KABANATA 49 “Baaasteee!” sigaw ni Austin na pinalaki pa ang boses. “Nandito ka pala bakit ‘di ka nagsasabi? Paano mo nalaman na nandito kami?! Ahhh… kay Dave siguro ‘no? Kaya pala bigla ‘yong napatawag kahit hindi naman niya ugaling kumustahin kami kapag may kasama siyang babae.” Nanatili akong nakasandal sa pader habang nagsasalita siya. “Tuwang-tuwa ka siguro. You thought you’re already one step ahead me, kaso tanga ka.” Medyo tama siya sa huli niyang sinabi. Medyo natanga nga ako nang konti. Kung na-silent ko lang ‘yung phone ko, hindi ako mabubuking na nandito na ako. “Bakit ‘di ka lumabas ngayon? Magpakita ka. Alam ko namang nand’yan ka lang sa labas ng pintuan. Ang lakas ng volume ng phone mo eh.” Tumawa siya nang malakas na sinabayan pa ng mga kaibigan niya. “Pasok ka na rito. Ayaw

