KABANATA 29

1543 Words

Papaling-paling si Kiah sa higaan nang gabing iyon. Hindi kasi siya makatulog pagkatapos nang namagitang halik sa kanila ni Aki. Tila nararamdaman pa nga niya ang malambot na labi ng lalaki sa labi niya. Ganoon pala ang unang halik, hindi maipaliwanag. . . ani Kiah sa isipan sabay hawak pa sa kanyang labi. Kakaiba rin ang bilis ng t***k ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Kinakabahan siya, ngunit hindi dahil sa natatakot siya, kung hindi, pakiramdam niya ay may bahagi ng kanyang pagkatao ang nagdiwang dahil sa kakaibang halik na iyon. Iyon ang una niyang halik, kung kaya't bago sa kan'ya ang pakiramdam. Kanina, habang ramdam niya ang labi ni Aki sa labi niya'y linukob siya ng kaba, ng nerbiyos, at maging ng saya. Hindi niya alam kung bakit masaya pa siya sa halip na magalit sa amo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD