Chapter 6

2137 Words
MAGMULA ng mamatay ang lolo Kris niya ay madalas siyang bisitahin ng matalik nitong kaibigan na si Don Armando. Lolo Mando na ang tawag niya dito katulad ng gusto ng Matanda na itawag niya dito. Sobra iyong ikinagagalak ni Kristel dahil kahit papano pakiramdam niya ay nabubuhay parin ang lolo Kris niya sa katauhan nI lolo Mando.  "I'm so sorry, iha. Mukhang hindi ko matutupad ang naipangako ko sa lolo Kris mo. Nilayasan ako ng mga apo ko. Mabilis na nagsipagbalikan sa London. Hindi manlang natakot na totohanin ko ang banta na tanggalan sila ng mga mana," napapailing na turan ni Don Armando habang inaalala ang ginawa ng dalawa nitong apo. Hindi alam ni Kristel kung maaawa sa matanda o ikatutuwa ang dala nitong balita. She knows how important for lolo Mando na matupad ang pangako nito sa lolo Kris niya. Ngunit naiintindihan rin naman niya ang ginawa ng dalawa nitong mga apo. Although parang gusto niyang mainsecure sa dalawang hindi pa niya nakikilalang binata... Akalain niya ba naman na siya si Maria Kristel Cordoval eh nagawang tanggihan ng dalawang apo ni Don Armando? Hindi manlang nagkainteres ang dalawa na kahit paano ay makilala manlang siya bago nagsilayas papuntang London. Pero ganun pa man kahit masakit sa pride. Nagpapasalamat na rin siya sa ginawa ng dalawa. Mas masakit kaya sa pride kung matapos siyang makilala ng mga apo ni Don Armando ay tsaka siya tatanggihan na pakasalan. "Lolo Mando, there's nothing to be sorry about. Kung ako man po ay ayaw din sa kasunduan niyo ng lolo Kris ko eh. Sa totoo nga po ay masaya ako at hindi sila pumayag... Hindi ko na kailangan i-pressure ang sarili ko na sundin ang kagustuhan niyo ni lolo. Kaya wala po kayong dapat ihingi ng paumanhin," may ngiti sa labi na turan ni Kristel habang marahan na tinatapik ang balikat ni Lolo Mando. "Sayang naman... gusto pa naman kita maging apo, iha," turan ni Don Armando. Bakas ang lungkot sa boses nito. Sa nagdaang mga araw ay naging malapit na rin kasi sa puso ni si Kristel na pang tunay niyang apo. Napakabait at magalang kasi nitong bata. Napakaganda rin nito katulad din ng lola nitong si Veronica. Iniisip niya na bagay talaga ito sa kahit sino sa dalawang apo niya na sina Nathan at Adam.  "Lolo Mando, pwede niyo parin naman po akong maging apo kahit hindi ako makasal sa isa sa dalawang  apo niyo, diba?" "I know, pero iba parin kapag kasal---" "Huwag na po natin ipilit ang isang bagay na hindi nakatadhana para sa atin," nakangiting putol ni Kristel sa sinasabi ni Don Armando. "I'm still not giving up, iha. Umaasa parin ako na matutupad ko ang pangako ko sa lolo mo at magiging parte ka na talaga ng pamilya ng mga Ocampo," hindi parin sumusuko na turan ni Don Armando. Nakangiting umiling nalang si Kristel. Kasing kulit pala ng lolo Kris niya si lolo Mando. Kaya pala naging matalik na magkaibigan ang mga ito. Sabagay may kasabihan nga na birds of the same feather flock together.  Ilang sandali pa silang nagkwentuhan ng matanda bago siya nagpaalam dito.  May photo shoot pa kasi siyang kailangan puntahan. Palabas na siya sa restaurant kung saan sila naglunch ni lolo Mando ng hindi sinasadyang madaanan ng paningin niya ang isang pamilyar na bulto na likod ng isang lalaki. "Nakakapagod palang maghintay sa wala. Nauubusan na ako ng pag-asa na isang araw ako naman ang makikita mo..." naluluhang bulong niya habang nakatingin sa malapad na likod ng matalik na kaibigan. Pakiramdam niya ay may karayom na tumutusok sa puso niya habang nakatingin sa direksyon ng mesang kinaroroonan ni Alexander kasama ang maganda at sexy na ka lunch date nito. Napakasweet ng dalawa na lalong lang nagpapakirot sa puso niya. Akala niya immune na ang puso niya sa sakit. Hindi naman kasi bago sa kanya ang ganitong tagpo. Napakababaero kasi ng bestfriend niya kaya dapat immune na siya sa sakit ngunit hindi parin pala. Bakit ba kasi hindi siya magawang tingnan nito kung paano nito nakikita ang ibang mga babae? Siya itong palaging nasa malapit lang ngunit siya itong hindi makita.  Yes, she is long time in love with her best friend! Hindi niya alam kung kailan nagsimula. Basta isang araw nagising nalang siya na hindi nalang basta kaibigan ang nararamdaman niya para dito. Ang masakit. Kapatid at matalik na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Nakikita nito ang lahat ng babae sa paligid nito, maliban sa kanya. At dahil tanga ang puso niya. Kahit kapatid at matalik na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya... Umaasa parin siya na isang araw mapupuwing din ang mga mata nito at sa muling pagmulat niyon baka sakali siya naman ang makikita nito. Baka sakali mahalin din siya nito ng higit pa sa pagiging kaibigan lang. Mabilis siyang lumayo sa lugar na iyon bago pa niya mabigyan ng kahihiyan ang sarili. Isa pa hindi rin naman siya masukista para gustuhin ang makaramdam ng sakit. "You saw them..." si Devon ang personal assistant niya na kaibigan na rin. Maliban sa namayapa niyang lolo ay ito lang ang nakakaalam ng lihim na pagtingin niya sa matalik niyang kaibigan. "Who?" pagmamaang maangan niya ngunit nasa labas ng kotse ang tingin. "Huwag ka nang magmaang maangan, girl... Hello! Nandoon din kaya kami ni Ed," tukoy nito sa driver niya. Sa  parehong restaurant din kasi kumain ang  dalawa. Hiwalay lang sa mesa nila ni Don Armando.  "I don't know what you're saying, Dev," patuloy na pagdi-deny niya ngunit hindi niya namamalayan na mahina niyang napapalo ng isang kamao ang tapat ng dibdib niya. Napataas ang kilay ni Devon. "Iiyak mo nalang kaya yan. Todo deny ka diyan pero binubogbog mo naman yang dibdib mo... Magaling naman ang make-up artist mo. Mareremedyuhan na yan mamaya. Pero ang palitan yang dibdib mo... Mas mahirap gawan 'yan ng paraan."  Agad niyang itinigil ang ginagawa at lalong umiwas ng tingin kay Devon. Kinapa ni Devon ang kamay niya at marahang pinisl. "Alam mo ba ang number one advantage ng one sided love?" "A-Ano?" nautal niyang tanong dito. "You can quit any time!" deretsong sagot ni Devon. "It's hard... Kung kaya ko lang sana, dapat noon pa. Dapat matagal na..." malungkot na turan niya. "You can kung talagang gusto mo! I mean...don't get me wrong ha! I'm just concern. I think your case is a long time overdue na, girl! Hanggang kailan ka ba maghihintay sa wala? Alam naman natin na his in love with all the sexy and beautiful ladies out there,diba? At ang masakit hindi lang sa isa o dalawa o tatlo but they're countless. Ang dami nila, girl! Sabagay sino naman kasi ang babaeng manhid na hindi maiinlove sa isang hot and sexy billionaire named Alexander Altmann, right? My God… Kung hindi ko nga alam na in love ka doon ay baka ginapang ko na ‘yan noong minsan mag-inom tayo kasama siya at nalasing. Ang yummy niya kaya.”  “Sira ulo.”  “But seriously girl, napaka womanizer niyang bestfriend mo. He's a hopeless case! I’m sure alam mo yun. Si Xander ang tipo ng lalaki na masarap kalaro at busog na busog ang puson mo pero kung seryusuhan ang gusto mo, ihanda mo na ang puso mo dahil siguradong basag-basag ‘yan kapag sinalanta ng isang bagyong Xander."  "Alam ko naman yun. Pero mahal ko talaga siya eh." "Then why don't you tell him? Para atleast naman malaman mo kung may patutunguhan 'yang nararamdaman mo. Kaysa naman para kang si Juan tamad na naghihintay kung kailan malalaglag ang bayabas sa bibig mo," may paghahamon sa boses na turan ni Devon. Umiling siya ng sunod-sunod. "No. I  can't and I won't!!! "Goodness... But why?" parang nauubusan ng pasensya na tanong ni Devon. "I want him to love me because he  loves me... Not because he's pressured to love me back! Kilala ko si Xander... Kapag nalaman niya na mahal ko siya ng higit pa sa pagiging kaibigan, he will feel responsible. Maaawa siya sa akin. And he been doing that since I was five, Dev...Ang kaawaan ako! At ayaw kong maging akin siya dahil lang sa awa," sunod-sunod na rin na umaagos ang mga luha ni Kristel. "How sure are you na hindi ka rin niya mahal? Malay mo naman--" "Because he's in love with someone else..." Napanganga si Devon sa sinabi ni Kristel. Inaanalize kung tama ba ang narinig niya. Makikita rin sa mukha nito na gulong-gulo ito at hindi naiintindihan ang sinasabi ni Kristel. Nagpahid naman ng luha si Kristel habang sunod-sunod din ang paghikbi. "Ang gulo naman... Nakakabobo talaga ang lovelife. Kaya nga ayaw kong mag-boyfriend eh... Sakit na nga sa puso sakit pa sa ulo at kung minsan sakit din sa bulsa... " litanya ni Devon. Paano naman kasi hindi niya maintindihan kung paanong inlove daw sa iba si Xander gayong halos araw-araw eh iba-iba naman ang ka date nito o baka 3 times a day pa nga. Ganoon ito katinik. "Inlove si Xander sa dati naming kaibigan," pagpapaliwanag ni Kristel habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. "Where is that girl?" "I don't know! No one knows... All I know is... Xander is still in love with her." "Hayyyy pag-ibig... Nakakabaliw, sobra! Hindi na ako nagtataka kung bakit mag bestfriend kayo. Pareho pala kayong baliw sa pag-ibig eh. Ikaw baliw sa kahihintay kung kailan ka niya mamahalin ng higit pa sa kaibigan. 'Yong bestfriend mo naman dahil hindi makita ang babaeng laman ng puso... Eh ayon kung kani-kaninong puson pumapasok. Ang gulo niyong dalawa. Ang sakit niyo sa head..." walang preno na litanya ni Devon. Natawa naman ng hilaw si Kristel. Alam niya kasing may point ang mga pinagsasabi ni Devon. "Pero ito seryoso... Alam mong in love parin ang bestfriend mo sa iba at hindi mo din naman kayang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Diba mas dapat mo nalang din itigil ang mararamdaman mo para sa kanya? Bakit hindi mo subukan na makipag date sa iba?  Ang dami-daming lalaking nagkakagusto sayo. Malay mo... Kapag binigyan mo ng chance baka sakaling magkagusto ka rin sa isa sa kanila." "You think so? Dapat ko na ba talagang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya?" Tumango si Devon. "Although mahihirapan ka naman talaga makahanap ng  isang Alexander Altmann. Goshhh... his so damn hot and sexy naman kasi. Kaya nga ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya at handang luhuran siya..." "Uy, bunganga mo naman, Dev.” “I’m just being honest.” “Crush mo?” "Kristel, naman… Gagapangin ko nga dapat, diba? Tsaka sinong normal na babae ang hindi magka crush sa isang Alexander Altmann? Pero girl magkaiba ang crush sa love... Kaya kung ako sayo punta ka ng ospital instead na sa photo shoot." "Huh?  Bakit?  Ano namang gagawin ko sa ospital?" naguguluhan na tanong niya. "Palista ka na doon sa mga naghahanap ng heart donor. Dahil kung hindi mo pa ititigil yang kabaliwan mo sa bestfriend mo... Wasak-wasak na puso lang ang mapapala mo. O kaya papalitan mo nalang iyang puso mo ng mas maaga huwag mo nang hintaying mawasak..." "Eh kung ikaw nalang kaya ang palitan ko?" "Joke lang... Kaw naman. Sabi ko naman sayo tuloy mo lang yan. Malay mo naman matikman rin natin si bestfriend." "At natin talaga ha..." natatawa nang turan ni Kristel. "Aba syempre kapag naging kayo ni bestfriend... May chance akong magapang siya kapag tulog ka na. Hahaha..." “Baliw.” Napailing nalang si Kritel sa kabaliwan ni Devon. Pero maya-maya ay napaisip siya. Bakit ngaba hindi niya subukan ibaling sa iba ang nararamdaman niya. Baka nga tama si Devon... Baka mas tama na subukan nalang niyang ibaling sa iba ang nararamdaman niya kaysa maghintay sa wala. "By the way... Bakit hindi mo nalang pakasalan iyong apo noong Don Armando. I'm sure gwapo rin ang mga apo noon kasi gwapo si Don Armando kahit matanda na," maya-maya ay pagsasalita muli ni Devon. Malalim na napabuntong hininga naman si Kristel. "Dev, desperada lang na magka love life ang peg ko? Isa pa, wala na dito sa Pilipinas ang mga apo ni lolo Mando. Nilayasan na siya. At wala manlang isa doon sa dalawa ang nagkainteres na makilala manlang ako." "Arayyy... Saklap ng kapalaran mo, girl. Una, naghihintay ka sa himala na baka sakaling makita ka ni bestfriend kung paano mo siya nakikita. Pangalawa, sa kagustuhan ni lolo Kris na magkalove life ka na. Gumawa na siya ng paraan na maikasal ka sa isa sa apo ng bestfriend niya. Ngunit sa kamalasan tinakbuhan ka na agad ng hindi ka pa manlang nakikilala... Ang totoo? May balat ka ba sa pwet?" Imbes na mapikon ay natawa nalang tuloy siya. "Baka wala sa kanila ang para sa akin..." natatawa parin na turan niya. "Tamaaaa... Kaya dapat simulan mo na ang pakikipag date. Para mahanap mo na si Mr. Right."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD