KAHIT masakit sa kalooban ni Kris na siya pa ang maging tulay ng pag-iibigan ng matalik na kaibigan na umahas sa babaeng dapat na pakakasalan niya. Hindi parin siya nakatanggi na tulungan ang dalawa. Siya ang gumawa ng paraan na makapasok si Mando sa asyenda ng pamilya ni Erlinda para maitakas ang dalaga. Ngunit nahuli ang mga ito ni Senyor Rolando.
Putok ng baril ang nagpahinto sa pagtakbo ng dalawa papunta sa nakaparadang sasakyan ni Kris.
"Hindi mo ako maiisahan lalaki! Hindi ako tanga para hindi malaman ang binabalak niyong gawing pagtakas sa anak ko," dumadagongdong ang boses ni Senyor Rolando sa kadiliman ng gabi.
"Please, Papa... Pabayaan mo na kami. Mahal ko si Mando at siya ang gusto kong makasama sa habang buhay!" umiiyak na pakiusap ni Erlinda sa ama habang inihaharang ang sarili sa katawan ni Mando. Nakatotok na kasi ang baril nito sa direction nila at sigurado siyang ang susunod na pagkalabit ng Papa niya sa gatilyo ng baril ay tatama na iyon sa katawan ni Mando.
"Binubulag ka ng pag-ibig mo sa lalaking iyan, Erlinda! Wala kang kinabukasan sa lalaking iyan! Si Kris ang nararapat para sayo!" matigas na turan ni Senyor Rolando.
"Ipagpaumanhin niyo po, Senyor Rolando… Maaaring hindi po ako ipinanganak na kasing yaman ninyo. Pero nakakasiguro naman po akong hindi magugutom sa akin ang anak niyo. At kung kayamanan ang magiging sukatan ng pagmamahal ko sa anak niyo. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maibigay lang kay Erlinda at sa magiging mga anak namin ang karangyaan sa buhay," walang takot na turan ni Mando. Sinusubukan niya ring alisin si Erlinda sa harap niya dahil natatakot siyang madamay ito sa galit ng ama nito sa kanya.
"Huh! Ang lakas ng loob mong sagutin ako sa sarili kong lupa. Hindi ako kailan man nagtitiwala sa isang pangako ng isang katulad mo lalaki. Hindi ko pinalaki ang anak namin para mapunta lang sa isang katulad mo!" matigas ang puso na turan ng Senyor.
"Kung ganoon ay pasensiyahan nalang po tayo... Hindi ako aalis ng hindi ko kasama si Erlinda," turan ni Mando at mahigpit na hinawakan ang kamay ng umiiyak na si Erlinda. Tumalikod na ito kasama si Erlinda.
"Pwes pasensiyahan na tayo at hindi ka makakaalis na kasama ang anak ko ng buhay,lalaki!"
Nakaantabay lang si Kris sa nangyayaring tagpo hindi kalayuan sa magkasintahan. Siya ang kinakabahan para sa matalik na kaibigan. Nakakasiguro siyang tutuhanin ni Senyor Rolando na patayin si Mando sa isang pagkalabit lang nito sa gatilyo ng baril.
Baaangggg... malakas na putok ulit ng baril na hawak ni Senyor Rolando.
"Mandooooo..." sigaw iyon ni Kris kasabay ng pagtulak sa matalik na kaibigan.
Napalingon naman si Mando sa kaibigan kasabay ng pagbagsak nila sa lupa ni Erlinda.
"Krisssss!" sigaw ni Erlinda ng bumagsak sa kanila ni Mando ang duguang si Kris.
Ito ang tinamaan ng bala ng baril na para sana kay Manda.
Mabilis na dinaluhan ni Mando si Kris.
"Bakit mo 'to ginawa?" tanong ni Mando na hindi makapaniwalang sasaluhin ng matalik na kaibigan ang balang dapat ay para sa kanya.
"Kung hindi kita tinulak ay siguradong diretso sa puso mo ang asinta ni Senyor Rolando..."
"Halika at dadalhin kita sa ospital!" ani Mando at anyong bubuhatin ang matalik na kaibigan.
"No! Balikat lang ang tama ko. Hindi ko 'to ikamamatay... Umalis na kayo! Papatayin ka nila dito!" tulak ni Kris sa matalik na kaibigan.
"P-Pero paano ka?" nalilitong tanong ni Mando.
"Hindi nila ako papatayin. Pero ikaw kung magtatagal ka pa dito siguradong wala ka nang buhay na uuwi sa pamilya mo sa San Martin. Kaya bilisan niyo na at umalis na kayo..." pagtutulak ni Kris kay Mando at Erlinda. Ibibigay niya rin ang susi ng kotse niya dito.
"Salamat, kaibigan! Utang ko sayo ang buhay ko. Pagdating ng araw na kailanganin mo ang tulong ko, huwag kang magdalawang isip na lumapit. Kahit ano gagawin ko para sayo!" iniwang pangako ni Mando at mabilis na itong tumayo at tumakbo papunta sa kotse ni Kris. Kasama ang umiiyak na si Erlinda.
Samantalang si Senyor Rolando naman ay hindi na nagawang habulin ang dalawa. Humarang kasi dito ang asawa at pinigilan itong muling barilin si Mando.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging mas matibay pa ang pagkakaibigan nina Mando at Kris. Madalang man sila magkita. Nanatili namang tapat ang pagkakaibigan nila.
Isang buwan nga bago binawian ng buhay si Kris ang naging huli nilang pag-uusap na magkaibigan.
"Bilang nalang ang mga araw ko dito sa mundo, Mando," wika ni Kris na nakaupo sa wheelchair. Halata sa itsura nito na may malubha nga itong karamdaman.
"Ano ka ba naman... Magtatagal pa ang buhay mo! Gagaling ka pa at mangangaso pa tayo tulad noong kabataan natin," pagpapalakas ng loob ni Mando.
Umiling si Kris ng sunod-sunod. "Matagal ko nang natanggap na isa sa mga susunod na mga araw ay maaaring maging huling araw ko na dito sa mundo. Handa na ako para doon, Mando. Namimiss ko na rin naman ang aking si Veronica. Isa pa pagod na rin ako sa kakalabas pasok ng ospital. Gusto ko na rin magpahinga."
"Kaya mo ba ako pinapunta dito, para magpaalam?"
Tumango si Kris. “May gusto din akong hilingin sayo, Mando.”
“Ano yun. Sabihin mo sa akin at gagawin ko ang makakaya ko…”
“Si Maria Kristel. Ang aking apo… Sayo ko ihahabilin ang aking pinakamamahal na apo, Mando! Kung hindi lang ako nag-aalala na maiiwan ko ang aking si Kristel ay matagal ko nang sinundan si Veronica sa kabilang buhay. Matapang ang apo ko kung titingnan pero mahina ang loob niyon. Takot nga iyon sa dilim hanggang ngayon e..." may ngiti sa mga labi na turan ni Kris sa pagkakabanggit sa apo nito.
"Huwag kang mag-alala. Makakaasa kang hindi ko siya pababayaan!" pangako ni Mando sa kaibigan.
"Ang totoo niyan ay mas mabigat pa diyan ang hihingiin ko sayo, Mando."
Nangunot ang noo ni Mando. Iniisip ang posibleng hingiin na pabor ng matalik na kaibigan.
"Minsan ko nang ipinagkatiwala sayo ang isang babaeng naging importante sa buhay ko noon... Nabigyan mo siya ng masaya at maayos na pamilya katulad ng pinangako mo sa akin. Ngayon, muli kong ipagkakatiwala sayo ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Ang aking apo na si Kristel. Malaki ang tiwala ko na sa pamilya mo ay magiging masaya rin ang buhay ng apo ko katulad kong paano mo pinasaya si Erlinda."
Sanadaling katahimikan ang namagitan sa kanila.
“Anong ibig mong sabihin, Kris?”
"Sinabi mo noon na balang araw ay babayaran mo sa akin ang pagliligtas ko sa buhay mo noon, Mando. Ngayon ko na sisingilin iyon..."
"Paano ko babayaran sayo ang pagpaparaya mo kay Erlinda at ang pagliligtas mo sa buhay ko noon,kaibigan?"
"Give my granddaughter a family!" deretsong turan ni Kris.
"Hindi ko maintindihan… Ano ba talaga ang gusto mong hilingin sa akin?" naguguluhang tanong ni Mando.
"May dalawa kang apo na lalaki. Matanda lang ng dalawang taon sa aking si Kristel... I want you to marry my granddaughter to any of your grandchildren! Kapag namatay na ako at wala parin asawa ang apo kong si Kristel... I want you to give her family, your family."
Hindi naman makapaniwala si Mando sa gusto ng matalik na kaibigan.
"Imposible ang hinihingi mo sa akin, Kris! Hindi ko pwedeng dektahan ang buhay ng mga apo ko!" hindi sang-ayon na turan ni Don Armando sa matalik na kaibigan.
"Hindi ko na makikilatis ang lalaking maaring pakasalan ng apo ko, Mando. Natatakot akong sa maling lalaki siya mapunta. Malaki ang tiwala ko sayo. Kung ano daw ang puno ay ganun din ang bunga. Kaya mapapanatag lang ako sa kabilang buhay kapag sa isa sa mga apo mo maikakasal ang aking si Kristel."
"Pero ayaw kong panghimasukan ang buhay ng mga bata, Kris!"
"Pwede nating subukan... Kung ayaw talaga ng mga bata ay hindi kailangan pilitin."
Walang nagawa si Mando kundi ang pumayag nalang sa kagustuhan ng kaibigan. Bilang pagtanaw ng malaking utang na loob dito.
"END OF FLASHBACK"
"Katulad ng sabi ng lolo mo. Hindi ko kayo pipilitin kung talagang ayaw niyo, iha. Pero paano niyong malalaman na ayaw niyo sa isat-isa kung hindi manlang kayo magkakakilala?" turan ni Don Armando matapos maekwento ang lahat tungkol sa nakaraan.
"Naiintindihan ko po kayo! Tumutupad kayo sa pangako mo sa lolo ko. Pero ako na po ang nagsasabi sa inyo. Hindi na po kailangan. Maayos po ako kahit wala na po akong pamilya. At pinapangako ko pong sisiguraduhin kong tama ang lalaking pipiliin kong pakasalan. Kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin," siguradong wika ni Kristel na wala manlang balak kilalanin kung sino man ang mga apo ni Don Rafael.
Ang totoo niyan may laman na talaga ang puso niya. Kaya hindi niya magagawang tuparin ang kasunduan ng lolo niya at ng Don na nasa harap niya.
May iniabot na sobre si Don Armando kay Kristel.
"Ipinabibigay iyan saiyo ng lolo mo hija. Mauuna na ako. Sana pag-isipan mo ng ng maigi ang napag-usapan natin. Tawagan mo ako kung ano man ang maging desisyon mo," ani Don Armando at tumayo na.
Nakatanaw sa papalayong kotse na kinalululanan ni Don Armando si Kristel.
"Thank you lolo for your concern but I'll be fine! Alam ko naman na binabantayan niyo akong lahat mula diyan sa langit..." bulong niya sa hangin habang hawak ang sobre ng sulat na hindi pa niya nabubuksan.