"Oy baka pwedi isama niyo naman kami diyan, hindi naman maganda kung kayo lang diba?" Sambit ni EJ habang abala sa pakikinig sa plano ng bawat isa.
"Oo ba pwedi naman, sa darating na Christmas break mag be- beach tayo." Sagot naman ni Sarah na halatang gustong isama sila.
Abala pa rin ang lahat sa pagpa-plano habang nasa sulok lang ako ng room na walang kibo at nakikinig lang sa mga plano nila.
"Aiza, halika nga dito." Malakas na sinabi ni Mikka habang nakatingin sa akin.
"Dito lang ako Mikka nakikinig naman ako sa pinag-uusapan niyo diyan." Sagot ko kay Mikka na parang wala sa modo.
"Sasama ka ba? Aiza?" Malakas na tanong ni Cris sa akin na siyang ikinagulat ko ipinagtaka.
Bigla namang napatigil ang lahat nang magsalita si Cris at nang kausapin ako.
"Bakit? Bakit ka nagtatanong?" Pagtataka kong tanong sa kanya na nagpapakita ng wala sa modo.
"Hindi ba pweding magtanong?
Kasi ikaw lang ang walang kibo diyan samantalang lahat abala sa plano. Akala ko bay walang KJ?" Sagot naman ni Cris habang nakatingin sa akin.
"Oo nga naman Aiza." Sambit pa ng marami.
"Hindi ako kj Cris, sasama lang ako pag wala ka." Pataray kong sinabi.
"Bakit may magagawa ka ba pagsumama ako?" Pangiting sagot niya sa akin.
Napatingin na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa. Napaisip tuloy ako na kung sasama ako na kasama rin si Cris ay talagang mapapahiya lang ako dahil pagtri-tripan niya lang ako. Napaisip din ako na kapag hindi ako sasama marami ang sasama ng loob sa akin.
Ilang days na lang ay Christmas break na at abala na ang lahat.
Monday in the morning 11:00 AM. Kung saan Christmas break na namin.
Mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone kaya nagising ako dahil sa ingay ng tawag. Agad ko itong sinagot at kinausap ang tumawag. Laking gulat ko na lang na naroroon na pala ang lahat sa park kung saan ako na lang ang hinihintay. Naisip ko na ngayong araw pala ang beach outing namin. Kaya ganoon na lang ang pagmamadali kong mag-ayos ng aking sarili at pumunta ng park na kung saan mahigit kalahating oras na naghihintay ang aking mga ka-klase.
Sa Park kung saan naghihintay ang aking mga ka-klase.
"Mikka asan na ba si Aiza, ang tagal naman ha." Tanong ni Sarah kay Mikka na talagang naiinip na sa kakahintay.
"Ano ba kasi 'yon kanina pa tayo dito." Dugtong pa ni Jessica na parang inaantok na sa kakahintay sa akin.
"Ayon na si Aiza oh." Malakas na sinabi ni Mikka sa lahat.
"Salamat naman at dumating din sa wakas." Sambit ni Ivy.
"Kanina pa ba kayo?" Pag-aalinlangan kong tanong sa lahat.
Nakatingin lang ang lahat sa akin na halatang makikitang may kunting galit sa kani-kanilang mukha sabay sabing "kanina pa."
Nagsimula nang magsi-alisan papuntang beach ang iba. Samantalang ako ay hindi ko alam kung saan ako sasakay hanggang sa may paparating na naka motor ang huminto sa aking harapan.
"Aiza, wala ka bang sasakyan?" Tanong ni Mark habang nakasakay sa kaniyang malaking motor.
"Mark ikaw pala iyan?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan siya.
"Halikana sa akin ka na lang sumakay." Pa-anyaya niya sa akin.
Hindi na rin ako makatanggi sa pa-anyaya ni Mark sa akin sapagkat wala akong masakyan kundi siya na lang. Kaya umangkas ako sa malaki niyang motorsiklo.
Matapos ang mahigit isang oras na biyahe ay narating din namin ang Far Away beach na kung saan isa ito sa mga sikat at tanyag na beach dito sa Makati at higit sa lahat target na puntahan ng mga turista dahil sa taglay nitong ganda at payapang resort.
Dahil sa huli na kaming nakarating ni Mark at nauna na ang karamihan kaya naka outfit na pang swimming ang lahat nang makarating kami ng resort.
Mayamaya pa ay may nakita akong bakanting cottage na kung saan pwedi roon tumambay kaya naisipan kong pumunta roon upang mag relax at makapag-isa habang abala ang lahat. Nagpaalam muna ako sa aking mga ka-klase bago umalis.
Habang nasa kabilang cottage ako medyo malayo sa cottage namin ay nakita ko si Cris na insaktong nasa kabilang cottage rin na nag-iisa at tela may malalim na iniisip.
