KABANATA 52

1814 Words

Nagpatuloy lang kami ni Mona sa pagkwekwentuhan at iniwasan ko nang mapatingin sa lalaking kaharap namin. Pero siya naman ang napansin ko na panay ang sulyap sa amin na para bang gusto niyang makisali sa kwentuhan namin. Nang mapatingin ako sa kanya, nginitian na naman niya ko. “Magkasintahan ba kayo?”walang ano-anong tanong niya. ‘Yon ba ang kanina pa niya gustog sabihin? Gusto lang niyang malaman kung magkarelasyon kami ni Mona. “Opo, girlfriend ko po siya. Bakit po?” magalang kong sinagot ang tanong niya. Wala naman akong naiisip na masama kung bakit gusto niyang alamin. Baka gusto lang talaga niya na makipagkwentuhan sa ‘min, dahil baka naiinip siya. Hindi naman kasi gan’on kabilis ang takbo namin dahil kalabaw naman ang may hatak ng kariton at hindi naman kabayo na may hatak na kale

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD