Hirap akong idilat ang aking mga mata at parang binabasag ang ulo ko. Nakakasulasok pa at nakakadiri ang amoy ng paligid ko. Ah! Anong nangyari kagabi?! Ang natatandaan ko na lang ay naubos ko ang isang bote ng brandy. Sinubukan kong tumayo pero minabuti ko na lang na umupo ulit. Umiikot pa rin ang paningin ko! Inabot ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Pero patay ito at hindi na mabuksan. Nakakainis. Iba ang tama ng alak na ‘yon sa ‘kin. Pinilit kong tumayo at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at parang may nakabara na kung ano. Isa pa, hindi ko na gusto ang amoy ng hininga ko. Pero nahirapan ako. Pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko at napakalayo ng kusina. Kaya naman nang makakuha ako ng malamig na tubig sa ref ay kaagad ko iy

