Adam POV Minulat ko ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin sa kinalalagyan kong lugar. "Buti naman at nagising kana. It's been an hour na nakahiga ka lang diyan sa kama at natutulog, at kanina pa namin nakitang naghilom na ang iyong sugat wala rin ang lason, for some good reason your girl did a good job, grabe inisip ko talaga ay mamamatay kana pero buti na lang at masamang damo ka kaya hanggang ngayon ay buhay ka pa rin." Naguguluhang tiningnan ko ang mukha nito what does he mean at teka nga bakit parang nanghihina ako ngayon sinubukan kong umupo ngunit pinigilan ako nito gamit ang paghawak sa aking balikat. "Alam kong naguguluhan ka pa pero mahiga ka muna at ako na lang ang mag-papaliwang wag mo na munang subukan na tumayo dahil kagagaling mo pa lang." I sigh at maayos

