Kabanata 39 From: Captain Alvarez /I hope you're okay. Just call me if you need an update on the case. Take care always, Portia./ Napangiti ako pagkabasa sa reply ni Captain. Nag-text kasi ako na hindi makakapunta sa meeting at si Fyuch na ang a-attend para sa 'kin. Pagkatapos ko sa pagsusulat ng mga script ko dumiretso agad ako sa MGC. Alam ni Daddy ang nangyari kay Kairo kaya hinayaan naman ako nitong pumunta sa kumpanya sa oras na libre ako. He's been very patient with me kaya hindi ko masyadong pinoproblema sa ngayon ang pag-aaral sa pagpapatakbo nito. Kung ano lang ang kaya kong i-handle ay 'yon lang muna ang binibigay nila sa 'kin. "Thank you, Mr. Champ," sabi ko sa assistant ni Dad pagkabigay nito sa mga dokumentong hiningi ko. May mga ongoing projects and deals kasi ang MGC na

