Agad kong ni-report kay Captain Ross ang naging resulta ng lakad namin ni Gunner. At naramdaman kong natuwa siya nang marinig na buhay at nasa mabuting kalagayan ang babaeng nakaligtas mula sa the Stabber. Pagkatapos ay nakipag-ugnayan kami sa mga pulis ng siyudad na ito para bantayan ang biktima. Ipinaliwanag na rin namin sa kanila kung bakit mahalaga ang babae sa imbestigasyon namin. Maayos naman silang kausap at nangakong makikipag-tulungan. Alanganin na kung uuwi pa kami ni Gunner. Isa pa, hindi rin ako mapapalagay dahil maaaring makarating kay Hugo ang pagpunta namin dito at maaaring maalarma siya. Kaya naman minabuti na lang din namin ni Gunner na magpalipas ng gabi sa nasabing hospital. Habang may oras pa ay nakipag-ugnayan kami ni Gunner sa bangko kung saan madalas nanggagaling

