CALLI “PUMASOK NA lang kayo sa loob ng opisina ni Mr. Logan, Miss Calli.” Grec politely informing me. Nakasalubong ko siya sa hallway. Kakalabas niya lang yata sa loob ng opisina ni Logan. Nagdala ako ng merienda ni Logan. I cooked his favorite seafood pasta. Ang sabi ni Nanay Meling, ang yaya ni Logan simula pagkabata nito ay isa ito sa favorite niyang pagkain. Magpapaalam din sana ako sa kaniya na payagan akong dalawin sina mommy. Yayayain ko siya na magdinner sa bahay. I nodded, smiling at Grec. “Thank you, Grec,” sabi ko sa kaniya bago siya iniwanan. Iniisip ko na masusurpresa si Logan pagkakita sa akin. Naexcite ako na ipagluto siya. Namiss ko rin siya kaya pinuntahan ko na siya dito sa opisina. Napatigil ako sa pagkatok sa pinto ng opisina ni Logan. “Hindi ko alam na kaya p

