Kabanata 28 "Fyuch, sure ka talagang hindi ako nananaginip?" Sabay kong pinisil pisil ulit ang pisngi at labi ko. "Nag-kiss talaga tayo? For real?" He rolled his eyes...again. "For the 30th time, Portia—you're not dreaming." Napatakip na naman siya sa kabilang tenga niya nang tumili ulit ako. Nakatakip ang isang kamay niya sa isang tenga habang ang kabila ang may hawak sa manibela. Pauwi pa lang kasi kami. Mula sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagdating namin sa unit niya ay pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na hindi iyon panaginip. Mukhang naaasar na nga siya sa kakatanong ko pero wapakels ako at paulit ulit ko pa ring kino-confirm iyon sa kanya. Pag-upo niya sa sofa, tumabi agad ako. "Fyuch?" Napahilot siya sa kanyang sentido. "Please, Portia. Believe me you're not dreami

