"KIAH, please pack your things. Aalis tayo." Nilingon ni Kiah ang lalaki nang sabihin nito iyon saka ginawaran niya ng nagtatanong na tingin. "B-bakit? May pupuntahan ba tayo?" Saglit munang tumingin sa kan'ya ito at tila nag-isip, pero mayamaya rin ay bumuntong-hininga. "Uuwi tayo sa Cavite, sa parents ko." Hindi naman maiwasang magulat ni Kiah sa narinig. "Ayaw kitang iwan dito mag-isa kaya isasama na lang kita. Dalhin mo na rin ang school bag at uniform mo, ihahatid na lang kita bukas ng maaga sa school mo," sunod-sunod pang utos nito. Walang nagawa si Kiah kung hindi sumunod na lamang sa lalaki. Inimpake niya ang mga mahahalagang gamit na alam niyang kakailanganin niya sa eskwelahan. Naglagay din siya ng mga ilang pares na damit-bihisan. At wala pa ngang isang oras ay sakay na sila

