Chapter 3

2007 Words
"Um, excuse po sir! Magandang umaga na rin po, pag paumanhin po sana ninyo na huli po kami sa klase. Kung pu-pwedi po sanang makapasok kami." Sambit ni Mikka sa aming guro habang nakatayo kami pareho malapit sa pintuan. "Sorry po sir! Nahirapan po kasi kami sa paghahanap ng classroom namin." Dugtong ko sabay na niyuko ang ulo. Napatigil naman sa pagsasalita ang aming guro at agad kaming kinausap dalawa. "Okey please come in and find your seat." Mahinhin na sagot ng guro habang nakangiti sa amin. Agad naman kaming pumasok ni Mikka at umupo sa bakanting upuan malapit sa bintana na magkatabi kami. "Anyway class I'm Engr. Valentino Alcantara. Gusto ko munang ipakilala ninyo ang inyong sarili sa akin at sa inyong mga kaklase nang sa ganon ay makilala natin ang isat-isa. Simulan ang pagkilala sa unahan ." Nagsimula nang magpakilala isa-isa ang aking mga kaklase. At mayamaya pa ay nagpakilala na rin ang grupo ng mga kalalakihan na nasa unahan namin. " Ako nga pala si Richard Cruz" " Ako si EJ avelinno" " Ako si Mark Santos" " At ako naman si Cris Paulo Mercedes" Habang abala ako sa pakikinig ay laking gulat ko nang marinig ko ang pangalan niya at malaman na magkaklase lang pala kaming dalawa. "Nako patay! Ka-klase ko pa pala itong mayabang na to. What a small world." Bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa maamong mukha nito. "Anyway class civil engineering din pala ang kursong kinuha ni Mr. Cris Paulo Mercedes na siyang anak ng may-ari ng paaralang ito. Siguro naman ay kilala niyo na siya. Please be kind to him ha." Mahinahon na sinabi ng aming guro sabay ngumiti sa amin. "Okey ipagpatuloy ang pagpakilala." Nagpakilala na nga ang lahat ng lalaki at kaming mga babae na lang ang hindi pa nagpakilala. "Meron pala kayong mga ka-klaseng babae, at lima lang sila. Magpakilala nga kayo mga binibini isa-isa rito sa gitna." Malakas at pangiting sinabi ng guro sabay tinignan kami isa-isa. "Ha? Talagang sa gitna pa." Bulong ko sa aking sarili sabay simangot. Mayamaya pa ay nagsimula nang magpakilala sa gitna isa-isa ang mga ka-klase kong babae. "Hello classmates ako pala si Sarah Ferdinand" " Hi classmates I'm Ivy Sanchez" " Hi everyone I'm Jessica Francisco" " Hello everyone I'm Mikka Delacruz" "Okey at ang panghuli would you please introduce yourself." Sabay na tumingin sa akin. Dahan-dahan akong pumunta sa gitna at nagpakilala. "Um, hi everyone ako nga pala is Aiza Gutierrez by the way." Pilit na ngumit sabay yuko ng ulo at dahan-dahan na bumalik sa upuan. Nakatingin lang sa akin si Cris at parang hindi niya natandaan ang itchura ko. "Mabuti sana kung ganoon nga." Bulong ko sa aking sarili habang palihim siyang tinitignan. "So, nagpakilala na ang lahat, sana'y magka-isa kayo. By the way class early dismissal muna tayo this day kasi marami pa kaming aasikasuhin sa enrollment niyo. Everyone dismissed." Agad na kinuha ang white folder sa mesa niya at umalis. "Aiza, early dismissal tayo ngayon gala naman tayo nang sa ganon magkakilala tayo ng lubos." Pa-anyaya ni Mikka sa akin habang nakangiting nakatitig sa akin. "Oh cge ba." Mabilis ko namang sagot sa pa-anyaya niya sa akin. Nag alisan na ang iba naming kaklase. Habang kaming dalawa ni Mikka ay papaalis na rin. Tiningnan ko saglit sa kaniyang kina-uupuan si Cris subalit wala na siya at wala na rin ang mga kasamahan niya. "Siguro nakaalis na 'yun." Bulong ko sa aking sarili. Pababa na kami ng hagdan ni Mikka nang may narinig kaming maingay na tunog at hiyawan ng mga babae sa second floor. "Ano kaya iyon." Gulat kong sinabi. "Para yatang nakakita ng multo ang mga babaeng ito. Wagas maka hiyaw ah." Pagtatakang sinabi ko. Nang makababa kami ng second floor ay tumambad agad sa amin ang mga babaeng studyante na panay sa paghiyaw at pagsigaw. Makikita rin na may tuwa at kilig sa kanilang pagmumukha. "Tignan mo Aiza, kaya pala naghihiyawan ang mga kababaehan ay dahil parating sina Cris at grupo niya. Gwapo naman kasi nila lalo na yung si cris. Famous pa." Sabi pa ni Mikka habang abala rin sa pagtingin sa grupo nina Cris. "Gwapo nga, mayabang naman akala mo kung sino." Pataray kong sinabi sabay na lumingon sa likod. "Ano ka ba, anak lang naman siya nang may-ari ng paaralan natin." "Oo nga alam ko naman iyon, mayabang lang kasi." "Ano ba yang mga sinasabi mo diyan?" Pagtatakang tanong ni Mikka. "Punta na lang kaya tayo ng canteen, nagutom ako eh." Pa-anyaya pa niya. "Mabuti pa nga." Agad naman kaming bumaba ni Mikka at pumunta ng canteen. Habang kumakain kami sa canteen, ilang saglit lang ay nagsimula na namang maghiyawan ang mga babae. Iwan ko ba kung bakit sa tingin ko ay parating na naman ang mayabang na si Cris kasama ang grupo niya. "Ang gwapo talaga ni Cris, pag ako naging girlfriend niya mamatay ako sa tuwa." Sabi-sabi pa ng mga babae sa kabilang table habang abala sa pag ngiti at pagtitig kay Cris. "Hay, ano ba itong mga babaeng to." Pagtatakang sinabi ko habang tinitignan ang papalapit na si cris. "Hooyyyy! Mikka bakit parang ikaw tulala din?" Gulat na tanong ko kay Mikka habang nakatingin sa kanya na abala rin sa pagtingin kay Cris. "Ang Gwapo kasi ni Cris." Pangiting sinabi ni Mikka na halatang kinilig din. "Hooyyy tumigil ka nga diyan, bili muna ako ng pineapple juice, gusto mo rin ba?" Tanong ko sa kanya habang abala ako sa pagtingin ng menu book. "Siya lang ang gusto ko Aiza." "Baliw itong babae na to ha." Bulong ko sa aking sarili. Umalis ako saglit sa aming table ni Mikka at pumunta ng reception upang umorder ng pineapple juice. "Ate, dalawang pineapple juice nga po." Tugon ko sa tindera ng canteen habang nakatingin sa mga nakapaskil na sulat sa reception. "Sege iha hintayin mo na lang doon sa table mo at ipahahatid ko na lang doon." Mahinhin naman na sagot ng tindera sa akin. "Wag na po ate ako na lang po ang magdadala nang hindi na kayo maabala sa ginagawa niyo" Sagot ko sa tindera habang nakatingin sa kanya na abala sa pagsulat ng mga orders. "Napakabuting bata, cge iha ito na pala ang pineapple juice mo." Sabay abot ng pineapple juice sa akin "Salamat ate ito po ang bayad." Nang palakad na ako papunta sa table namin ay biglaan na lang akong natapisok dahil sa sintas ng sapatos na aking natapakan na naging sanhi upang ako'y mawalan ng balanse, at hindi ko rin namalayan na natapon ko pala ang pineapple juice sa lalaking nakatalikod na mismong nasa harapan ko, na kung saan nabasa nito ang kaniyang suot na damit. Nagulat ako at napahinto sa nangyari sapagkat nakagawa ako ng kasalanan sa lalaking nasa harapan ko. "Nako! Nako! Sorry po sir, hindi ko sinasadya."Gulat at patarantang sinabi ko sa lalaki sabay paghingi nang paumanhin sa kanya. Nang tumingin ako sa aking paligid ay nagtaka ako, bakit parang tumigil ang mundo dahil sa subrang tahimik ng lahat. Dagdag pa nito ang mga mukha nila na parang gulat na gulat sa nangyari. "Pasensya na po kuya, sir, hindi ko po sinasadya natapisok kasi ako. Patawad po kung nabasa ko po ang likod niyo ng pineapple juice." Mahinhin na sinabi ko sa lalaki habang panay sa paghingi ng sorry. At habang panay ako sa paghingi nang sorry sa lalaki ay unti-unti itong lumingon sa akin. Natauhan naman ako bigla nang paglingon ng lalaki sa akin ay pagmumukha ni Cris ang nakita ko na halatang may inip at galit na makikita sa kaniyang mukha. "What the fuckk! Ikaw na naman akala mo ba ay hindi kita natatandaan? Galit na tanong ni Cris sa akin sabay pagturo ng daliri niya sa akin. "Nagasgasan muna nga ang kotse ko binasa mo pa ako ng pineapple juice!" Pasigaw na sinabi niya sabay paglaki ng kaniyang mga mata dahil sa galit. Natulala ako at napahinto. Tiningnan ko lang siya at makikitang galit na galit ito. "Cri... Criss I'm sorry hindi naman sinasadya." Mahinhin na sagot ko sa sinabi ni Cris sa akin. "Kung maka asta ka kanina ang tapang mo, bakit ngayon parang nag-iba ka ha?" Mayabang na tanong niya sabay tumawa ng kunti. "Pasensya na Cris hindi ko..." "Wag na wag mo akong matawag tawag sa pangalan ko dahil hindi kita kilala!" Pasigaw na sinabi niya. "Pasensya na talaga, ito panyo ko ipupunas ko sayo." Sabay na inaabot ang panyo kay Cris. Ilang saglit pa ay dahan-dahan niyang kinuha ang panyong inabot ko sa kanya. Nakaramdam ako ng tuwa sapagkat tinanggap niya ito at akala ko ay magiging okey na ang lahat. Mayamaya pa ay tinignan niya nang mabuti ang panyo at ilang saglit pa ay hinampas niya ito sa aking mukha na siyang ikinagulat ko ng husto. "Hindi ko kailangan ng panyo mo, lalo na pag galing sa mga taong mahirap kagaya mo." Sambit ni Cris sa akin matapos na hampasin niya ako ng panyo. Tinatawanan lang ako na marami, subalit sinusubukan ko paring maging matatag at kalmado kahit hiyang hiyang na ako. "Aiza, halikana umalis na tayo" Pabulong na sabi ni Mikka sa akin sabay hawak sa aking kamay. "Sandali lang, alam kong mahirap lang ako at hindi ko ikinakahiya iyon. Mayaman ka nga Cris pero wala kang karapatan na apak-apakan ang pagkatao ko." Matapang na sagot ko sa kanya tiningnan siya sa kaniyang mga mata. Lumapit sa akin si Cris at dahan-dahan na nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Mag sisisi ka sa ginawa mo." Mahinang boses na sinabi ni Cris sa akin sabay titig nang masakit aa aking mga mata. Mayamaya lang ay may babaeng nag-abot ng pineapple juice kay Cris. Kinuha agad ito ni Cris sabay na tinitigan nang mabuti at ibinuhos sa aking ulo. Nagulat ako at parang gusto kong magwala dahil sa natamo ko ngayong araw subalit naalala ko ang parating sinasabi ng aking magulang na maging kalmado lang sa buhay. Para akong naging isang basang sisiw sa gitna ng maraming tao. Tinawanan lang ako ng marami at agad namang nagsibalikan sa kani-kanilang upuan na parang wala lang nangyari. Agad namang umalis sina Cris at ka-grupo niya matapos ang pangyayari. Umalis lang sila na parang normal lang ang lahat ng nangyari. "Aiza, okey ka lang ba?"Malungkot na tanong ni Mikka sa akin. "Pasensya kana wala akong nagawa natakot lang din kasi ako baka gawin din nila sa akin iyon." Sabay pagid ng kaniyang panyo sa basa kong ulo. "Ayos lang ako Mikka. Huwag mo na akong alalahanin." Sambit ko kay Mikka habang pilit na ngumiti sa kanya "Mayabang nga talaga at masama ang ugali nung Cris na 'yun, ayaw ko na sa kanya hindi ko na siya crush." Galit na sinabi ni Mikka. "Halikana umuwi na lang tayo." Sabay na hinawakan ako sa kamay at lumabas ng canteen. Lumabas kami ni Mikka ng canteen at dumiritso na rin sa labas ng gate para umuwi na lang. Paglabas namin ng gate ay nag-aabang na pala sa kanya ang daddy niya na halatang kanina pa naghihintay sa kanya. "Nako Aiza, hindi na kita masasamahan ha, andiyan na kasi ang daddy ko sinusundo na ako magkita na lang tayo ulit bukas." Sabay na kumaway sa daddy niya habang nakatingin sa kanya "Cge Mikka okey lang naman ako, mag ingat ka." Pangiting sinabi ko sa kanya sabay na ngumiti rin sa daddy niyang nakatingin sa amin. "Pasensya talaga Aiza ha, hindi na talaga kita masasamhan. Ikaw din Aiza mag ingat ka. Sege papano aalis na ako." Sabay na niyakap ako "Wala iyon Mikka, sege na at hinihintay kana ng daddy mo." Umalis na si Mikka at ako na lang mag-isa kaya naisipan ko na rin na umuwi agad ng bahay. Habang lumalakad ako papuntang parking area ng sasakyan kung saan doon ko rin ipinarada ang aking bisiklita ay tumambad agad sa akin ang sira-sira at durog kong bisikleta na siyang ikinagulat ko ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD