CALLI TAHIMIK KAMING kumain ng agahan ni Logan. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang tunog ng kubyertos sa plato. Hindi ko na siya nahintay kagabi sa pag-uwi niya dahil nakatulog ako nang maaga. Napagod ako kakaisip tungkol sa mga narinig ko kahapon, kay Logan at sa mangyayari sa amin. Pasimple ko siyang sinusulyapan, at ganun din naman ang ginagawa niya. Nagkakasalubong ang tingin namin na agad ko rin binabawi. Hindi ko kayang tagalan ang mga tingin niya. Muli kong tinuon ang sarili ko sa pagkain at hindi na siya ulit tiningnan but in my peripheral view, he's looking at me. Narinig ko rin ang malalim niyang pagpapakawala ng buntong hininga. I just continued eating my food. Kahit na nga halos ayaw tanggapin ng sikmura ko ang kinakain ko. “Babe?” Agaw niya ng atensiyon ko. His voi

