Ako si Grace Gonzalez Perez. Ang asawa ng kilalang detective na si Marco Perez. Ako rin ang head forensic pathologist ng Arkhenham City Forensic Department. At ngayon, ay kasalukuyan akong nagtatago. Nagtatago sa mga pulis at sa mismong asawa ko. Hindi ko na nabilang ang mga araw mula nang magsimula ang lahat ng ito. Buong akala ko, matatakasan ko na ang madilim kong nakaraan, pero dumating ito na parang isang magnanakaw. Hinabol ako nito, at ngayon ay hawak-hawak na ako sa leeg. Marami akong pangarap sa buhay at isa na doon ang magkaroon ng isang masayang pamilya na nagmamahalan kahit ang anong mangyari. Natupad ko ang pangarap kong iyon. Pero sinira din iyon ng nakaraan ko. Ang aking nakaraan na kahit kailan ay hindi ko pinili. Kung makakapamili lang ako ng lugar at panahon kung saan ako

