Kabanata 33 "Ang sakit na ng likod ko. Huhuhu." Pabagsak akong sumandal sa couch. Nasa opisina ako ngayon ni Fyuch at nagpapatuloy ng research ko. Dito niya 'ko pinadiretso after ng fieldwork ko para daw hindi ako mag-isa sa condo. Bukas ng umaga na kasi ilalabas ang unang istorya ko tungkol sa mga sangkot sa issue ng pork barrel scam kaya halos ayaw niya 'kong nawawala sa paningin niya. Kulang na nga lang samahan niya 'ko sa lahat ng lakad ko sa labas! Kung pwede nga lang siguro niya 'kong itali sa katawan niya baka ginawa na rin niya! Kaso hindi, e—sayang. Parang isang modelo mula sa metro magazine si Fyuch nang tumayo siya mula sa kanyang swiveling chair. Nilapitan niya 'ko na nasa kanyang mini sala sa harapan. Sobrang kalat ko! Ang dami dami ko kasing binabasang references at i

