bc

THE ANNOYING DAD

book_age18+
1.3K
FOLLOW
4.7K
READ
sex
family
playboy
drama
cheating
illness
slice of life
affair
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

There are so many people in the world. Different people, indeed.

Mga taong may kanya-kanyang katangian at kapalaran. Mayroong nagtatagumpay at mayroon ding nabibigo.

Ang suwerte ay hindi katulad ng kamalasan, na hindi mo gugustuhing makamtan. Pero ito ay dumarating na hindi mo maiiwasan.

Wala daw ibinigay ang Diyos na pagsubok na hindi kayang lampasan pero ang katotohanan... kaya nitong pasukuin ang isang nilalang na hindi kayang lumaban.

Katulad ko...

A man...

A father of seven child...

Na napagod at sumuko...

Nawalan ng pag-asa at nalugmok sa kahinaan!

I want to die...

Gusto kong mawala na sa mundo...

At ipinaranas sa akin ng Diyos ang gusto ko. Nabuhay ako na parang patay. Nakahimlay. Inaalagaan. Walang pakialam sa takbo ng mundo. At sa mga tao sa paligid ko.

Nakikita ko ang lahat ng nagaganap. Nasasaksihan ko ang pagdurusa at paghihirap ng mga mahal ko sa buhay.

Gumagala ako at malayang paroon at parito. Pero masaya ba ako?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"JOVERT, kailangan pa ba talagang mag-sideline ka d'yan?" Alam ko na kanina pa tutol ang misis kong si Sally nang magpaalam ako sa kanya na sasama ako sa overnight work ng mga dati kong katrabaho sa department store, na dati kong pinagtatrabahuhan. Hindi lang niya sinabi ang saloobin dahil ibig sigurong binigyan ng pagkakataon ang sarili na makapag-isip. "Mahal, sanay naman ako sa trabahong iyon kaya easy lang sa akin. You have nothing to worry about. Ayos lang ako do'n at mai-enjoy ko pa nga dahil makakasama ko uli sila." "Pagod ka na kasi maghapon at dapat ay nagpapahinga ka na ngayon." "Sus! Malakas pa ako sa kalabaw, Mahal. Hindi uso sa akin ang pagod. Lalo na ngayon na malapit ka ng manganak. Kailangan natin ng pera." Napatingin siya sa malaki niyang tiyan. Hinaplos niya iyon ng kaliwang kamay. Bale ba'y pang-anim na niyang pagbubuntis ang dinadala at next month na ang due date ng kanyang pagluluwal sa aming magiging bagong anak. Nilapitan ko siya at hinaplos ko rin ang kanyang tiyan. "Malaki ang agwat nito sa susundan niya. Five years. Kaya alam ko na parang manganganay ka uli. At sinabi mo rin sa akin na nininerbiyos ka nang manganak kaya kailangan nating paghandaan ito. Kailangan natin ng malaking pera para kung ano man ang mangyari ay may bala tayo." Nakangiti siyang tumingin sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka masyado kang mapagod at magkasakit." "Magpi-paint lang naman kami ng windows ng department store. Napakadali ng trabahong iyon. Saka nagsabi na rin ako kay sir Romy na kung kailangan pa nila ng extra tao para sa pagsi-set-up ng decoration ay puwede rin ako. Sayang din ang kikitain, e." Bumuntung-hininga siya.  "Sige, ikaw ang bahala. Basta kapag napagod ka... rest. Huwag mong pupuwersahin ang katawan mo. Naku! Kung ako lang talaga ang masusunod ay ayokong magtrabaho ka d'yan. Wala ka na kasing pahinga. Walang tulog. Bukas ay magbubukas ka pa ng hamburger store natin. Mahal, kaya mo ba talaga?" Tumawa ako ng mahina at mayabang na iniliyad ang dibdib. "Ako pa ba? Strong itong husband mo bukod sa guwapo." Napahagikhik siya nang kindatan ko. "Yabang mo!" sabi niyang hinampas ako sa braso. "Sige na. Ayusin mo na ang sarili mo at umalis ka na. Baka ma-late ka pa at kaltasan ang susuwelduhin mo." Masuyo ko siyang niyakap sa likuran. Hinalikan ko ang mabango niyang buhok. "I love you, Mahal. Napaka-suwerte ko talaga at ikaw ang naging misis ko." "Naman! Ako nga itong masuwerte dahil ang pinakasalan kong lalaki ay ikaw. Napakabait. Masipag. Ang daming magagandang characteristic. An ideal husband, to be exact." "Ows? Iyon ba talaga ako, Mahal?" "Yaph. Wala na akong mairireklamo pa. Kaya nga sinisikap ko na maging mabuting asawa sa 'yo. Para naman masuklian ko ang lahat ng ginagawa mo para sa akin at sa ating mga anak." "Mahal na mahal ko kayo. Ikaw at ang ating mga anak ang aking insperasyon. Kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas at pag-asa. My life is not complete without you and our children." "Thank you so much, Jovert." Kinalas niya ang pagkakayakap ko at ipinihit ang katawan paharap sa akin. Ngiting-ngiti niya akong tiningala. "Basta huwag kang magbabago, ha. Stay as what you are. I love you." Hinalikan niya ako ng smack sa labi. "Ang sarap naman no'n. Isa pa nga..." Inulit niya ang halik. Tatlong beses. Totoo namang nagbigay sa akin iyon ng katuwaan. Ang sarap sa pakiramdam.  Sino bang hindi gaganahan sa buhay kapag ganitong alam mo na may tapat na nagmamahal sa 'yo? Mahigpit ko siyang niyakap. "I love you, Mahal." "Ouch," sabi niyang hinawakan ako sa magkabilang balikat at bahagyang itinulak. "Taong 'to. Ipitin ba ang tiyan ko?" Napahalakhak ako at agad na lumayo sa kanya. "Sorry, Mahal. Nalimutan ko ang baby..." "Sira ka talaga, Jovert." Hinampas niya ako sa dibdib nang haplusin ko ang tiyan niya. "Kalimutan ba si baby? Sipain ka niyan." "Sorry, baby. Ito kasing si mommy mo. Ang sweet-sweet kaya kinikilig si daddy." Tuwid ko siyang tinitigan sa mga mata. Gusto kong maramdaman niya ang sincerity sa sasabihin ko. "Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit para maramdaman niya 'yong wagas kong pagmamahal sa kanya." "Wagas talaga?" tumatawa niyang sabi. "Itong asawa ko... parang nanliligaw pa, e. Nagpapa-impress." Iwinasiwas niya ang mga kamay. "Baka hindi ka na makaalis, Jovert. Baka ma-late ka na sa pupuntahan mo. Sige na. Go!" Hinalikan ko siya sa noo.  "Sige na po. Go na ako. Ingat kayo dito, ha. Be sure na naka-lock ang mga pinto. Be safe." "Opo. Ako na ang bahala dito. Ingat ka sa biyahe, ha." "Para sa 'yo at sa mga bata." BINATA pa ako noong maging production artist sa malaki at kilalang department store sa Manila. Matagal din akong naging contractual doon hanggang sa na-line-up for regular. Pero kung kailang provisionary na ako ay saka pa pumangit ang performance ko. Hindi ko namalayang dumami ang absences ko kaya nang malaman ng aming department manager ay pinag-resign ako. Magpapalipas lang daw ako ng isang buwan saka muling mag-apply para magkaroon ng chance na ma-i-line-up uli for regular. Pero sisikapin ko daw na maayos na ang performance at kailangan ay perfect attendance na. Dahil ayokong maging tambay ay nag-apply ako sa ibang department store. Nag-enjoy naman ako roon kaya hindi na ako nag-resign para bumalik sa dating pinagtratrabahuhan. Hanggang sa nag-lapse na ang panahong ibinigay sa akin para mag-apply uli. Umasa ako na magkakaroon ng magandang opportunity sa bagong trabaho pero hindi ako na-regular doon. Bagkus ay nagtiyaga na lang sa pagiging contractual. Nang makilala ko si Sally ay na-love-at-first-sight ako sa kanya. In fact, our relationship became so serious and after one year ay nagpakasal na kami.  