Chapter 6

1337 Words
NAALIMPUNGATAN siya nang tumunog ang cellphone niya. Naka-alarm kasi iyon dahil may inaabangan siyang movie kapag alas otso na. Pero napabalikwas siya ng bangon nang maalalang hindi pa siya nakauuwi. Napasarap ang tulog niya kaya inabot na siya ng gabi. Mabilis niyang isinuot ang uniform niya saka dinampot ang cellphone at bag. Lumabas siya ng silid at nakasalubong pa niya si Jeff na papunta sana sa kanya. “Oh, saan ka pupunta?” “Aalis na ako, Jeff.” “Mamaya na, halika muna, kumain ka muna bago ka umuwi,” anito. Umiling siya sa kaibigan. “Hindi na, late na rin kaya kailangan ko nang umuwi. Busog pa naman ako kaya keri lang,” saad niya at kumindat kay Jeff. “Sure ka?” tanong pa nito at tumango na lang siya. “Alright. Hintayin mo ako at magbibihis lang ako. Ihahatid na kita,” dagdag pa nito kaya ngumiti siya at tumango. Iniwan na siya ni Jeff para magpalit habang naglakad naman siya patungo sa labas. “Let’s go?” tanong ni Jeff. “Ah, Jeffey, salamat, ah,” wika niya. Ngumiti lang ang kaibigan sa kanya. “Wala ’yon, basta huwag mo na uulitin. Ayokong ini-indian ako at pinaghihintay,” saad nito. Sumakay na sila sa kotse at pinaandar ito habang patuloy na nag-uusap. “Pasensya na talaga, napasarap kasi kuwentuhan namin ni Kyrie—” “OMG! May boylet kang kasama kahapon?” tanong nito habang nanlalaki ang mga mata. Nagulat siya sa reaksyon ng kaibigan dahil bigla itong pumreno. “Dahan-dahan naman!” wika niya. “Ikaw ang magdahan-dahan sa sinasabi mo,” saad nito habang nakangiti. “Lalaki pala kasama mo kaya mo ako nakalimutan,” ngiting-ngiting ito saka muling pinaandar ang sasakyan. “Eh? Ano namang reaksyon ’yan?” “Natutuwa lang ako kasi may boylet ka na—” Pinutol agad niya ang sasabihin ng kaibigan bago kung ano pa ang isipin nito. “Boylet ka riyan? Kaibigan ko lang si Kyrie saka alam mong may asawa na ako,” wika niya. Bahagya pang humina boses niya “Asawa? May asawa ka pala, hindi kasi halata,” anito. Natahimik siya dahil doon. Aminado siyang hindi niya talaga ramdam na may asawa siya pero kahit ganoon, hindi pa rin niya magawang magloko dahil minamahal niya si Allan. “Hmmp! Oh, siya, sorry na, kaibigan na kung kaibigan,” wika ni Jeff. Medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil kahit paano ay naiintindihan siya ng kaibigan. “Pero support kita kung sakaling magbago isip mo,” dagdag nito kaya napasimangot siya pero tinawanan lang siya ng kaibigan. SAMANTALA, hindi naman mapakali si Allan, pabalik-balik siya sa salas habang panay ang sulyap sa wall clock. Dahil alas-otso na at wala pa rin si Samantha. Nang iwanan niya kasi ang asawa kanina sa labas ng campus ay hindi pa rin ito umuuwi. Nagtataka siya at hindi rin maitatanggi ang pag-aalala. “Saan na naman ba nagpunta ang babaeng ’yon? Baka naman nasa lalaki niyang si Jepoy—Je— hindi ahh basta o baka na kay Kyrie!” Para siyang baliw na kinakausap ang sarili sa sala. Naiinis siya pero hindi niya malaman kung bakit siya naiinis at kung kanino ibabaling ang inis. Tumingin siya sa kanyang cellphone para sana tawagan ang asawa pero naalala niyang hindi nga pala naka-save ang number nito. “Argh! Kung hindi lang sa daddy niya, hindi ko siya iisipin ng ganito. Baka mamaya sabihin ni Papa Dave, pinapabayaan ko ang anak niya,” bulong niya. Saka ibinulsa ang cellphone at inilabas ang susi ng kotse upang lumabas. Nagpasya siyang hanapin na lang si Samantha sa labas. Pero nang palabas siya ng pintuan ay nakarinig siya nang pagbukas ng gate. Sumilip siya at nakitang si Samantha iyon kaya nagkunwari siyang naupo sa sala saka binuksan ang tv. Tumikhim siya at itinutok ang mata sa panonood ngunit sa kanyang peripheral vision ay inaabangan niya si Samantha na pumasok sa loob. “Ayokong isipin niyang nag-aalala ako dahil baka mag-assume pa ang babaeng iyon.” Sa isip niya. Saktong pumasok na rin si Samantha at saglit lang siyang sinulyapan. Hindi siya lumingon hanggang sa umalis na ang asawa. Nang makapasok si Samantha sa kwarto ay sinundan niya pa ng tingin. “Saan kaya siya nagpunta? Hindi man lang nagsabi kung saan, hindi ba niya alam na nag-aalala ako---” Mabilis siyang umiling-iling nang ma-realize ang sasabihin. “Hindi ako nag-aalala.” Pagkausap niya sa sarili saka tumayo. Pinatay niya ang tv at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig pero nang mapansin niya Samantha ay mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo, dala ang baso sa loob. Nakaramdam si Samantha ng uhaw kaya lumabas siya ng kwarto para magtungo sa kusina, bitbit niya ang kanyang cellphone dahil magpapaantok din siya sa paglalaro. Bahagya pang napakunot ang noo niya nang mapansin na wala na sa sala si Allan. Dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng pitsel, nagsalin siya ng tubig sa baso. Umupo siya sa upuan at ipinatong sa mesa ang cellphone saka ininom ang tubig, nang biglang tumunog ang cellphone niya. Ibinaba niya ang baso at kinuha iyon. Isang unknown number ang nag-text. Napakunot ang kanyang nang basahin ang text message. Text message: Unknown Hi, kumusta? Nawala ka na kanina. ‘Sino naman ’to? Wrong send yata,’ bulong niya. Hindi siya nag-reply dahil hindi siya pamilyar sa numero. Pero hindi pa man niya naibaba ang cellphone nang tumunog ulit ito. “Sungit mo naman. Si Kyrie ’to, your friend.” Pagbasa niya sa text at agad siyang napangiti. Bakas na bakas ang saya sa mukha niya dahil hindi niya inasahang may makakaalalang mag-text sa kanya. At hindi iyon biyenan niya, kundi bagong kaibigan. Mabilis siyang nagtipa ng reply para kay Kyrie nang dahan-dahan namang lumabas si Allan sa banyo. Nakita nito ang ngiti ng asawa at hindi niya maiwasang mapaisip kung sino ang ka-text nito. “Ehem! Sino naman ’yang---” “Ay tikbalang!” Sa gulat niya, nabitawan niya ang cellphone at kumalabog ito sa mesa. Napahawak din siya sa dibdib niya sa sobrang kaba. Pakiramdam niya aatakihin siya kaya agad siyang uminom ng tubig at huminga ng malalim. “P-paanong--ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi niya alam kung ano ang itatanong dahil nagulat talaga siya sa pagsulpot ni Allan. “Tss! Ano’ng tikbalang sinasabi mo? Baka mas guwapo pa ako sa ka-text mo,” saad nito saka ibinaba ang hawak nitong baso saka nakapamulsang iniwan siya sa kusina. Sinundan na lang niya ng tingin ang asawa habang nagtataka sa ikinilos at sinabi nito. “Ano na namang problema no’n?” saad niya sa sarili at naiiling na dinampot ang cellphone na nahulog. Napabuntonghininga na lang siya bago ituloy ang pagtitipa ng reply kay Kyrie. NANG makaalis na si Allan sa kusina ay napakamot siya sa ulo. Nainis siya nang makita ang ngiti ni Samantha habang hawak nito ang cellphone dahil sumisilip siya kanina sa pinto ng banyo. Huminga siya ng malalim at kinuha ang cellphone sa bulsa. “Akala niya siya lang may ka-text? Tss!” bulong niya. Nag-text siya kay Chelsea para mapawi ang inis na nararamdaman pero mas lalo siyang nainis dahil hindi agad nag-reply ang nobya. Ibinulsa na lang ulit niya ang cellphone at sinilip si Samantha. Nakita niyang nakangiti ulit ang asawa. “Sino ba ang ka-text niya? Lalaki ba o babae? Kung lalaki nga, bakit pa siya nagtitiis sa akin? Ang ibig kong sabihin, bakit hindi pa kami maghiwalay?” Sa isip niya na tila may kaaway siya pero sarili lang din naman niya ang kausap niya. “Kung si Chelsea lang sana ang naging asawa ko, hindi sana ako ganito sa kanya. Hindi ko sana siya kilala at masaya sana ako kasama si Chelsea,” bulong niya habang nakatingin kay Samantha. Tumalikod na siya para bumalik sa kuwarto niya habang iniisip kung hanggang kailan siya magtitiis kay Samantha at kailan makakamit ang kalayaang gusto niya. Iyon ang gusto niyang mangyari dahil tutuparin pa niya ang pangarap na mapakasalan ang babaeng totoo niyang minamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD