KABANATA 50 Halos mapabangon ako sa kinahihigan ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng bala na nakabaon sa katawan ko. Hinawakan ako ni Mona sa balikat ko habang nakatayo siya sa tabi ko. Umiiyak siya habang hindi makatingin sa akin. Nasa tapat ng sugat ko ang magkapatong na kamay ni Dalikmata habang nakadilat lahat ng mga mata niya sa buong katawan na nagliliwanag. Mukhang kapangyarihan niya ang may gawa kung bakit umaangat ang balang nasa katawan ko. Parang papawian na naman ako ng ulirat dahil sa tindi ng kirot na nararamdaman ko. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Mona habang sumisigaw ako. Hindi ko maipaliwanag ‘yung sakit. Parang pinupunit ‘yung laman ko. “Tama na. Hindi na kaya ni Baste.” Nagmamakaawa na si Mona para sa akin. “Mamamatay siya kapag tumigil ako.” “Kaya ko!

