KABANATA 51

1556 Words

KABANATA 51 Sinama ako ni Dalikmata sa kubo kung saan naroon ang mga batang tikbalang na naging biktima ng ginawang paglusob ng mga aswang at sigbin dito sa tirahan ng mga tikbalang. Mahigit sa dalawampung batang tikbalang ang nakaratay sa mga higaan habang nasa tabi nila ang mga magulang nila. Sugatan ang buong katawan nila at lahat sila’y nakanganga na para bang hirap na hirap kung huminga at pilit na humuhugot ng hangin para pumasok sa kanilang mga baga. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mona.  Awang-awa ako sa kalagayan nila. Mukhang tahimik naman silang namumuhay rito kaya bakit kailangan silang lusubin? At ang masaklap pa kampon mula sa kaharian ng pamilya ng aking ama ang gumawa nito sa kanila. “Ano’ng nangyari sa kanila?” “Tulad ng nangyari sa anak ko.” Napalingon ako dahil na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD