Warning: Mature scene ahead! Read at your own risk! • • • BUMANGON si Kiah at lumabas nang silid nang makaramdam ng pagkauhaw. Ala-una na iyon ng madaling-araw at tahimik na ang buong kabahayan. Marahan na tinalunton ni Kiah ang pasilyo patungo sa kusina ng malaking bahay ng mga Tetsuya. At bagaman isang beses lang siyang nagawi kanina sa kusina noong sabay-sabay silang maghapunan, ay natatandaan pa rin niya kung nasaan ito naroroon. Pagpasok ni Kiah sa kusina ay nagulat siya nang may maaninag siyang taong naroon. Madilim kasi roon dahil nakapatay ang ilaw. Kaya naman ang tanging liwanag lamang na tumutunghay sa kabuohan ng kusina ay nanggagaling sa poste sa labas ng bahay. Sandali munang nakatayo si Kiah sa bungad ng pinto at pilit inaaninag kung sino iyon. Nakaramdam din siya nang

