Nagising ako sa sikat ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang pamilyar na lugar. Pero nagtataka rin ako, dahil sigurado akong hindi ito ang kwarto ko. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan pero bago ako makatayo para buksan iyon ay isang binata ang tumayo sa tabi ko. Nakabagsak ang ulo niya na naglakad papunta sa pintuan habang kinakamot ang batok. May pamilyar na boses akong narinig mula sa labas at nang humarap ang binata ay hindi ko mapigilang magulat. Nanaginip ata ako. Dahil ang kaharap ko ngayon, ay ang binatang ako. Isang binatang masipag at ngunit laging hirap gumising sa umaga. Inilibot ko ng maigi ang paningin ko sa kwarto. At tama, ito ang dati kong kwarto. Naghanda siya ng kanyang sarili. Tinignan ko a

