naman, ang dami niyo naman pala." Sabay ngumiti
"Hehe oo nga." Pangiti ko ring sinabi sabay tingin sa kanila ni Mikka na insaktong nakatingin din sa akin at panay ang pagtawa nang palihim.
"Anyway if you don't mind. Um, pwedi ba kitang maanyayang magkape or drinks o anong gusto mo?" Pa-anyaya niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.
"Ah pwedi naman sure. Walang problema." Sagot ko naman habang umiiwas sa kaniyang mga tingin sa akin.
"That's great, napagbigyan mo agad ako kahit ngayon mo pa lang ako nakikilala." Halatang makikitang may tuwa sa kaniyang mukha.
"Ah sos wala 'yon, magkakape lang naman ah hindi ba?" Sagot ko naman sa kanya.
Agad naman akong pumayag sa naging pa-anyaya niya sa akin. Mayamaya pa ay pumunta kami ni Allen sa cafeteria upang magkape.
Napasarap ang naging usapan namin ni Allen at naging magkakakilala na rin hanggang sa mag katanungan na kami tungkol sa aming sarili.
"Pasensya kana medyo madaldal lang talaga ako ang dami kong tanong hehe." Pangiting sinabi ni Allen habang nagkakape.
"Okey lang natutuwa naman ako." Pangiting sagot ko rin sa kanya.
"Mabuti naman kung ganoon, akala ko kasi naiinis kana o nagsasawa dahil sa mga katanungan ko sa'yo. By the way Aiza nag-aaral ka pa ba?"
"Hahah nako hind ah. Sagot ko sa kanya habang napatawa bigla. "Oo nag-aaral pa ako ikaw ba?"
"Nag-aaral din, actually 1st yr college na ako." Sagot niya na at tela napapaisip.
"Pariha lang pala tayo 1st yr college rin ako."
"Saan ka ba nag-aaral?"
"Sa St. Mercedes Academy po."
"Oh my God, what a very small world between us Aiza, diyan din ako nag-aaral." Makikitang may tuwa sa mukha ni Allen nang malaman niya na iisang skwelahan lang ang pinapasukan namin.
"Ay talaga hindi ko inaasahan yan ha, mabuti naman kung sa ganoon." Sambit ko naman habang tumawa ng kunti.
"Me too Aiza, imagine parehong school lang pala ang pinapasukan natin." Sabay ngumiti sa akin.
"Oo nga naman at nag kakilala pa tayo ha."
Pareho kaming nabigla ni Allen nang malaman namin na parehong skwelahan lang pala ang among pinag-enrollan.
"Haha ano kaya ang ibig sabihin nito." Tanong pa niya habang napapaisip.
Naging maganda ang unang pagkakilala namin ni Allen sa isat-isa. Nnapatagal at mas naging exciting ang naging pag-uusap naming dalawa. Hindi na namin namalayan ang oras at ginabe na pala kami.
"Um, excuse me Allen, siguro kailangan ko nang bumalik sa mga ka-klase ko baka kasi hinihanap na nila ako. Hindi ko na namalayan gabe na pala." Mahinhin kong sinabi sa kanya sabay tingin-tingin sa paligid ng cafeteria.
"Actually, gusto pa sana kitang makausap at makilala pa ng lubusan pero may point ka nga, sege Aiza ihahatid na kita sa kanila." Sagot niya habang nakangiting nakatitig sa akin. "Gabe na nga at pareho nating hindi namalayan. Ang saya mo kasing kausap." Dugtong pa niya.
"Haha, nako hindi naman ikaw nga itong magandang kausap eh." Sambit ko habang napapatawa.
Ilang sandali pa ay umalis na kami ng cafeteria ni Allen at pagkatapos ay hinatid niya ako papunta sa cottage namin kung saan nanroroon ang mga ka-klase kong abala sa kani-kanilang ginagawa.
"Ginagabe na si Aiza ah, napaganda siguro usapan nila." Sambit ni Sarah habang nakatingin sa amin ni Allen na siyang papalapit sa kanila.
"Parang may ngiti pa nga sa labi sa Aiza." Dugtong pa ni Mikka na makikitang may ngiti sa mukha.
"Nako hindi malabong magka-debelopan silang dalawa". Dugtong pa ni Ivy na mikitang may pagdududa.
Mayamaya pa ay nakarating na kami ni Allen sa cottage namin na siyang pinagtataka ng marami.
"Thank you Aiza sa time mo, hope to see you again." Pangiting sinabi ni Allen sabay tingin sa mga ka-klase kong nakatingin din sa aming dalawa.
Agad akong lumingon sa likod kung saan nakatingin ang lahat sa amin.
"Ah thank you rin Allen sa paghatid sa akin, mga ka-klase ko nga pala." Sabay tingin sa mga ka-klase ko.
Agad namang tumingin si Allen sa mga ka-klase at sabay sabi.
