Chapter 4

2015 Words
"Nako! Sino ba ang walang puso ang gumawa nito? Mga hayop!" Galit na sinabi ko. Mayamaya lang ay may paparating na tatlong babae sa akin na halatang ma attitude ang mga ito. "Poor little girl, kawawa ka naman bisiklita na nga lang meron ka nasira pa. Hindi ka pa naman afford makabili ng sasakyan kahit nga motor siguro hahah. Baka nga hiniram mo lang yang besikleta mo." Panlalait na sinabi isang babae sabay tumawa nang malakas. "Sino ka ba, sino ba kayo? At bakit kayo may kinalaman sa pagkasira ng bisiklita ko?" Pagtatakang tanong ko sa mga babaeng nanlait sa akin. "Nagtatanong ka ba?" Sambit naman ng isa pang babae sabay tumawa. "Anong kailangan niyo sa akin? May kinalaman ba kayo sa pagkasira ng besiklita ko?" Galit na tanong ko habang tinitignan ko sila isa-isa "Hulaan mo." Sabay na sagot ng tatlo habang panay sa pagtawa. "Ang galing niyo nu, ang galing niyong mang-apak ng kapwa niyo tao! Nakakagigil kayo." Sabay umalis Umalis na lang ako at hindi na pinansin ang bawat sinabi ng mga babae sa akin. Lumakad lang ako dala-dala pa rin ang sira at durog kong bisiklita pauwi sa amin. First day of school pa lang ay kalbaryo na agad. Minalas na nga ako napahiya pa sa maraming tao. Sa bahay, habang abala sa paglilinis sa garahi si Aling Tinay ay hindi inaasang nakita niya ang bisiklitang gamit ko kanina na ngayon ay sira-sira na at durog na siyang hindi na mapakinabangan. "Aiza anong nangyari, bakit sira-sira at durog na itong bisiklita mo subalit kanina ay buo pa ito at gamit-gamit mo?" Gulat at pagtatakang tanong ni Aling Tinay habang pinagmamasdan ang sira-sira kong bisiklita. Napatigil naman ako sa paglakad habang iniisip ang isasagot ko sa mga tanong niya. "Wala iyan Aling Tinay, nabundol lang ng sasakyan kanina sa skwelahan." Sabay kamot ng ulo. "Hindi kasi nakita nang nagmamaneho na may naka paradang bisiklita kaya nabundol at naapakan." Palusot na sinabi ko. "Nako sayang naman." Malungkot na sagot niya. "Tatanga-tanga naman pala iyang nagmamaneho ng sasakyan." Dugtong pa niya. "Okay lang po total medyo luma na naman iyan, exercise na rin ang tawag sa araw-araw na paglalakad ko papuntang skwelahan at isa pa hindi naman kalayuan ang skwelahan namin Aling Tinay." Pangiting sinabi ko habang nanghihinayang sa besiklita ko. "Hay nako Aiza, kawawa ka naman bata ka." At nagpatuloy sa paglilinis ng garahe. Umalis na rin ako ng garahe at agad dumiritso sa aking kwarto at tsaka tiningnan ang sarili sa salamin. "Kaya mo 'yan Aiza, kahit first day of school pa lang ay napahiya kana agad pero 'wag mo lang 'yun dibdibin at intindihin, wala iyon.Tatagan mo lang ang sarili mo kaya mo 'yan. Alam kong matapang ka." Nakangiting sinabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa malapad na salamin. Kinabukasan habang abala ako sa pagligpit ng basura sa kusina ay dumating ang aking tita Nelly na galing garahe. Halatang may makikitang pagtataka sa kaniyang mukha habang unti-unting papalapit sa akin. "Aiza, anong nangyari sa bisiklita mo? Na aksidente ka ba haa??" Gulat at pagtatakang tanong ng Tita Nelly ko sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Wala po Tita Nelly, nabundol po kasi 'yan sa paradahan ng sasakyan kahapon. Hindi kasi napansin ng driver." Palusot kong sinabi habang nag aabala-abalahan sa pagliligpit ng basura. "Hay nako, akala ko kong na disgrasya ka. Pag-aalalang sinabi ng aking Tita Nelly sabay kamot sa ulo. "Huwag kang mag-alala ibibili na lang kita ng bago." "Nako 'wag na po tita , okey lang naman na maglakad ako total hindi naman kalayuan ang paaralan ko sa bahay niyo." Pagtanggi kong sinabi sa kaniya. "Sabagay nga pero sabihan mo agad ako pag pagod kana sa pag lalakad ha." Pangiting sinabi niya. "Haha hindi po ako marunong mapagod tita." Sabay tumawa. Sa daan habang naglalakad ako papuntang skwelahan ay may biglang sasakyan na naman ang humagilis sa akin, mabuti na lang at nakailag ako kaya walang may nangyaring masama sa akin. "Hoy! Wala man lang respeto! Galit at pasigaw na sabi ko. "Kala niya sa kanya itong kalsada." Nang papasok na ako ng gate ay umagaw ng atensyon sa akin nang makita ko ang sasakyang humagilis sa akin kanina sa daan. Agad ko itong nilapitan at pinagmamasdan nang mabuti. "Hmm, sino kaya ang may-ari ng sasakyang na 'to? Pagtatakang sinabi sa sarili. Mayamaya pa nang tingnan ko ang aking relo ay ilang minuto na lang pala ang natitira bago magsimula ang aming klase kaya dali-dali akong pumasok ng gate at umakyat sa 3rd floor. Pagpasok ko ng classroom ay insakto naman na dumating na ang aming guro at siyang magsisimula na ng aming klase. "Good morning sir! I'm sorry I'm late." Mahinhin kong sinabi sa aming guro sabay ngumiti ng kunti. "Please come in Ms. Gutierrez." Sagot naman ng guro habang kumukuha ng chalk sa chalk box. "Thank you sir!" "Hoy! Aiza bakit ka ba late?" Mahinang boses na pagtanong ni Mikka habang papalapit ako sa kanya. "Naglakad lang kasi ako kanina, may humagilis pa na sasakyan sa akin mabuti na lang at naka-ilag ako." Pahingal kong sagot dahil sa pagmamadali sa pag-akyat kanina. "Nako! Mag-ingat ka palagi. Sino ba iyon ha?" Gulat at pagtatakang tanong niya. "Hindi ko pa alam pero malalaman ko rin iyan mamaya." Nang matapos ang first period namin ay tsaka pa dumating sina Cris at grupo niya. Habang naghihintay kami ng second teacher namin ay parang na papansin kong nakatitig sa akin si Cris habang nakaupo ito sa sulok. Mayamaya pa ay dumating na ang second teacher namin at nagsimula ulit kaming magklase. Nang matapos ang second and last subject namin ay napag-isipan agad namin ni Mikka na umuwi. "Mikka, uuwi kana ba? Tanong Niya habang abala sa pagliligpit ng mga notebooks niya. "Oo bakit ikaw hindi pa ba?" Sagot ko naman habang abala din sa pagliligpit ng mga notebooks ko. "Um, uuwi na rin, wala naman akong gagawin dito, matutulog na lang ako sa bahay napagod kasi mga kamay ko sa kakasulat. Kasisimula pa lang ng klase, dami ma agad sinulat." Sagot pa niya na halatang pagod ito. Mayamaya pa ay naisipan na naming bumaba ni Mikka. Pababa na kami ng hagdan nang makita ko na tela may inaabangan sina Cris sa hagdan. "Hi Aiza, kamusta ka?" Tanong pa ni EJ Avelinno nang papalapit kami sa kanila. "May kailangan ba kayo? Dadaan lang sana kami." Sagot ko naman habang diritso lang ang tingin. Mayamaya pa ay biglang humarang sila sa daan kung kaya't hindi kami makadaan ni Mikka. "Si Mikka lang pwedi pero ikaw hindi pa." Sagot niya habang nakatingin kay Cris. "Ano ba kailangan niyo sa akin? Hindi ko naman kayo inaano ha." Pagtatakang tanong ko. "Tama nga ,kaya padaanin niyo na kami dahil uuwi na kami." Dugtong pa ni Mikka. Tatawid na sana ako sa gitna nina Cris para makaalis nang bigla na lang may nagsadyang tumisod sa akin na paa na siyang naging sanhi ng aking pagkadapa sa sahig na nagdulot nang pagdugo ng aking ilong. "Aiza?" Pasigaw na sinabi ni Mikka. "Anong ginawa nyo?" Galit na tanong ni Mikka sa kanila. Agad akong inahon ni Mikka mula sa aking pagkadapa. "Ayos lang ako Mikka, salamat pala." Malungkot na sagot ko kay Mikka habang pinipilit pa rin na ngumiti. "Nako Aiza, ang ilong mo dumudugo." Gulat at malakas na sinabi ni Mikka. "Ha?" Pagtatakang tanong ko sabay hawak sa aking ilong na dumudugo. Ilang saglit pa ay tela dumarami pa ang dugo na umaagos sa aking kaya dali-daling kumuha ng tissue si Mikka upang ipampahid sa ilong kong dumudugo. "Oh my God! Aiza, marami ng dugo ang umaagos galing sa ilong mo. Pumunta na tayo ng clinic ngayon na." Pag-aalalang sinabi niya na makikitang natataranta ito sa nangyari. "Masaya na ba kayo?" Mahinahon kong tanong sa kanila habang tinitignan sila isa-isa. Napatingin na lang sa akin ang apat, at napansin kong halatang may awang makikita sa mukha ni Mark Santos. "Ops, hindi naman siguro kasalanan namin kung tatanga-tanga ka at lampa sa pag lalakad." Sambit pa nang mayabang na si Cris "Hindi mo pa rin talaga ako titigilan kahit na wala akong ginagawang mali sa iyo nu? Sege hahayaan kita, kayo sa gusto niyong gawin sa akin. Karma na ang babalik sa inyo." Sabay pahid ng tissue sa aking ilong. "Um,tama na 'yan. Mas mabuti pa siguro Mikka kung dalhin mo na sa clinic si Aiza." Sambit pa ni Mark na halatang naaawa sa akin. "Tayo na sa clinic Aiza." Sabay na hinawakan sa kamay at umalis. Simula noon panay na ang pang bu-bully at panglalait nina Cris sa akin lalong lalo na siya. Masasabi mong hindi kompleto ang araw niya kapag hindi niya ako napagtri-tripan. Maraming araw na rin at buwan ang nagdaan subalit panay pa rin ang pangbu-bully nila sa akin. Pinapanatili ko na lang na maging matatag at harapin ang bawat pangungutya nila sa akin. Lalong lalo na kay Cris na parating may plano para pagtripan ako. Halos araw-araw na may nangyaring hindi maganda sa akin dahil sa kanila. Bawat araw nang pagpasok ko ng skwelahan ay ramdam ko agad na may hindi magandang mangyayari sa akin. Pero kahit ganoon ang pagtrato nila sa akin ay hindi ko pa ring magawang gumanti laban sa kanila. Binaliwala ko na lang ang bawat pangungutya at pagmamaltrato nila sa akin baka sakaling mapag-isipan nila na mali ang kanilang ginagawa. Buwan na nang december kung saan papalapit na ang pasko at christmas break namin. Habang nasa bench kami ni Mikka kasama ang tatlo naming kaklaseng babae na abala sa pag-uusap usap patungkol sa mga bakasyong magaganap ngayong buwan ng december. "Malapit na ang Christmas break baka naman may plano kayo diyan?" Tanong ni Sarah ferdinad habang abala sa pagre-research ng mga magagandang resort. "Ano namang plano iyan? Sambit ni Ivy Sanchez na siyang abala naman sa pagsusulat ng mga libro. "What if mag beach tayo o night swimming, tapos overnight?" Sambit pa ni Mikka na talagang natuwa sa plano niya. "Magandang ediya 'yan ha. Parang gusto ko iyang plano mo Mikka." Sagot naman ni Jessica Francisco na halatang agree sa plano ni Mikka. "Tamang tama Mikka nagre-research ako dito sa f*******: ng magagandang resort na pweding puntahan. Agree ako diyan sa plano mo." Dugtong pa ni Sarah na talagang nagustuhan ang plano ni Mikka. "Sino-sino naman ang makakasama natin? Tayo-tayo lang ba lima?" Tanong pa ni Ivy habang abala pa rin sa pagsusulat ng libro. "Magsama kaya tayo nang ilang kaklase nating lalaki para naman may gumabay sa atin." Suggest naman ni Jessica na halatang gustong may kasamang lalaki sa bonding. "Pwedi naman, kayo na magsabi kung sino" Dugtong ni Ivy. Habang abala silang apat sa pagpa-plano ay nasa sulok lang ako na abala sa panonood sa mga babaeng naglalaro ng volleyball. "Hoy! Aiza bakit tahimik ka diyan?" Tanong ni Mikka sa akin. "Ha?" Gulat kong sagot sagot sa kanya. "Ah wala nawili kasi ako sa panonood ng mga naglalaro ng volleyball." "Hay nako, pumasok na lang tayo sa room nang masabihan natin ang iba kong sinong sasama." Sabay nagligpit ng plastic bottle. Sa classroom habang naroroon ang lahat na abala sa kani-kanilang ginagawa ay biglang umingay nang dumating ang mga kababaehan. "Hi everyone baka gusto niyong sumama sa amin mag beach this Christmas break?" Pa-anyaya ni Jessica sa lahat habang nakatayo sa gitna ng classroom. Nagandahan naman ang marami sa sinabing plano ni Jessica. Halos lahat ay nag agree sa plano at karamihan ay nagpasyang sumama sa darating na beach outing this coming christmas break. Nagsimula nang magplano ang lahat maliban sa grupo nina Cris sapagkat wala sila. Nagbigay ng kanya-kaniyang opinyon ang bawat isa tungkol sa pupuntahang resort. Ganoon din sa pagpa-plano sa posibling gastos sa pag outing. Mayamaya pa habang abala ang lahat sa pagpa-plano ay biglang nagsulputan ang grupo nina Cris na siyang narinig ang bawat plano nila patungkol sa beach outing namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD