Walang tao sa clinic sa headquarters kaya naman sa ospital ko na idineretso ang walang malay kong asawa. Ang totoo, hindi ko na alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Agad kaming inasikaso sa emergency room at laking ginhawa ang naramadaman ko nang marinig na wala namang problema sa kanya. Maaaring napagod lang daw ito ng husto at kailangan ng pahinga. Nanatili kami sa ospital, ni hindi ko na tinitignan ang oras. Hindi ko siya iniwan kahit na. pakiramdam ko, nagbago, kahit papaano, ang pagtingin ko sa kanya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Siya pa rin si Grace, sa ngayon, pero paano pag gising niya? Pakiramdam ko nawalan na ako ng asawa, ng isa na minamahal. Pakiramdam ko, niloko niya ako. Muli, nang dahil sa kaiisip, ay hindi ko na napansing tumulo na ang luha ko. Hindi ko namalaya