Pareho kaming empleyado noon pero kapwa naging masinop sa aming mga kinikita. We spent very wisely kaya nakapag-ipon kami. Nakabili kami ng sariling bahay. Nang magtayo ako ng sariling business ay nag-resign sa trabaho at doon na umikot ang aming buhay. Mahal namin ni Sally ang isa't-isa at maligaya kami together. Open kami sa lahat ng bagay sa simula't simula pa ng aming relasyon. Nagkakaroon man kami ng problema pero madali namin iyong nalulutas. Aming pinag-uusapan ng maayos. At wala kaming hindi napagkasunduan. Nasanay na kami sa sitwasyong magbigay kung sino ang dapat magbigay, na maganda naman ang kinakalabasan. Wala rin kaming naging problema sa usaping s*x. Ang totoo, isa iyong bagay na lalong nagpapatibay sa aming samahan. Iyon bang tipong higit na nagpapatamis sa aming pagmamahalan.  Ang sarap! Sobra! Kapag magkatabi kami sa gabi sa aming higaan, na kahit maalinsangan ay mahigpit pa ring nagyayakapan. Yakapang nauuwi sa kilitian, halikan at pagtatalik. Pagtatalik na walang limitasyon at ginagawa namin ang lahat na nakapagbibigay sa amin ng sagad na kaligayahan. Kaya nga nagkasunud-sunod ang anak namin ni Sally. Wala sa aming isip ang family planning dahil biyaya para sa amin ang mga batang bunga ng aming pagmamahalan. Ni hindi rin nagkapuwang sa isipan namin ang puwedeng mangyari sa aming kinabukasan. Dahil maayos pa ang buhay namin at sapat ang kinikita ay kuntento na sa kung anong meron. Pero habang lumalaki ang mga bata, unti-unti kong nararanasan ang mga kakulangan. Hindi na kami ganoon kasagana tulad ng dati. Kaya nga kahit may sarili na akong negosyo ay naghanap pa ako ng ibang mapagkakakitaan para sa panganganak ni Sally sa bago naming baby. At ito nga ako ngayon, kasama ng aking mga dating katrabaho. "Ang tindi mo din, Jovert," sabi ni Rod habang nagpipintura kami ng wall for window display. "Biruin mong pang-anim na pala ang baby mo. Ang tibay ng tuhod mo, pare." Napatawa ako sa sinabi niya. "Ganyan talaga kapag nagmamahalan ang mag-asawa, pare." "Ang sabihin mo... mahilig ka!" "Ulol!" Sabay kaming humalakhak ni Rod. "Huwag kang magagalit, Jovert, ha. Pero tingin ko... mainit din si misis?" "Dahil mahal niya ako. Kapag gusto ko ng s*x, ibinibigay niya. Kaya happy kami," sabi ko na tumawa ng mahina. "Bakit? Hindi ba kayo ganyan ng misis mo?" Tumigil siya sa ginagawa at umiling. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Lihim akong natuwa dahil naisip ko na mas masuwerte pala ako kumpara sa kanya. "Madalas kaming nag-aaway sa s*x, pare. Parang walang kalibug-libog sa katawan si Zandra. Ang totoo... tigang ako sa sex." "Ang malas mo naman, Rod. Bahagi ng buhay ng mag-asawa ang s*x kaya dapat masaya at kuntento kayo sa bagay na iyon." Ikinibit niya ang mga balikat saka ipinagpatuloy ang pagpipintura. "Nakaka-inggit ka, Jovert. Ni hindi ka pala natigang sa sex." Hindi ako umimik. Itinutok ko na rin sa ginagawa ko ang aking atensiyon. Ang totoo ay ilang buwan na rin akong tigang dahil kabuwanan na ni Sally sa darating na buwan kaya hindi na kami nakapagtatalik.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook