LOGAN I SAT ON THE edge of my bed. Napayuko ako't napahilamos gamit ang palad sa pagkainis. Ang aga gumising ng dalawa. Hindi ko na nga nakatabi pagtulog si Calli ko dahil sa makulit na batang iyon, paggising ko wala na silang dalawa sa tabi ko. Yakap ni Duncan si Calli buong magdamag dahil nasa pagitan namin siya natulog. Ngayon naman, no good morning kiss or hug from my wife. Damn it! I feel frustrated. Inis akong tumayo. Maliligo na lang ako. Itong sugat ko sa binti nasipa pa kagabi ng anak ko. Bumukas ang pinto ng silid. “Good morning. Gising ka na pala,” my wife said with her sweet voice. She has a wide smile etched on her face. Lumiit lalo ang manipis niyang labi na ang sarap halikan. Oh, how I missed kissing her before going to bed and waking up next to her, hugging her and s

