bc

STS2: Give Me More

book_age16+
683
FOLLOW
2.5K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

[Smith Twins Series #2]

Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However his heart got broken when he found out that the woman he secretly loved was already in a relationship with his twin brother, just right after he finished law school and even before he got the chance to confess. He let himself suffer for the sake of their happiness. Until Portia, a persistent journalist suddenly stirred his troubled heart and intensified its beat even more.

***

All Rights Reserved

Missflorendo 2020

chap-preview
Free preview
Simula
Angel's note: Here's the second installment of the Smith Twins Series! Before reading this, I hope na binasa n'yo muna 'yung first installment ng series na Dauntless. Kumpleto at available po ito sa w*****d. For announcements and updates, you can follow my f*******: Page (Missflorendo). Enjoy! --- Simula "You'll marry Easton dela Vega and that's final, Portia Deanna!" my Dad's voice echoed around the room. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang tila nanikip na naman ito dahil sa kunsomisyon sa 'kin. Dinaluhan siya ni Allyson--ang aking very young step mom na pakunwaring labis na nag-aalala sa kanya. What a great pretender gold digger b***h. Napabuga ako ng hangin. Nakakatawa lang maglaro ang tadhana. Siguro kung last year nila sinabi sa 'kin ito ay baka nagdiwang pa 'ko sa tuwa. Kaso ngayon pa ba? Pagkatapos akong gaguhin ng punyetang 'yan?! Manigas siya! "I won't marry that damn cheater, Dad." Matalim kong sinalubong ang tingin ng manlolokong lalaki na nakaupo sa harapan ko. I was so surprised to see him here at my father's office habang siya ay parang expected na niyang ako ang makikita rito. Sinamaan ko siya ng tingin. How dare he look at me like he's so f*****g concern? Like he didn't fool me?! "It's the only way for the both families, Deanna. You've wasted enough time already! Maging responsable ka naman kahit ngayon lang!" pa-epal na drama ni Allyson. I gave her a mocking look. "Bakit? Naubos mo na ba ang pera ng kumpanya? Wala ka na bang pambili ng bagong designer bags?" "Deanna!" bantang sigaw ni Dad. "Wala ka talagang respeto!" "Totoo naman diba? Kaya ako na ang binebenta niyo ngayon?!" "Ugh..." "Dad!" agad akong tumakbo palapit sa Daddy ko, pero hinarangan ako ni Allyson. "Pwedeng tumabi ka?!" "This is your fault! Kapag may nangyari hindi maganda sa Daddy mo I won't forgive you!" pagalit na sigaw niya. Running for best actress talaga! Kung hindi lang dahil sa Daddy ko ay hindi ko pagtitiyagaan ang higad na 'to e! Pinasadahan kong muli ng tingin si Dad. "I'll call Dra. Florendo to check on you. Aalis na 'ko." I can't really stand the sight of her! Napaka mapagpanggap niya! Ako na lang yata ang hindi niya nauuto sa buong pamilya ko at kumpanyang ito. Badtrip akong nag martsa palabas ng opisina ni Dad at narinig ko ang mga yabag ng pagsunod ni Easton. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya hanggang sa nahuli niya ang palapulsuan ko. "Ano ba?!" sigaw kong baling sa kanya. "Bakit hindi ka na lang sumunod sa Daddy mo?" I gave him an are-you-serious look. "Madali lang naman sumunod actually. Pero ang sundin ang gusto nilang pakasalan ka, ano ako? Tanga? Siguro noon oo, pero ngayon, hinding hindi na." Itinulak ko ng malakas palayo ang kamay niya at mabilis akong naglakad paalis. Ghad! I need a drink! I need to dance this stress away! Tinawagan ko ang best friend kong si Adara para sana samahan niya akong mag club kaso nasa airport siya papuntang Virginia! "Nag-away na naman kayo ng step mom mo?" she asked worriedly over the phone. Sa kanya ko lang nasasabi lahat ng hinanaing ko sa buhay. I don't know what I'd do without this girl beside me. Huhu. "Obviously," I answered, rolling my eyes. "Konti na lang talaga ang pasensya ko at baka mapatay ko na siya nang 'di oras." "Kalma," tumatawa niyang sagot. "Ayokong magkaro'n ng kaibigang murderer." dagdag pa niya. After I shared my sentiment with her, I decided to just go alone. Nagdala agad ako ng isang bote ng gold label sa couch ko. Kailangan kong tamaan ng konti para ma-enjoy ko ang pagsayaw ko sa dance floor! Madaming manyak do'n at kung nagkataon na binastos ako at wala akong tama ng alak, magugulo ang buong club na 'to. I was on my 7th glass when I saw my crush having fun! Oh god. How could he have fun without his future wife with him?! Char! But he must see me! Kailangan niyang masilayan ang itsura ng babaeng nakatadhana para sa kanya. Mabilis kong nilagok ang laman ng baso ko at ibinagsak ito sa lamesa. Confident akong tumayo nang may malapad na ngiti sa labi. Inayos ko ang suot kong top para sa easy access kong cleavage. I smirked. You'll be mine tonight, Atty. Sam Spencer Smith. Pinanood ko siyang tumawa habang nakikipag-inuman sa tatlong kasama niya. Napapaawang ang labi ko sa bawat pag-ngisi niya sa kanyang mga kaibigan. God! How I'd love to suck those f*****g lips! Binasa ko agad ang nanunuyo kong mga labi. Ang landi ko, s**t. I went to the dance floor already and started dancing. Isinunod ko ang katawan ko sa pagkabog ng tugtugan habang nananatili ang mga mata ko sa kanya. Isinayaw ko lahat ng stress ko sa buhay at para akong lumulutang sa dance floor. Ugh. Sobrang refreshing talaga sa 'kin ng pag-inom at pagsayaw! Dahil sa nakakabinging tugtog ay panandalian kong nalilimutan ang nakakairitang boses ni Allyson. Nakita kong tumayo si Attorney at naglakad papuntang restroom. Mabilis akong umexit ng dance floor para sundan ang love of my life ko! Here I come, baby! Kusang sumasayaw pa rin ang katawan ko habang sinusundan siya. I remembered how he reacted when I first approached him during the annual party of the Smith Corporation. Sinayawan ko rin siya no'n dahil medyo nakainom na rin ako that time at sobrang gulat na gulat yata siya sa ginawa ko! His reaction was so innocent that I could die just to see it again! Parang unang beses lang niyang masayawan ng babae! Kaso natakot ko yata siya no'n kaya bigla na lang niya akong nilayasan at hindi ko na siya nahanap pa. So, this time kailangan mild lang. Sumandal ako sa pader sa may pasilyo habang hinihintay siyang lumabas. Someone tried to flirt with me, but I shooed him away dahil baka magselos pa yung bebe ko 'pag nakita siya. "Baby, wait!" tarantang sigaw ko nang lagpasan niya 'ko bigla. Hindi niya 'ko pinansin! Or baka hindi lang niya 'ko narinig. Binilisan ko ang takbo ko at hinigit ang palapulsuan niya. Nakakunot noo siyang humarap sa 'kin at tinignan ang kamay kong nakahawak sa kanya. I gave him my most attractive smile when our eyes finally met. Haay. Kelan ko kaya masisilayan ang mga matang iyan sa paggising ko sa umaga? Tomorrow morning kaya? Pfft.. I chuckled. "Would you mind letting me go?" No, baby. I won't let you go. "O-Oh..." pakunwaring gulat ko. Dahan dahan ko siyang binitawan kahit labag sa loob ko. "Hi, Baby!" Nilayasan agad ako nang hindi man lang tinatapos ang greeting ko! Niyuko ko ang dibdib ko. Kulang kaya ang cleavage ko? Tumakbo agad ako para sundan siya papunta sa pwesto nila at sakto mag-isa na lang siya dahil dumadamoves na ang nga kasama niya. Oh diba! Dapat tayo rin dumamoves na! Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya nagreklamo, pero hindi rin niya ako pinansin. "Hi, fyuch?" short for my future. Hihi. Idinikit ko ang dulo ng mga kamay namin na nakatukod sa couch para medyo romantic kaso hindi pa rin siya kumibo sa tawag ko. Bingi ba siya? "FYUCH!!" malakas na sigaw ko mismo sa tenga niya para sure nang maririnig niya. "What the f**k?!" galit na sigaw niya at tinulak ako. Tinulak niya ako! Tinulak niya 'ko?! "D-did you just... push me?!" I asked, really surprised! "No. Maybe I just touched you a bit," he sarcastically answered, rolling his eyes. The eff?! Akala ko ba sabi ni Adara nice guy 'to?! Pinagpagan ko ang sarili ko na tumapon sa sahig. Hindi man lang ako tinulungan! Yan ba ang nice?! I took another deep breath and brought back the smile on my face. Tumabi ulit ako sa kanya at hinarap siya kaso nag walkout! Hala! Was that a rejection already? No. I don't accept rejection with guys. Tumayo ako at sinundan ko ulit siya. Lumabas siya ng club nang nakasunod pa rin ako sa kanya. Baka gusto niya 'kong masolo? Sa madilim. Sa malamig. Sa tahimik. Omg! Excited akong tumakbo. Nakarating kami sa madilim na parking space. Gosh. He should've just told me! I was giggling and I was about to open my mouth to tell him that he could take me home naman or wherever he wants when he suddenly stopped walking. He didn't bother himself look back at me as he just started blabbering things. "Stalking is an offense against human dignity, against every person's right to privacy, security of person, and psychological and emotional well-being." Napahinto ako. Seryoso niya 'kong hinarap habang nakapamulsa siya. He's wearing a button down shirt and a chinos and damn! He looks so hot I couldn't breathe. Baka mahimatay ako sa kagwapuhan niya at sa mga pinagsasabi niyang nakaka-exercise ng utak. ".... Stalking offends common standards of decency, morality and good customs in a just and civilized society." He continued to say terms I didn't even understand. Humakbang pa siya palapit sa 'kin. Napapaawang na lang ng malaki ang bibig ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. ".... Section 7. Counseling. Any person convicted of the crime of stalking shall be required to undergo medical, psychological or psychiatric examination and treatment and enter and remain in a specific institution for that purpose when in the discretion of the court, which ordered the conviction, the same is required and the evidence so warrants." "Pinagsasabi mo?" simangot at naguguluhan kong tanong. Sumasakit na nga ang ulo ko sa nainom ko, lalo pa niyang pinapasakit sa mga pinagsasabi niya! Pakiramdam ko lalong umikot ang paligid ko. Pero tangina ang pogi pa rin niya. Tapos ang cool pa! Paano pa kaya kapag nasa korte na siya at nagsasalita ng ganito? Baka mag fangirling na ako sa harap ng judge with matching light stick and banner. Humakbang muli siya palapit sa kinatatayuan ko. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at hinintay ko na lang na atakihin ako sa puso. Oh god. "To make it simple for your brain, I can put you behind bars if you keep on creeping up on me," he said, sounding so pissed. "Can it just be in your heart?" Tinignan niya 'ko ng masama at parang kinilabutan ako sa kilig. Manhid na yata talaga ako sa mga masasamang tinginan. "Shall I see you in court? Or shall I send you to the doctor?" he threatened. But a taunting smile formed on my lips. "Shall I see you in church instead?" And there, he shot me his deadliest glare. "Stalker." Nalaglag ang panga ko sa sahig nang ulitin na naman niya ang salitang ito. Sa ganda kong ito? Ako? Stalker talaga?! Ngunit bago pa ako makatutol sa paratang niya ay sumakay na siya sa kanyang kulay pulang ferrari at iniwan akong nakanganga; tinatanaw ang papalayong imahe ng kanyang sasakyan. Wait. Did I just get a double rejection tonight?! ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook