Chapter XXIII

2759 Words

Isang malaking kalokohan ang sinasabi ni Trisha, hindi… ni Grace. Ah! Nalilito na ako! Imposible. Hindi nangyayari ito. Hindi ito nangyayari sa asawa ko. Hindi anak ng kriminal ang si Grace. Kasinungalingan ang lahat ng ito. Siguradong may magandang paliwanag para sa lahat ng ito. Hindi siya nasisiraan ng bait at hindi siya ang pumatay sa kasamahan niya. Mayroon lang siyang pinagdaraanan at kailangan ko siyang tulungan. Si-siguro, kamukha lang talaga ni Grace ang babaeng ito. Halo-halo na ang ideya sa isipan ko at hindi ko na napansin na dahan-dahan na siyang naglakad papalapit sa akin. Pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay dahan-dahan din akong umurong papalayo sa kanya. “Huwag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan,” nakangiti niyang sabi na para bang nang-aasar. Nilagpasan niya ako,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD