LOGAN “f**k!” I loudly cursed after I read Miguel's message. Naibagsak ko rin ang hawak na phone sa lamesa. My teeth gritted. Nagulat pa si Calli at kunot ang noo na nakatingin sa akin. Naiwan sa ere ang gagawing pagsubo sana ng pagkain. “What's wrong?” She worriedly asked. Binitawan ang hawak na kutsara at hinawakan ang isang kamay ko. “May problema ba?” Nakaalis na raw si Dev sa huling pinagtaguan nito sa Batangas. “Damn it! Nakawala si Dev.” Buong pagpipigil kong sagot. “Ang tatanga kasi…” Kung hindi ba naman tatanga-tanga sina Miguel, nakawala pa sa kanila si Dev. Malilintikan talaga sila sa akin mamamaya. “Ang bastos ng bibig.” Nanay Fely commented. Mahina ngunit umabot sa pandinig ko. Nilalagyan niya ng juice ang baso ni Calli. Masama ko siyang tiningnan para tumahimik nguni