"Hello guys nice to meet you all." Pangiting sinabi niya sa lahat. "So, Aiza hindi na ako magtatagal at aalis na ako. Mag-ingat ka na lang palagi."
"Ikaw din Allen. Mag-ingat ka rin." Malambing na tugon ko sa kanya.
"Sege mauna na ako Goodbye." Pangiting sinabi niya sabay umalis
"Bye."
Mayamaya pa ay naghiyawan ang lahat ng mga ka-klase ko na panay ang panunukso at pangungulit sa akin na siyang ikinatuwa ko naman na medyo naiinis.
"Oyy Aiza, kayo na ba niyan?" Sambit ni Mikka habang naksunod sa akin.
"Hoy! Ano ka ba, kakilala pa nga namin, kami na agad?" Sagot ko naman sabay hampas sa kaniyang balikat.
"Ang gwapo naman niya." Dugtong pa ni Ivy na halatang natutuwa.
"At ang cute." Dugtong naman ni Sarah.
"Magsitigil nga kayo diyan." Sabay pagtaas ko ng boses. "Tama nga kayo ang gwapo niya, ang bait at napaka gentleman pa." Malumanay kong sinabi sabay ngiti sa kanila na halatang kinikilig.
Agad naman napatawa ang apat sa akin.
Mayamaya pa ay naisipan kong pumunta ng banyo upang magpalit ng damit. Ilang saglit pa nang papalapit na ako sa banyo ay may biglang bumanggit sa pangalan ko na siyang ikinagulat ko. Napalingon naman ako at paglingon ko ay nakita ko si Cris na nakatayo at nakatingin sa akin, hindi kalayuan.
Tiningnan ko lang siya at agad na bumalik sa paglalakad hanggang sa tinawag niya ulit ang pangalan ko.
Biglang napahinto sa paglakad at sabay na lumingon sa likod kung saan siya naroroon.
"Tinatawag mo ba ako?" Tanong ko sa kanya habang nagpapakunwaring walang alam.
"Alam mo naman pala bakit ka pa nagtatanong? Sagot niya habang unti-unting lumalakad papalapit sa akin.
"Um, bakit may kailangan ka ba sa akin?" Mahinhin kong tanong sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha.
"Tatanong lang naman sana ako kung saan yung Cr ng lalaki?" Tanong niya sa akin na halatang nagkukunwari lamang.
"Alam kong may sasabihin ka Cris." Bulong ko sa aking sarili sabay iwas sa kaniyang mga tingin sa akin. "Ayon ang cr ng lalaki Cris, lumiko ka lang pakaliwa at 'yun na 'yun."
"Okey thanks." Pangiting sinabi niya sa akin na halatang napipilitan lang ngumiti.
"Sege maiwan muna kita. Aalis na ako." Mahinhin kong sinabi sa kanya sabay talikod.
Pahakbang naa sana ako ng biglang binanggit niya ang pangalan ni Allen na siyang ikinagulat ko at ipagtaka. Dagdag pa sa kaniyang kaka-ibang katanungan.
"May gusto ka ba sa Allen na iyon Aiza?" Malakas na tanong ni Cris sa akin.
Napatigil ako saglit at napaisip ng bigla akong tanungin ako ni Cris tungkol sa bagay na iyon.
"Ha?" Pagulat kong sinabi sabay humarap sa kanya. "Aaa... Bakit mo naman natanong 'yan ha?" Pagtatakang tanong ko habang nababalisa.
"Aaa..Aaa.. Wala kasi parang halata naman diyan sa kinikilos mo." Pautal utal niyang sinabi sabay iwas ng tingin sa akin.
"Ah ganoon ba, eh ano naman ngayon kung magkakagusto nga ako sa kanya? Mabait naman siyang tao, gentleman at marespito." Sagot ko sa kanya habang palihim na ngumingiti.
"Wala lang naman nagtanong lang naman ako ha." Malakas na boses niyang sinabi na halatang makikitang may kunting galit sa kaniyang mukha.
"Para yatang interasado ka Cris, nagseselos ata 'to, HAHA. Bulong ko sa aking sarili sabay ngumiti ng palihim.
"Hindi naman malabo na magkakagusto ako sa kanya, bukod sa gwapo at matipuno siyang lalake, mabait pa siya at maaalahanin." Pangiting sinabi ko sa kanya habang palihim na inaalam ang bawat facial expression niya.
"Kakilala mo pa nga lang sa kanya mabait na agad, sinabihan ka lang na mag-ingat maaalahanin na agad. Haha." Sabay tumawa nang malakas.
"Oh, bakit parang kumukontra ka diyan?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang bawat facial expression niya.
"Wala nu.! Bakit naman ako kokontra wala naman akong pakialam sa inyo." Galit na sinabi niya sabay taas ng dalawang kilay niya.
