CHAPTER 18

2000 Words

HINDI madali para sa akin na tanggapin ang kakulangan ko bilang lalaki. Kaya naman naging mainitin ang ulo ko at magagalitin. Kaunting magkakamali lang ng aking mga anak ay nasisigawan ko na sila. Minumura. Maliit na bagay lang na hindi ko nagustuhan ay parang malalang problemang hindi na mabibigyan ng solusyon. "Ang bobo mo, Althea. Ang dami-dami pa nating stock ng de-latang 'yan pero binili mo pa rin." "Sorry po, daddy. Hindi n'yo naman po kasi isinulat sa listahan kung hot or hindi ang bibilhin." "Pero sinabi ko na sa 'yo. Hindi ka kasi nakikinig. Ang layu-layo ng isip mo sa mga bilin ko. Sino bang iniisip mo?" "Wala po. Sorry na po, dad." "Umayos ka, Althea, ha. Huwag ko lang malalaman na may ginagawa kang kalokohan at malilintikan ka sa akin!" "Ano ba 'yan, daddy? Nagkamali lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD