“Can we do an iris scan on this?” may inis sa tono ng pananalita ni Hanselie. Nakataas pa ang kilay nito habang mabilis na ipinupukpok ang dulo ng hawak na ballpen sa lamesa. Hindi masyadong nagsasalita ang batang ito, pero kitang-kita sa kanya kung gaano niya gustong mahuli ang killer. Pero hindi ganoon kalinaw ang kuha ng camera. Hindi made-detect ng iris scanner ang mga mata ng misteryosong babae. Magagaya lang ito sa fingerprints na nakita sa syringe. Sinagot ni Captain Ross ang tanong ni Hanselie at agad niyang pinakuhaan ng screenshot ang nakamaskarang mukha ng babae. Agad niyang ipinadala iyon para magpagawa ng rough sketch at maipakalat sa ibang mga presinto at istasyon. Lalo na at pinaigting ang curfew simula ngayong gabi, malaki ang tyansa na makita at mahuli kung sino man ang