Ilang sandali pa ay bigla akong tinawag ni Mikka na halatang kanina pa tawag nang tawag sa akin.
Agad naman akong bumalik cottage namin upang puntahan si Mikka.
Pagdating ko ng cottage ay makikitang abala si Mikka sa pag-aayos ng mga gamit niya at tela may hinahanap itong bagay.
"Oy, Aiza nandiyan kana pala. Tignan mo 'to binili ko talaga ito para sa'yo, dali isukat mo." Agad na ibinigay ang ang isang supot na may lamang damit.
"Ano naman ba ito Mikka?" Pagtatakang tanong ko habang binubuksan ang supot na binigay niya.
Mayamaya pa nang mabuksan ko ang supot na binigay niya ay nabigla ako nang makita ko ito.
"Ano to Mikka? Two piece? Wag mung sabihin na ipasusuot mo ito sa akin. Nako! Nako! Ibabalik ko na lang ito sa'yo." Pakunting ngiti na sinabi ko sa kanya sabay balik ng supot sa kanya.
"Two piece pang swimming mo. Ano ka ba naman kailangan mo 'yan sa pag swimming nu. Alangan naman na ganyan ang suot mo sa pagliligo." Sambit pa niya habang pilit na pinapasuot sa akin ang two piece na bigay niya.
"Huwag na ayoko nang maligo. At wala naman talaga akong planong maligo." Sabay tanggi sa alok niya.
" Isuot mo na, ikaw lang ang iba sa aming apat pag hindi mo sinuot ito. Magtatampo ako sa'yo." Sabay taas nang dalawang kilay habang inaabot sa akin ang two piece.
"Ah basta ayaw ko." Pagtanggi kong sinabi.
"Sege ka pag hindi mo ito sinuot isisiwalat ko sekreto mo." Pangiting sinabi niya sabay tingin sa malayo.
"Hoy! Ano ka ba? At ano namang sekreto ko ang isisiwalat mo aber?" Pagtatakang tanong ko habang tinitignan siya nang masakit.
"Sasabihan ko si Cris na may gusto ka sa kanya." Agad niyang sagot sabay tawa nang malakas.
"Nako! kahit sabihin mo pa 'yan wala sa'kin 'yan. Hindi naman totoo 'yan." Pangiti kong sinabi sabay umalis ng cottage.
"Sege ka, saaabihin ko talaga." Pasigaw niyang sinabi.
"Gawin mo bahala ka." Habang diritso lang sa paglakad pabalik sa kabilang cottage.
Nang papalapit na ako papunta sa cottage na pinanggalingan ko ay umagaw ng atensyon sa akin nang makita kong may babaeng papalapit kay Cris habang nakatayo siya sa sulok ng cottage. Napahinto ako at tinignan sila nang mabuti. Ilang saglit pa ay napansin kong parang nagkakaigihan silang dalawa.
Mayamaya pa ay biglang nakaramdam ako nang galit at parang selos na siyang hindi ko maunawaan kung bakit.
"Nag seselos ba ako? Hindi naman yata wala naman akong gusto sa kanya. Ang yabang yabang nga ng lalaking iyan. Hahayaan ko nalang sila." Bulong ko sa aking sarili habang iniisip kung anong pinag-uusapan nilang dalawa. "Bakit ba ako nagkaka-ganito?" Biglang tanong ko sa aking sarili sabay tumalikod upang maiawasan ang pagtingin ko sa kanila.
Pinipilit ko na lang na hindi sila tignan pero, para yatang na demonyo ang mga mata ko kung bakit hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kanila.
"Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawa?" Pagtatakang sinabi ko na may halong pagdududa. "Hindi naman maganda ang babae kaso nga lang labas naman dibdib. Talo na ako diyan." Malungkot na sagot ko habang napapaisip ng husto.
Ilang saglit pa ay napaisip ako.
"Pano kaya kung magsuot din ako ng two piece?" Tanong ko sa aking sarili sabay ngumiti nang palihim.
Kaya't nagmamadali akong bumalik ng cottage upang hanapin agad si Mikka.
Sa Cottage habang abala si Mikka sa pag selfie gamit ang bagong bili niyang cellphone.
"Mikka?" Palakas kong pagtawag sa kanya na siyang ikinagulat niya naman.
"Ay puteks." Palakas niyang sinabi sapagkat nagulat ito. "Ano ba naman Aiza ginulat mo naman ako.
Agad akong lumapit sa kanya sabay sabi na.. "Asan na ba yung pinapasuot mo sakin kanina? Tanong ko sa kanya na may halong ngiti sa mukha.
"Oh, para yatang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon ah." Pagtatakang tanong niya sa akin sabay titig sa aking mukha.
"Mainit lang kasi parang gusto kong maligo, nakakahiya naman pag maliligo ako ng nakaganito lang hindi ba." Pakunwaring sagot ko naman sa kanya.
"Tama ka nga, pero 'yan ba talaga ang tunay mong dahilan? O baka naman nagseselos ka dahil sa may kausap na sexy na babae si Cris?" Sabay tingin sa kabilang cottage kung saan naroroon si Cris at ang babaeng kausap niya. "Oyy aminin hahah." Agad tumawa nang malakas.
"Tumahimik ka nga diyan. " Sabay hampas sa kaniyang balikat. "Hindi naman maganda iyon, malaki lang dibdib." Sabay tingin sa sa dalawa habang nagkakatuwaan sa pag-uusap.
"Haha, cge na suutin mo na ito baka sakaling mapansin ka niya." Sabay talikod at humalakhak sa tuwa.
Mayamaya pa ay nagsimula nang maligo sina Mikka, Ivy, Jessica at Sarah, puros sila lahat nakasuot pang swimming samantalang ako ay nagdadalawang isip pa kung susuotin ko ba ang damit na ito.
Ilang saglit pa, habang nagbabalak na akong lumabas ako ng cottage.
"Oy Aiza, lumabas kana diyan." Pasigaw na sinabi ni Sarah habang abala sa pagliligo.
"Oo nga naman halikana maligo na tayo." Dugtong pa ni Ivy.
Ngumiti na lang ako sa kanila at hindi na sumagot pa sa mga sinabi nila. Mayamaya ay tiningnan ko ulit sa kabilang cottage si Cris ngunit kausap niya pa rin ang babaeng iyon.
"Para yatang nawiwili na si Cris kausap sa babaeng iyon halos hindi na niya malingon sa iba ang mata niya, naka focus talaga sa babaeng iyon." Bulong ko sa aking sarili habang panay sa pagmamasid sa kanilang dalawa.
Ilang saglit pa ay napagpasyahan ko nang lumabas ng cottage na kung saan suot-suot ko ang two piece na bigay ni Mikka. Makikitang namangha at natulala ang mga kaklase ko nang makita nila akong nakasuot ng two piece. Ganoon din ang ibang tao na nakakita sa akin.
"Wow ang sexy pala ni Aiza. Kakaiba ang alindog niya." Sabi-sabi pa ng mga ka-klase ko na naliligo hindi kalayuan sa akin.
"Wow yummy." Sambit pa ni Sarah na makikitang humahanga siya.
Iba-iba ang naging komento ng mga tao sa akin lalo na ang mga ka-klase ko na halos puros magaganda ang naging komento nila sa akin. Subalit mas tinuunan ko pa rin nang pansin si Cris at ang babaeng kausap niya.
Nag kunware akong hindi ko nakikita si Cris pero ang totoo ay nagpapapansin talaga ako sa kanya. Kunware ay lilingon lang ako, subalit ang totoo ay titingnan ko kung nakatingin ba sa akin si Cris sa akin o hindi.
"Sa babae parin siya nakatingin hatalang nawiwili na siya." Bulong ko sa sarili sabay lingon sa mga ka-klase kong abala sa pagliligo.
Habang lumalakad ako papunta sa kanila ni Mikka ay may nakabangga akong lalaki at siyang dahilan upang matapon sa lupa ang iniinom niyang inumin.
"Oh my God. I'm sorry miss, okey ka lang ba? Tanong ng lalake sabay humingi ng pasensya sa akin. "Pasensya kana ha."
"It's okay, ayos lang naman ako at alam naman natin na aksidente lang." Pangiting sagot ko sabay ngumiti ng kunti sa kanya.
"Pasensya talaga ha." Mahinhin na sabi niya sabay pulot sa basong tumilapon sa lupa.
"Nako, wala 'yon. Pasensya na rin natapon pa tuloy yang iniinom mo."
Nang aksidente akong nakalingon sa likod ay insaktong nakita ko si Cris na nakatingin sa akin. Hindi man sa assuming ako pero parang nag-iba ang mukha niya nang makita niya akong may kausap na lalaki.
"By the way, I'm Allen. Allen Ocampo." Pangiting sinabi niya sabay abot ng kanyang kamay upang makipag-kamay sa akin.
"Ah hi, Aiza pala. Aiza Gutierrez." Sabay na nakipag-kamay sa kanya at ngumiti ng kunti.
"Nice to meet you Aiza, ang ganda mo naman." Sabay tiningnan ako mula ulO hanggang paa. "At wow! Ang sexy mo."
"Ah nako, salamat." Sabay ngumti ng kunti.
"By the way may mga kasamahan ka ba?" Tanong niya habang tumitingin sa palibot.