Matapos ang pagbibigay linaw sa mga pangyayari at mga karagdagang katanungan ng mga pulis ay agad din kaming lumabas ni Cris at nagpalamig ng ulo sa labas. "Um, salamat pala Cris." Mahinang boses na pagsabi ko sa kanya sabay tiningnan siya habang naglalakad papalapit sa kaniyang sasakyan. Bigla siyang napalingon sa akin. "Salamat saan Aiza?" Tanong niya sa akin. "Um, kasi dumating ka kanina kung hindi..." Pagdadalawang isip na pagsabi ko. "Kasi ano? Ah okey, kasi kung hindi ako dumating baka kung ano pa ang nagawa ng mga kriminal na iyon sa iyo. Ganoon ba iyon?" Pag-aalinlangang tanong niya sabay lumapit sa akin ng kunti. "Ah oo Cris. Mabuti nalang at dumating ka." Wika ko pa. "Teka sandali lang papaano ka naman napunta sa lugar na iyon? Alam mo ba ang Short cut na iyon? At bakit ka d