"At bakit parang galit ka?" Sambit ko habang pinagtataasan din siya ng kilay.
"Galit? Paano naman ako magagalit ha? At ano ba yang mga tanong mo?" Pagtatakang tanong niya sa akin na halatang parang nababalisa siya at hindi mapakali.
"Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay tawa.
"Ano Sabi mo? Nagseselos?" Palakas na sinabi niya na makikitang nababalisa siya. "At bakit naman ako magseselos ha? Sabay tawa ng kunti. "Hoy! Kahit ikaw na lang ang babaeng natitira sa mundong ito hindi ako papatol sa'yo nu. Hindi ako papatol sa isang katulad mong mahirap lang, diyan ka na nga!" Sabay tingin sa paligid.
Agad na nabigla sa mga sinabi niya.
"Napakasakit mo namang magsalita, hndi ka pa rin nagbabago." Pilit na ngumiti sa kanya kahit nasasaktan na. "Alam ko naman na mahirap lang ako, 'wag mo naman sanang apak-apakan ang pagkatao ko. At isa pa ha, kahit ikaw lang din ang natitirang lalaki sa mundong ito hindi rin ako papatol sa isang katulad mong demonyo!" Galit kong sinabi sa kanya sabay tinalikuran siya at umalis ng walang paalam.
Matapos ang limang minutong pagbabanyo ko ay agad akong bumalik ng cottage.
"Aiza saan ka ba nanggaling, kanina pa kami naghinhintay sa'yo, sainyo pala ni Cris ba't ang tagal niyong nawala?" Tanong ni Mikka sa akin na tela nababahala sa naging change of mood ko.
"Ah, eh nagpalit lang kasi ako ng damit." Sagot ko naman sa kanya habang pinipilit na baguhin ang modo ko.
"Okey ka lang na Aiza? Bakit parang iba ngayon ang modo mo. May sakit ka ba? Pag-aalalang tanong niya sa akin. "Asan nga pala si Cris?" Sabay tingin palibot.
"Nandito ako." Sambit ni Cris habang papalapit sa amin.
"Saan ka ba nanggaling Cris? Ba't ang tagal mong nawala?" Dugtong pa ni Richard habang abala sa paglalaro ng online games sa cellphone niya.
"Ah nagbanyo lang ako saglit."
"Si Aiza nagbanyo rin, magkasama ba kayong dalawa? Hahaha." Sambit pa ni Ivy sabay tawa ng lahat.
"Magsitigil nga kayo." Palakas na boses ni Cris
"Oy tama na 'yan, Ilatag na nga lang natin ang mga tent nang sa ganoon masimulan na natin ang laro natin mamaya." Sambit ni Mikka habang abala sa pagpa-plano ng mga gagawin mamaya.
Nagsimul na kaming maglatad ng aming mga tent at nagligpit ng iba pang mga gamit.
"Natapos na natin mailatag ang tent natin at tapos na rin tayong kumain. Siguro ay simulan na natin ang laro natin. Handa na ba kayo?" Pasigaw na sinabi ni Mikka sa lahat na halatang natutuwa sa pagsisimula ng laro.
"Ano ba ang laro natin Mikka?" Tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo lang mamaya Aiza." Pangiting sagot niya sa akin.
"Bakit mamaya pa? Simulan na natin ngayon ang larong iyan." Sambit pa ni Cris na halatang excited sa laro.
"Oo nga naman habang hindi pa malalim ang gabe nang sa ganoon ay marami pang laro ang malalaro natin. Oh diba?" Dugtong pa ni Richard sabay tingin sa lahat.
Agad na naming sinimulan ang laro sapagkat excited ang lahat. Nagsiupo kaming lahat habang may mesa na nakatayo sa gitna namin. Mayamaya pa ay kumuha ng bote si Mikka na siyang ipinagtaka ko.
"Para saan yang bote Mikka?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
Agad nilagay ang bote sa mesa. "Ito ang laro natin Aiza. Sa mga hindi pa nakaalam nito, tuturuan ko kayo. Paiikotin ang boteng ito at kung saan tutungo o hihinto ang dulo ng bote ay susunod sa bawat e-uutos ng taong nagpa-ikot ng bote. Maliwanag ba?
"Parang maganda ang larong iyan." Sambit pa ni Cris at iba pa naming kasamahan.
"Okey paiikotin ko na ang bote, at dapat bawat utos ay susundin ha, walang KJ okey?" Sabay tingin sa lahat.
At sinimulan nang paikotin ni Mikka ang bote habang nag-aabang ang lahat kung sino ang mapaghintuan ng bote.
"Opss. Eto na, sino kaya ang maswerteng paghintian ng bote." Sambit pa ng iba sabay hiyawan.
"Nako ayan na saan kaya tutungo yan?" Dugtong pa ni Ivy habang natutuwa sa panonood ng boteng umiikot-ikot.