CALLI “HI...” I greeted Logan in a low voice. Pagkatapos niyang umalis kahapon ay ngayon lang niya sinagot ang mga tawag ko. Bahagya kong nilingon si Nanay Fely na abala sa pagliligpit ng mga gamit ko. Naglakad ako patungo sa terrace at doon muna ako pansamantala habang kausap ko si Logan. Nagtatampo pa rin siya dahil pinatanggol ko si Nanay Fely. I don't see anything wrong at what I did. Pareho ko naman silang pinatigil na mag-away na dalawa. Naisip ko na naman iyong mga sinabi ni Nanay Fely kay Logan kaya nagalit. I know that Pen and I will meet again and talk. If that happens, I think I’m ready to talk to her again. But I don't know what I will feel if she and Logan talk about their child. She is his past but I couldn't help but think of the worst thing for her and Logan after th

