Kabanata 41 Kulang na lang ay gumulong ang mga mata ng China Doll na 'to sa pag-ikot nang magtama ang mga tingin naming dalawa. Aba syempre nagpatalo ba 'ko?! Kung sa pang-iirap lang ay expert ako d'yan. Praktisadong Allyson yata ang mga mata kong 'to! "I'll just comeback when you're done with your guest," matabang na sabi nito at nilagpasan kami. At bago ito tuluyang makalabas ng pinto, tinama 'ko ang mali sa sinambit nito. "Correction—his fiancée, not his guest." Napahinto ito ng ilang segundo bago nakangising lumingon muli sa akin. "Will you stop assuming, Portia? Wala ng media para i-record 'yang kasinungalingan mo. Stop involving Sam in your life issues." She looks so irritated with me. Gusto ko tuloy matawa. "Luh? Di naman ako nag-a-assume." Nakanguso at naka-puppy eyes akong

