Chapter 2

2012 Words
"Pagkalipas nang isang taon" Ako nga pala si Aiza Gutierrez labing walong taong gulang na sa kasalukuyan, nag-aaral ng koloheyo sa isang pribadong paaralan sa Makati. Ang paaralan ng St. Mercedes Academy. Hindi naman kami mayaman hindi rin isang kahig isang tuka, nakakaraos lang naman sa pang araw-araw na buhay, sa katunayan hindi po ako kayang pag-aralin ng aking mga magulang. Nakapag-aral lang naman ako sa isang pribadong paaralan ay dahil sa pumasok akong kasambahay sa pinsan nang aking tatay. Siya rin ang nagpasok sa akin upang pag-aralin ako sa koleheyo, parang anak narin ang turing nang aking tita sa akin. Pero kahit ganoon ay tumutulong pa rin ako sa lahat ng gawaing bahay nang sa ganon ay matumbasan ko rin ang mga naitulong niya sa akin. Wala kasi siyang anak at namatayan pa ng asawa kaya siya na lang mag-isa sa buhay. Maswerte lang ako kahit papaano ay may nagkupkop sa akin at na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. 1st year college na pala ako ngayong pasukan medyo aware na ako kung anong klaseng mga tao ang masasalamuha ko, isa kasi sa pinakasikat na skwelahan at puros mayayaman ang nag-aaral sa paaralang pinag-enrolan ko. Halos magaganda at gwapo ang mga studyante dito. Ang puputi ng balat ang kikinis at halatang mga sosyal. Kadalasan ang mga studyante dito ay may sariling sasakyan yung iba hinahatid sundo lang ng kanilang mga driver o kaya ng kanilang magulang. Samantalang ako nagbe-besikleta lang, pero kontento na ako sa ganyan hindi naman ako mapili. Sa katunayan nga, noong high school ako ay naglalakad lang ako papunta sa paaralan namin kahit napakalayo, ito pa kayang may sarili akong besiklita? Bukas na pala ay pasukan na namin alam kong pa bonggahan ang kalalabasan nito bukas. Kinabukasan araw nang lunes kung saan unang pasukan sa skwelaha.Alas singko pa lang nang umaga ay gising na ako upang maghanda ng agahan nila tita Nelly ang pinsan nang aking tatay. Pagkatapos ay naghanda na rin ako at nag-ayos ng aking sarili papuntang paaralan. Mayamaya pa ay tinawag ako ng aking tita habang naghahanda sa pagpasok sa skwela. "Aiza, halika kana dito sabay na tayong mag almusal."Sambit pa ng aking tita Nelly habang kumain sa mesa "Sege po tita mamaya na ako tatapusin ko lang muna ang ginagawa ko rito." Sagot ko sa aking tita Nelly habang nag-aayos ng aking mga gamit sa bag. "Okey sege basta pagtapos kana diyan ay kumain kana at baka mahuli kapa sa iyong klase.'' "Okey po tita." Ilang sandali pa ay umalis na ang aking tita papunta sa kaniyang trabaho at ako naman ay naghahanda papunta sa aking skwelahan. "Aiza, aalis kana ba?" Tanong pa ni Aling Tinay na isang kasambahay habang abala sa paghuhugas ng pinggan sa lababo. "Opo Aling Tinay papasok na po ako sa aking paaralan." Sagot ko naman habang papalabas na ng pintuan. "Ohh sege mag ingat ka." Pangiting sinabi niya "Salamat po Aling Tinay at ako'y aalis na." Nagmamadaling umalis ng bahay sakay ang isang lumang besiklita. Nang papunta na ako sa aking paaralan gamit ang aking bisikleta ay hindi ko inaasahang may biglang kotse ang liliko sa aking dindaanan. Hindi nakita nang umanoy nagmamaniho ng sasakyan na may besiklitang tatawid sa kabilang daan kaya't bigla na lang itong lumiko ng hindi man lang tumitingin sa kaniyang dinadaanan. Kaya muntik nang magsalpukan ang minamaniho niyang sasakyan at bisiklita ko. Mabuti na lang ay agad akong nakailag subalit bumagsak naman ako dahil sa nawalan ako ng balanse sanhi ng mabilisang pag-ilag ko. Napasigaw ako sa nangyari dahil sa sobrang takot na naramdaman ko. Akala ko ay magiging katapusan na ng buhay ko dahil sa muntik na akong mabangga ng sasakyan. Mabuti na lang ay nakaligtas ako sa aksidente. "Nako diyos ko po! Salamat po dahil iniligtas niyo po ako sa kapahamakan." Nanginginig sa takot kong sinabi sabay na natulala. Naisip ko at sinabi sa aking sarili na walang dapat sisihin sa nangyaring ito sapagkat ang nagmamaniho ng kotse ang siyang may kasalanan dahil sa bigla itong lumiko ng hindi tumitingin sa pinagdadaanan nito. "Mabuti na lang at ligtas ako. Mabuti na lang at walang may masamang nangyari." Sabi sa Sarili habang nakatungaga sa langit. Mayamaya lang ay naisipan ko ang sasakyan na muntik nang makabangga sa akin kaya't naisipan kong isintabi na muna ang aking besiklita at tsaka lapitan ang sasakyan upang alamin at pagsabihan ang taong nagmamaniho nito. "Hoyy! Bumaba ka nga diyan. Hindi ka ba tumintingin sa dinadaanan mo, alam mo namang may tatawid na besiklita, lumiko ka pa. Bumaba ka nga diyan!" Galit na sinabi ko habang nakatingin sa magarang kotse. Mayamaya pa ay binuksan ng lalaki ang bintana ng kaniyang kotse. Kahit nakatagilid ito nang pagbukas niya ng bintana ay halatang gwapo at may dating ito. Ilang sandali pa at bumaba ito sabay pagtanggal ng kaniyang suot na salamin. "Ang tangkad pala nito." Bulong ko sa aking sarili habang dahan-dahan na tinitingnan ang lalaki mula ulo hanggang paa sabay paglunok ng laway. "Hoyy! Tignan mo nga kung anong ginawa mo muntik na akong madisgrasya dahil sa katangahan mo porket naka-kotse ka ay ganyan kana agad magmaniho? " Tinitigan lang ako ng lalaki at hindi man lang umimik sabay na tumingin sa kaniyang orasan. "Hindi ka ba magsasalita? Hindi ka man lang ba mag so-sorry sa nagawa mo? Alam naman natin pareho na ikaw talaga ang may kasalanan sapagkat hindi ka man lang tumitingin sa paligid mo. Kung meron bang tatawid o dadaan." Palakas na boses kong sinabi sabay ayos ng aking suot na uniporme. "Sino ka ba para mag sorry ako?" Mayabang na sagot naman ng lalaki sa akin habang nakataas ang mga kilay nito. "Abay mayabang pala ito ah." Bulong ko sa aking sarili habang nakatitig lang sa kanya. "Ako lang naman ito, ang muntik mo ng madisgrasya. Alam mo first day of school ko ngayon pero malas na agad ang nangyari sa akin dahil sa iyo." Galit na sagot ko. "Sa katunayan nga ay ikaw ang dapat na mag sorry sa akin dahil sa inaksaya mo ang oras ko bukod pa rooon ay ginasgasan mo po ang magara kong sasakyan. Tingnan mo kong anong ginawa mo, alam mo ba na kahit ilang besiklita pa ang bilhin mo ay hindi mo matutumbasan o mababayaran ang nagasgas mo sa kotse ko? Alam mo ba kong magkano ang halaga niyan ha?" Mayabang na sagot ng lalaki sa akin sabay tingin sa kotse niya na nabangga sa isang maliit na puno. "Wala akong pakialam kung mahal yang kotse mo. Ang alam ko lang ay may kasalanan ka kaya dapat lang na mag sorry ka." Pag-aalinlangan kong sagot habang nakatingin sa gasgas ng kaniyang kotse. "Magkano ba gusto mo?" Mabilis na tanong ng mayabang na lalaki sa akin sabay dukot ng kaniyang pitaka sa kaniyang bulsa. "Hoy! Hindi ko kailangan ng pera mo mahirap lang ako pero hindi ako mukhang pera." Palakas na sinabi ko habang unti-unti lumakad pa pa-atras. Biglang napatigil ang mayabang na lalaki habang ibinabalik ang kaniyang pitaka sa kaniyang bulsa. "Alam ko, sa pananalita mo pa lang halata naman na mahirap ka, tsaka wala akong panahon makipag-usap sa mga taong kagaya mo lalo na sa taong hindi ko ka level. Pasintabi at akoy aalis na." Agad na pumasok sa sasakyan at umalis. Tumabi na lang ako at hindi na nakipagtalo. Alam ko naman na matatalo lang ako sa mayabang na 'yun. Pagtingin ko sa aking relo ay nagulat ako na ilang minuto na lang ang natitira at magsisimula na ang aming flag ceremony. "Kailangan ko nang makapasok baka mahuli pa ako." Sabi ko sa aking sarili sabay na pinatakbo ng mabilis ang besiklita. Ilang sandali pa ay narating ko na ang aming paaralan. Pagpasok ko pa lang ng gate ay namangha na ako sa laki at lawak ng skwelahan. "Ang ganda pala ng skwelahan na to napaka bongga. Alam kong hindi ako nababagay dito kasi mahirap lang ako hindi kagaya ng iba mayayaman." Bulong sa sarili habang abala sa pagtingin sa palibot ng skwelahan. "Magandang umaga sa lahat ng mga studyante, magsisimula na ang ating flag ceremony." Announcement ng isang guro na nagsasalita sa gitna ng stage para sa pagsisimula ng aming flag ceremony. Nang matapos na ang flag ceremony ay ina-nounce ng guro ang may-ari ng paaralan ng St. Mercedes Academy upang ipakilala sa lahat ng studyante. "Sa lahat ng studyante na naririto ngayon at nakikinig lalo na sa mga baguhang studyante na nag enroll dito, ay nais ko pa lang ipakilala sa inyong lahat ang may-ari ng skwelahan na ito ang St. Mercedes Academy. Walang iba kundi si Mrs. Nancy Trinidad Mercedes, palakpakan po natin sya." Nagagalak na tinawag ng guro ang may-ari ng paaralan. Agad naman na pumalakpak ang lahat. Mayamaya pa ay makyat ng stages si Mrs. Nancy Trinidad Mercedes at naglahad ng ilang salita sa lahat ng studyante. "Sa lahat ng studyanteng nag enroll sa St. Mercedes Academy welcome sa inyong lahat. Alam kong kilala niyo na ako sapagkat naipakilala na ako nang isa sa inyong guro sa inyong lahat. Nais ko lang sanang sabihin sa inyong lahat na mag-aral kayo ng mabuti nang sa ganon ay makatapos kayo sa inyong pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Bago ako bababa ng stage. Gusto ko nga pa lang ipakilala sa inyo ang aking "Unico ejo" na nag-aaral din sa paaralang ito. Palakpakan po natin siya, ang aking nag iisa at pinakamamahal na anak, walang iba kundi si Cris Paulo Mercedes." Nagagalak na pag-anunsyo niya sa kaniyang anak habang lumalakad papunta sa kanya ang kaniyang anak na si Cris Paulo Mercedes. Halos bumulwak ang aking mga mata nang makita ko ang lalaking nakatalo ko kanina na umaakyat sa stage, ang lalaking nakabangga ko kanina ay anak pala ng may ari ng paaralang pinapasukan ko. "Oh my God! Ang tapang ko kanina magsalita. Pwedi nga siyang mag mayabang kasi mayaman talaga. Para yatang kinabahan ako ng kunti baka mapa-alis ako sa skwelahan na ito." Bulong ko sa aking sarili habang nakaramdam ng kunting kaba sa dibdib. Nang matapos ang pagpakilala at mensahe nang may ari ng paaralan ay kanya-kanya nang nagsipasukan ang mga studyante sa kanilang seksyon. Medyo nahirapan ako sa paghahanap ng seksyon ko. Bukod sa malawak ang skwelahan, napakataas pa ng building. Nang paakyat na ako sa hagdan papuntang 3rd floor ay may nakabangga akong isang babae na parang naliligaw sa paghahanap ng kaniyang seksyon. "Nako miss sorry, pasensya talaga hindi kita napansin, nagmamadali kasi ako hinahanap ko pa yung classroom ko." Mahinahon kong sinabi sa babaeng nakabangga ko sa hagdan. "Okey lang miss, sorry din hindi rin kita napansin, actually kasalanan ko kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Mahinahon na sagot ng babae sabay ngumiti sa akin. "Pasensya na talaga ha, kasi parang naliligaw ako, hindi ko makita yung classroom ko." Sagot ko naman sa kanya habang tinitignan siya. "Parihas pala tayo kanina pa ako naghahanap sa classroom ko, anong seksyon kaba?" Tanong niya sabay dukot ng cellphone niya sa bag. "1st yr college ako at civil engineering ang kursong kinuha ko." Sabay tingin sa mga studyanting papalapit sa amin. "Nako! Parihas pala tayo magkaklase lang pala tayo." Pangiting sinabi ng babae sabay tingin sa akin. "Mabuti naman, may kakilala na ako agad." Pangiti kong sinabi at agad na ipinakilala ang aking sarili sa kanya. "Ako nga pala si Aiza Gutierrez ikaw ano pangalan mo?" "Ako naman pala si Mikka Delacruz, nice to meet you Aiza." Sabay na kinamayan ako. "Nice to meet you rin sayo Mikka, siguro kailangan na nating hanapin ang classroom natin baka kasi huli na tayo sa klase." "Oo nga, tara doon tayo sa itaas narinig ko kasi nasa ibabaw yung section ng mga engineering students." Sabay na umalis at umakyat ng hagdan. At sa paghahanap namin ni Mikka ay sa wakas nakita rin namin ang classroom namin. Subalit nang papasok na sana kami ay insakto naman na may gurong naroroon na kung saan abala sa pagsasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD