Chapter 11
Cloud’s POV
Kahapon nung umuwi kami nakita namin na kasabay ni ate Lav si Anzhel tapos sinabay niya rin yung mga babae.
Lalong lumaki yung posibilidad na hindi isang ordinaryong studyante si Anzhel.
“Kahapon sabi nung kambal, girlfriend si Anzhel ni Fuego tapos pinsan daw ni Kent.” Sabi ni Thunder at isinulat ang pangalan ni Anzhel tapos yung pangalang Fuego
“Sino si Fuego?” tanong ko
“Hindi ko alam pero sigurado ako na may connection siya sa mga Hanazono.” Sabi ni Thunder
“Nag background check ako sa mga babae at inabot ako ng dalawang oras. May tatak ng Ayazaki Enterprises ang mga pangalan nila.” Sabi ni Thunder
“Sina Kent at JC. Diba Ayazaki ang middlename nila?” tanong ni Neith
“Oo at kung pinsan nga ni Kent si Fuego or Si Anzhel, Ayazaki rin ang isa sa kanila.” Sabi ni Thunder at nilagyan ng linya ang pangalan ni Kent kadugtong ng linya kayna Anzhel at Fuego.
“Alam mo ba kung saan nakatira si Anzhel?” tanong ni Sky
“Sa pagba background check ko nakatira siya sa AS Condominium at ang isang condo doon ay nagkakahalaga ng almost 50K. Penthouse suite pa ang kanya meaning the price range frome 100K to 500K.” Sabi ni Thunder
“Sinong owner ng SS Condominium?” tanong ko
“Rank 2 na pumalit sa Ayazaki. Dahil Rank 1 na rin ang Ayazaki, nag iisa sa rank 2 ang Smirnov Family.” Sabi ni Thunder
“May binanggit rin si Riley kahapon tungkol sa dalawang bababeng nagngagalang Rianna at Rielle Smirnov.” Sabi ni Thunder at isinulat ang pangalan nung dalawa
“Ang pwede lang natin tanungin tungkol kay Anzhel ay ang mga pamangkin ko. Kilala nila si Anzhel at si Fuego.” Sabi ni Thunder
“Sino sina Rianna ate Rielle Smirnov?” tanong ni Neith
“Walang file ang government tungkol sa kanila, pero ang hula ko base sa sinabi ng mga pamangkin ko kahapon, sila ang nanay nina Jaerim at Rimiel.” Sabi ni Thunder
“Rimiel Maiden Ceres at Jaerim Rae Lancaster, iba ang apilyidong naka register tungkol sa kanila. Pero isa ang sigurado si Rianna ang nanay ni Jaerim at si Rielle naman kay Rimiel.” Sabi ni Thunder at isinulat yung pangalan nung dalawang bata
“Natatandaan niyo pa ba yung lalaking representative ng Ayazaki Corporation?” biglang tanong ni Neith
“Oo si.. Si Fuego Ayazaki.” Sabi ni Sky
“Bingo. Ayazaki si Fuego.” Sabi ni Thunder at isinulat ang Ayazaki sa ilalim ng pangalan ni Fuego
“May nakuha ka bang info tungkol sa tatay nina Jaerim at Rimiel?” tanong ko
“As of now wala. Sa lahat ng registration N/A ang nakalagay.” Sabi ni Thunder
“Posible kaya na anak ni Anzhel yung dalawang bata? Hindi niyo ba napansin kagabi kamukhang kamukha ni Anzhel yung dalawa.” Sabi ni Sky
“No the girls said that those two aren’t twins.” Sabi ni Ice
“Sabi ni Robin 2 buwan ang tanda ni Jaerim, we know that pregnancy last for 9 months.” Sabi ni Thunder
“And it’s impossible. Anzhel studied at Dark Light Academy and she was a with honors student.” Sabi ni Ice
“Pwedeng nag drop out siya pero dapat kasing tanda narin natin siya kahit as I’ve heard ay 3rd year college palang siya.” Sabi ni Neith
Ang g**o. Napaka misteryosa nila.
“Paano yung mga babae? Anong info tungkol sa kanila?” tanong ko kay Thunder
“Si Aira Pearl Antonio, only child at kinakapatid niya sina Rainiellaine at Icelle. SI Amber Rainiellaine Lopez, youngest daughter, may dalawa siyang kuya at ate. kinakapatid niya rin sina Icelle at Aira. SI Diamond Icelle Serano, may dalawa rin siyang kapatid, pangalawa siya sa tatlong magkakapatid ang bunso niyang kapatid lang ang may asawa. Si Emerald Lana Jacinto, Only child kinakapatid niya si Jade. Si Aquata Jade Horan, dalawa silang magkapatid at magkasunod silang ipinanganak ni Lana, halos parang kambal na sila.” Sabi ni Thunder
“Ang gulo.” Sabi ni Sky
Oo sobrang g**o.
Parang sinulid na nagkabuhol buhol.
“Paano kung lahat sila may koneksyon sila sa isa’t isa?” tanong ko
“Posible, ate ang tawag ni Rainiellaine kay Anzhel, Nee-chan is Japanese for big sister.” Sabi ni Thunder
“Hindi niyo ba naisip na baka may koneksyon yung mga bata?” tanong ni Sky
“Oo nga Thunder. Diba sabi ni Robin kagabi di niya crush si Rimiel dahil mag pinsan sila. Ikaw lang at si Riley ang magkapatid, si Kent at si JC naman sila lang ang magkapatid pero posibleng pinsan nila yung Fuego dahil Ayazaki silang tatlo. Posible kaya na anak ni Fuego si Rimiel?” tanong ni Neith
“Posible.” Sabi ni Thunder
“Let’s pay her a visit.” Sabi ni Ice
“Sino?” tanong ko
“Anzhel.” Sabi ni Ice
“Mas mabuti nga.” Sabi ni Sky
Sumakay kami sa Van at nag drive si Thunder papunta sa SS Condominium.
Pagkarating namin una naming napansin ang sahig, Bulaklak yung tiles.
“Paborito po kasi iyan ng nanay ni Ma’am.” Sabi nung nasa front desk
“Sino pong hanap nila?” tanong niya samin
“Ah may bibisitahin lang po kami.” Sabi ko
“Mag log in nalang po kayo sir.” Sabi niya at may iniabot na notebook sa amin
Nagsulat naman kami doon tapos pumunta kami sa elevator papunta sa penthouse suite.
Pagkarating namin nag doorbell kami ng tatlong beses tapos may nagbukas.
“Who do you need?” sabi ni
“Anzhel?” tanong namin
“SO you’re looking for Mia then.” Sabi niya tapos binuksan yung pinto
Hindi siya si Anzhel?
“Mommy Elle.” Nakita namin si Jaerim na may ini abot sa babae
“What are you doing here?” tanong samin ni Jaerim
“Rae, call your Mommy.” Sabi nung babae at agad na nag salute si Jaerim tapos umalis
“Jae, why are you still here?” may nagtanong tapos may lumabas na isa pang kamukha niya
“Oh you have visitors.” Sabi nung isa pang babae
“I’ll go now, Jea. They’re Mia’s visitors.” Sabi nung babaeng nagbukas ng pintuan at umalis
Biglang lumabas yung isa pang babae at sana siya na si Anzhel.
“Kayo pala. Ate Ianna, si ate?” sabi niya samin tapos bumaling dun sa isa pang babae.
So siya nga si Anzhel.
“Umalis na. Oops I gotta go, Mi.” Sabi nung babae
“Don’t forget your family dinner later, ate. Baka magtampo na yung Dad niyo.” Pagpapaalal ni Anzhel
“Di niyo sinabing bibisita kayo. Paano niyo nga pala nalaman na dito ako nakatira?” tanong samin ni Anzhel tapos umupo sa upuan sa harap namin tapos tumabi sa kanya si Jaerim
“Hacking.” Sagot ni Jaerim
Papaanong nalaman yun ng isang bata?
“Jaerim Rae, what did I told you about joining someone else’s conversation?” tanong ni Anzhel at tumungo si Jaerim
“Go, you should accompany Den in watching over Rim.” Sabi ni Anzhel kaya umalis si Jaerim
“So how did you know?” tanong niya sa amin
“We saw your file in the school database.” Sagot ni Thunder
“So’ka.” Sabi niya
“Sino yung mga babae kanina?” tanong ni Sky
“Sino? Sina ate Rianna at ate Rielle?” tanong niya
“Oo.” Sagot ni Sky
“Best Friends and dopplegangers ko. Such a coincidence na kamukhang kamukha ko yung mga naging best friends ko.” Sagot niya
“Ayazaki ka ba?” tanong ni Neith at halos mapa tampal kami sa noo dahil sa tanong niya
“Anieyo. Hindi ako Ayazaki.” Sagot niya
“Sinong tatay nina Rimiel at Jaerim?” tanong ko
“You probably don’t know him naman so I won’t answer. Besides, confidential yun.” Sagot niya
Nakita namin na lumapit si Den kay Anzhel.
“Mommy, Rim’s awake.” Sabi ni Den
“Please accompany him with your kuya, mkay?” sabi ni Anzhel at tumango si Den
“We’re here.” Sabi ni Jaerim at akay niya ang isang bata.
Nakita naming binuhat ni Anzhel yung batang lalaki.
“We’ll take our leave.” Sabi ni Ice
“Mukhang busy ka. Salamat sa oras.” Sabi ni Sky at lumabas kami ng penthouse
Habang nasa elevator nag-uusap usap kami.
“Sino yung batang lalaki?” tanong ko
“Wala siyang file. Ang Rim lang na naka register ay si Rimiel Maiden.” Sabi ni Thunder
Nang makababa na kami paalis na sana kami kaso nakita namin si Keith na papasok kaya pasimple kaming umupo sa upuan ng Lobby.
“Nasa taas po si Lady Mia, Sir Fuego.” Sabi nung nasa front desk
Lady Mia?
Sir Fuego?
Nung makapasok na sa elevator si Keith lumapit kami sa front desk
“Ahm Miss gaano kadalas po bumubisita si K – Fuego dito?” tanong ni Neith
“Once a week po.” Sabi niya
“Miss sino nga po uli ang may-ari nito?” tanong ni Sky
“Po? Sina Lady Abrianna, Lady Abrielle at si Lady Mianzhela po.” Sabi niya
“Sige po salamat.” Sabi namin at nag log out
Pagdating namin sa hideout may envelope na nakapatong sa table.
‘Shadow Warriors, huh? You can’t even act like a shadow. Don’t involve Anzhel in your investigation because she has no connection to the death of Winter Icey Hanazono, Summer Freia Hanazono, Spring Lyandy Amano, Autumn Wendy Hiroshima and Aqualyn Rielle Kirigaya.If you continue to involve her, you wouldn’t like the consequence.
Flare.’
“Papaanong?” hindi makapaniwalang tanong namin
Kilala ng nagpadala ng sulat ang mga babae.
Flare?
“Thunder, alamin mo kung sino si Flare.” Sabi ni Sky at kinuha ni Thunder yung Laptop niya.
Maya-maya padabog na umupo si Thunder at ipinatong yung laptop niya at nakita namin yung nakasulat.
“eybdoog won rof ,t’nac ouy yrroS ton yrroS ? noitamrofni rof gnikool.’
Biglang umikot yun at nakita namin ang nakasulat.
‘Looking for information? Sorry not Sorry you can’t, for now goodbye’
Biglang namatay ang laptop ni Thunder at ayaw na mabuksan. Maya—maya nagbukas pero formatted na agad.
“Damn. Nawala na lahat ng files.” Sabi ni Thunder
Sinong may kasalanan.
“May file.” Sabi niya at binuksan
F*CKING SH*T!!
Sinong hindi mapapamura at maloloko ang isip kung file lang naman tungkol sa inyo ang laman kasama na ang family pictures mula pagkabata.
“Hindi simpleng hacker ang kalaban natin.” Sabi niya
“Kaya mo bang i trace?” tanong ko
“Hindi.” Sabi niya
“Posibleng kasing galing nina Autumn, Spring at Summer ang hacker na kalaban natin ngayon.” Sabi ni Thunder
“Bakit nadamay si Spring?” tanong ko
“Nag training sila sa pangha hack at si Spring ang assistant ni Autumn.” Sabi ni Thunder