GINAWA nga ni Kristel ang lahat maibaling lang ang nararamdaman niya sa iba. Kung noon ay trabaho bahay lang siya. Ngayon ay lumalabas na siya at nakikipagdate. At mukha namang nagtatagumpay siya. Hindi man niya malayuan ang matalik na kaibigan. Kahit paano naman ay unti-unti na niyang natatanggap na hindi talaga ang bestfriend niya ang lalaking para sa kanya. Minsan nga ay naiisip niya na baka kaya siya nainlove sa bestfriend niya ay dahil ito lang naman kasi ang laging nakikita niya. Kahit minsan man ay hindi niya sinubukan na tumingin noon sa iba.
At ngayon nga ay may boyfriend na siya. Roy Velasquez - a rich business man na nakilala niya sa isang party na dinaluhan niya minsan. He's nice and charming. Hindi ito kasing yaman ni Xander pero hindi naman iyon mahalaga sa kanya. Ang importante sa kanya ay dama niyang mahal siya nito.
"You seems happy, gurl. Magandang sign yan... Ibig sabihin talagang getting over ka na kay bestfriend," komento ni Veron.
Nginitian niya ito ng matamis. "I think I like Roy already..."
"OMG..." tili ni Veron at inalog pa siya sa balikat. "You mean... you mean sasagutin mo na siya?" kinikilig pa na tanong nito habang walang tigil sa kakaalog sa balikat niya.
"Ssshhh... Huwag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo," saway niya rito at nagpalinga-linga sa paligid. Buti nalang at mukhang busy ang lahat sa kanikanilang mga gawain para sa kukunang eksena para sa huling taping ng tv series kung saan ay siya ang kontrabida.
Agad naman na tinakpan ni Veron ang bibig nito. "Opps sorry... Excited lang ako masyado. Pero ano nga sasagutin mo na ba si papa Roy?" pabulong na pag-uulit na tanong nito.
"Actually kami na..." mahinang boses na imporma niya sa kaibigan.
"What? Talaga? Kailan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" susunod-sunod at hindi makapaniwalang tanong ni Veron.
"Last week... Ang kulit eh. Kaya ayon sinagot ko na," pagkikibit balikat na sagot niya sa kaibigan.
"Finally, my friend... You're really getting over na nga kay bestfriend! Congrats!!!" eksaherada pa siya nitong kinamayan na para bang nanalo siya sa isang acting award.
"Shhh, ano ka ba! Huwag ka masyadong maingay..." natatawa niyang saway ulit sa kaibigan. May ilan kasing napapatingin sa dako nila dahil sa kakatili ni Veron.
"Sorry, sorry... I'm just so happy for you my friend. Hindi ko mapigilan... Hehe." Ibinaba naman ulit ni Veron ang boses nito. "Pero alam ba 'to ni bestfriend?" maya-maya ay tanong nito.
Sumeryuso naman bigla si Kristel. "Nope... Nasa Germany siya ngayon. Tsaka ko nalang sasabihin pagbalik niya."
"Paano 'yun... Diba ayaw ni bestfriend mo kay papa Roy?" sumeryuso na rin na turan ni Veron.
Tumango naman si Kristel. Tama ang sinabi ni Veron. Hindi gusto ni Xander si Roy. At sigurado siyang mapapagitna siya sa nag-uumpugang bato pagbalik ng bestfriend niya. Naalala pa nga niya ang huling bilin nito bago ito umalis papuntang Germany para asikasuhin ang negosyo nito.
"Baby, please stop seeing that guy! He's no good to you. Masyado siyang babaero... Kaliwat kanan ang mga babae noon... Alam mo ba yun?" seryosong pagbibilin sa kanya ni Xander.
"Just like you!" turan niya sabay engos dito.
"Maria Kristel Cordoval!" pagbubuo nito ng pangalan niya. "Seryuso ako sa sinasabi ko. Mapapahamak ka lang diyan sa ginagawa mong paglabas-labas kasama ang lalaking 'yon!"
"Xander, hindi na ako bata. Alam ko na ang ginagawa ko. Tsaka hindi ko pinapakialaman ang paglalaro mo sa mga babae kaya huwag mo rin pakialaman ang pakikipag date ko."
"Pero magkaiba tayo. I'm a guy... Kahit ilang tambling ang gawin ko ay walang mawawala sa akin. At huwag mo akong simangutan ng ganyan dahil concern lang ako sayo!"
Umismed lang siya dito. Kung hindi niya lang alam kung sino talaga ang laman ng puso ng bestfriend niya ay baka isipin niyang may gusto rin ito sa kanya. Napaka over protective kasi nito sa kanya na daig pa ang boyfriend kung makaasta.
"Sinasabi ko na ngaba eh! Maghahalo ang balat sa tinalupan pagdating ni best friend," turan ni Veron na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
"Hayaan mo siya. Lahat naman ng lalaking nakakadate ko may bad comment ang isang iyon," pagbabaliwala nalang niya kahit ang totoo ay hindi niya alam kung paanong sasabihin sa matalik na kaibigan ang tungkol kay Roy. "Anyway may date kami mamaya ni Roy."
"Paano 'yon? Hindi ka sasama sa celebration ng team?"
Since huling taping na nga ng tv Series nila. May salo-salo ang buong team ng tv series na kinabibilangan niya bilang pasasalamat sa matagumpay nilang pagtatapos.
"I'll be there pero aalis ako agad kasi nga magkikita kami ni Roy. May out of town business trip kasi siya bukas at ilang araw din siyang mawawala."
"Ikaw na ang may boyfriend..." may pagbibiro na turan ni Veron. "Pero be careful with your heart my dear friend ha! Lalong lalo na ang Bataan!" ngumuso pa ito sa harapang bahagi ng katawan ni Kristel. "Heartbreak heals pero kapag si Bataan ang naipamigay mo na... hindi na yan maibabalik pa. Kaya ingatan mong huwag sa maling lalaki mo isuko yan," pagpapaalala ni Veron.
Napacross hands naman si Kristel sa diddib niya. "Grabe siya oh... Magdidate lang isusuko agad ang Bataan?"
"Nagpapa-alala lang... Baka lang magayuma ka sa kapugian ni papa Roy tapos---"
"I know,right! Alam ko na po, Nanay... Salamat sa paalala!" natatawang turan niya.
---
SA isang restaurant sa mamahaling hotel siya dinala ni Roy para mag late dinner.
Masaya at masarap itong kausap kaya naman palagay ang loob niya dito. Isa ang katangian na iyon ng kasintahan niya kaya siguro ito habulin ng mga babae. Maliban pa sa magandang lalaki naman talaga ito at syempre pa mayaman.
"I will miss you, sweety! Sumama ka nalang kaya sa akin sa Cebu," pangungumbinsi ni Roy sa kanya na sumama sa business trip nito sa Cebu.
"Roy, you know that I cannot do that. May mga trabaho akong hindi ko pwedeng iwan dito," agad naman na pagtanggi niya dito.
"Eh, diba last taping niyo na kanina doon sa tv series niyo?"
"Yes. Pero may mga iba pa akong trabaho maliban doon," pagdadahilan niya dito pero ang totoo ay hindi pa siya handa sa kung anuman ang gustong mangyari ng kasintahan.
Tama si Veron ang brokenheart ay pwede pang gumaling pero kapag naisuko na niya ang pinakaiingatan niyang p********e. Wala nang bawian 'yun kahit lumuha pa siya ng dugo hindi na talaga maibabalik 'yun. Kahit naman nagkakagusto na siya kay Roy syempre hindi parin niya maibigay dito ang buong tiwala niya.
"O baka naman ayaw mo lang talagang sumama?" bakas sa boses nito ang pagtatampo.
"Hindi naman sa ganoon---" pagsusubok niyang magpaliwanag.
"I get it. Hanggang ngayon wala ka parin tiwala sa akin."
"Roy, naman..."
"Okay,okay..." turan ni Roy at itinaas pa ang dalawang kamay. "I'll give you time. Pero sa susunod hindi mo na ako pwedeng tanggihan ha..."
Napatango nalang siya para matigil na ito. Mukha namang naintindihan siya ng kasintahan at hindi na ito muling nangulit pa na isama siya.
Laking pasalamat niya at mukhang hindi naman ganun kahirap na kausap ang kasintahan. Naging maayos na ulit ang pag-uusap nila. Masaya na ulit silang nag-usap. Hanggang sa matapos silang magdinner. Magkahawak pa sila ng kamay noong palabas na sila ng restaurant.
Ngunit may bigla nalang umeksena na magandang babae na sumulpot mula sa kung saan at bigla nalang hinila ang buhok niya.
"Isa kang makating babae! Pati asawa ko ay inaahas mo! Isa kang püta! Hinahabol mo din ang yaman ng asawa ko tulad ng mga kauri mo!" pagwawala ng babae na bigla nalang dumaluhong sa kanya mula sa kung saan at hinila ang may kahabaan niyang buhok. At kung anu-anong masasamang salita ang pinagsasabi sa kanya habang hawak ang buhok niya.
Syempre ay nagulat siya at hindi alam kung ano ang gagawin sa hindi inaasahang tagpong iyon. Hindi niya kilala ang babae lalong hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito.
Inisip niya na baka napagkamalan lang siya nito.
"Aaarayyyyy... " sigaw niya. Habang pinipilit na makawala sa pagkakasabunot sa kanya ng babae. "S-Sino ka ba... Hindi 'ko alam ang pinagsasabi mo... Nagkakamali ka!"
"Huh maang maangan ka pang püta ka!" galit na galit na turan ng babae.
Gulat din ang boyfriend niya at hindi alam kung paano aawat. Hindi alam kung sino sa kanila ang hahawakan.
Nasasaktan na siya sa ginagawang pananabunot sa kanya noong babae. Kaya gumante na rin siya sa pananakit dito.
"Aaano ba!" gigil na turan niya pa kasabay ng malakas na tulak. Agad naman siyang nabitawan nito at sumadsad sa isang mesa ng restaurant.
Kuhang kuha nila agad ang attention ng lahat. May ilan pa na paparazzi na agad kinunan ang nangyayaring eksena.
"I'm sorry Miss but you're mistaken me for someone else..." aniya habang inaayos ng isang kamay ang nagulo niyang buhok at ang isang kamay naman ay animo pinipigilan ang babae na sugurin siya niyo ulit.
"Huhhh... So hindi mo ako kilala? O baka naman nagmamaang maangan ka lang at nagkukunwari? Eh diba't diyan ka naman magaling... Tulad din kung paano ka umaakting sa tv at nang-aagaw ng asawa," galit na turan sa kanya ng babae habang tumatayo ito mula sa pagkakatumba ng maitulak niya ito.
Napakunot ang noo niya. Hindi parin maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng babae sa kanya. Naisip niya na baka isa lang ito sa mga nanonood ng palabas niya sa tv kung saan isa siyang kabit. Baka isa ang babaeng ito sa mga nagdidibdib ng eksena sa pag acting niya bilang kontrabida.
"I'm sorry pero trabaho ko lang yun. Utos lang 'yon sa akin ng derektor at sinusunod ko lang kung ano ang nasa script," pagsusubok niyang magpaliwanag.
"Oh, shut up!" sigaw ng babae sa kanya. "Paano mong ipapaliwag ang ginagawa niyo ng asawa ko?" tinuro pa nito si Roy na anyong lalapit sana sa kanya.
"We are just having din--- W-What? A-Asawa?" naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kasintahan at sa babaeng nanabunot sa kanya.
"S-Sweety, l-let me explain..." kandautal na turan ni Roy at hahawakan sana siya.
Agad siyang humakbang paatras dito. "Asawa? May... May asawa ka? Hindi mo sinabi sa akin? Ginawa mo akong tanga?" halos naiiyak na siya. Hindi niya akalain na nagawa ito sa kanya ng kauna-unahang lalaki na pinapasok niya sa buhay niya.
"Kristel let me explai--"
Ngunit bago pa matapos ng kasintahan ang sinasabi nito ay dumapo na sa gwapo nitong mukha ang isang palad niya.
"Go to hell!!!" aniya rito at agad na naglakad na palayo. Nahawi naman ang mga taong nakikiusyuso para bigyan siya ng daan.
Rinig niya pa ang masasamang sinasabi ng mga taong nadadaanan niya tungkol sa kanya.
Nang tuluyang makalayo ay tsaka niya lang pinakawalan ang mga luha niya.
Hindi niya akalain na maloloko siya ng ganoon. Naging kabit siya ng hindi niya namamalayan.
Isang bagay na kahit kailan ay hindi niya naisip na pasukin. Tama na iyong gumaganap siya sa mga palabas sa tv na isang kabit at kontrabida sa buhay ng mga bida ngunit ne minsan ay hindi niya naisip na ganapan iyon sa totoong buhay.
Ngunit ang walang hiyang Roy Velasquez na 'yun. Niloko siya ng walang hiya! Akala pa naman niya ay matino ito. Iyon pala ay may asawa na...gusto pang mamangka sa ibang ilog.