DAHIL sa gabing iyon ay bumaliktad ang mundo ni Kristel. Naging laman siya ng lahat ng news sa tv man o sa dyaryo. Pati na nga sa f*******:, twitter, i********: at iba pang mga social network ay trending siya.
Ang nakakasakit pa lumalabas na siya ang masama. MAKATI, MANG-AAGAW, KABIT, PÜTA at kung anu-ano pang masasamang salita ang tawag sa kanya ng mga bashers niya na ilang dobleng ulit ang dinami mula noong gabing iyon.
Marami na siyang naranasan na kontrobersiya mula ng magsimula siyang magtrabaho sa showbiz. Ngunit ang kinakasangkutan niya ngayon ang pinaka nakakahiya at pinaka malala. Lalo pa siyang naloblob sa kahihiyan ng lumabas ang asawa ni Roy sa ilang mga interviews sa tv na umiiyak at animo nagpapaawa.
Ang nangyari ay lalo pa siyang naging masama sa mga mata ng mga tao na sobrang nakaapekto sa career niya. Maraming proyekto ang nawala sa kanya.
"I'm sorry, girl..." malungkot na turan ni Devon sa kanya.
"Anong sabi ni Emma?" si Emma ay ang manager niya.
"Magbakasyon ka lang daw muna sa trabaho, girl. Magpalamig ka lang daw muna habang mainit pa ang mga tao sayo."
"What? But why?"
Nailing si Devon. "Akalain mo ba. Ang yaman pala ng asawa ni Roy. Hindi namin alam kung paano niya ginawa pero... Girl, nagback-out lahat ng mga dapat na project para sayo. She's destroying you, Kristel."
Sumakit ang ulo niya bigla. Napaupo siya sa couch habang hinihilot ang sintido niya. Pinaghirapan niya kung nasaan siya ngayon. Ngunit sa isang pagkakamali lang ay unti-unting gumuguho ang lahat ng mga pinaghirapan niya.
Si Roy ay hindi parin siya nito tinitigilan. Patuloy ito sa pangungulit sa kanya. Kesyo mahal daw siya nito at balak na daw nitong hiwalayan ang asawa at gusto siyang pakasalan. Kahit hindi niya ito kinakausap at hinaharap ay pabalik-balik ito sa bahay niya. Sinusundan siya kahit saan siya magpunta. Kaya naman ang asawa nitong may sayad ay siya naman ang pinapahirapan. Ginagawa talaga nito ang lahat masira lang siya sa trabaho niya at sa mga tao. At higit sa lahat sirain ang buhay niya! At mukhang nagtatagumpay naman ito.
"Hindi ka titigilan ng asawa ni Roy hanggat hindi tumitigil si Roy sa panunuyo sayo. At sa nakikita ko... wala rin balak si Roy na tigilan ka. Goshhh dalawang Linggo pa lang ngunit ang laki na ng nagiging epekto ng nangyari sa career mo. Kung magpapatuloy pa 'to. Tuluyang masisira ng dalawang 'yon ang lahat ng pinaghirapan mo," may inis din sa tono ng boses na turan ni Veron. Alam niya kung gaano kahalaga kay Kristel ang trabaho nito. Ngunit sa isang iglap lang ay masisira dahil sa walang mga makatotohanang balita.
"Aalis na muna ako. Hindi nila ako titigilang dalawa," maya-maya ay turan ni Kristel.
"Saan ka pupunta?"
"I don't know. Hindi ko alam... Ang alam ko lang ay gusto ko na munang lumayo at mag-isip."
---
SAMANTALA sa bahay naman ng mga Ramirez ay nagtatalo si Adam at ang Mommy niya.
"Mommy, I want to go back to London. Magaling na ang mga binti ko. Sige na, payagan niyo ako," kausap ni Adam sa ina.
Naaksidente ito sa isang motor cross competition na sinalihan nito sa London. Mahigit dalawang buwan din itong naka upo lang sa wheelchair dahil sa nangyaring aksidente. Ang mga binti kasi nito ang pinaka naapektuhan sa aksidente nito.
"No! You will stay here in Philippines with us, son. Hindi ako papayag na matapos ang nangyari sayo ay babalik ka ulit diyan sa pagdadrive ng motor na yan," malumanay ngunit naroon ang pagmamatigas sa boses ni Mrs. Cynthia Ramirez.
"Mom, I'm no a kid anymore. I'm old enough to decide and do what I want to do! At ang pagmomotor ang buhay ko. Doon ako masaya!" pagmamatigas din ni Adam.
"At ano? Sa susunod na uuwi ka dito sa amin ng Daddy mo. Hindi ka lang naka wheelchair baka nga... Baka---" nagbara ang lalamunan ni Mrs. Ramirez na animo ay maiiyak. "Baka nasa loob ka na ng kabaong dahil diyan sa pinaggagawa mo sa buhay mo, Adam!"
"Aksidente ang nangyari at hindi na mauulit 'yun,Mommy!"
"At paano mo naman nasigurado na hindi na nga mauulit ang nangyari sayo?" sabad ng Daddy niya na kadarating lang mula sa opisina nito.
Napakamot sa ulo si Adam na animo yamot na yamot sa mga magulang. Kung bakit kasi kung kailan malaki na siya ay tsaka siya ginagawang bata ng mga ito samantalang noong maliit pa siya na kailangan niya ng aroga at pag-aalaga ng mga ito ay madalas naman na wala ang mga magulang niya sa tabi niya at busy sa negosyo ng pamilya.
"See? Wala kang masabi dahil alam mo na anumang oras hanggat hindi mo tinitigil iyang extreme sports na pinaggagawa mo. Maaaring maulit muli ang nangyari sayo. O baka nga malala pa eh… Baka sa susunod umuwi ka dito ng wala na ang mga binti mo o kaya naman ay katulad ng sinabi ng Mommy mo na baka pati buhay mo ay mawala ng dahil diyan sa kalokohan mo," dagdag na turan ng Daddy niya matapos humalik sa pisngi ng asawa.
"Dad, ito na ang buhay ko. Sa ganoon ako masaya. So please just let me do what I want to do!" pakiusap ni Adam ngunit wala naman sa boses nito iyon.
Kung hindi lang naka cut lahat ng bank accounts at credit cards niya ay matagal na siyang umalis ng walang paalam sa mga magulang at nilayasan ang mga ito.
"Ilang taon ka na ba, Adam? Hindi ba't mag 28 ka na? Tapos sasabihin mo sa amin na iyan lang ang buhay mo? Iyan ba ang pinaghirapan naming buhay para sayo? We give you everything, son! Ngunit ano ang sinusukli mo sa amin ng Mommy mo? Ang pag-alalahanin kami na baka anumang oras ay hindi ka na umuwi ng buhay sa amin?" matigas ang boses ng Daddy niya. Mababakas ang awtoridad sa bawat katagang binibitawan nito.
"Don't be melodramatic, Dad, Mommy... Hindi ba't ilang taon niyo naman akong pinabayaan? Mas marami pa nga kayong panahon sa mga negosyo niyo kaysa sa akin noon eh. Napakaraming araw na mag-isa akong kumakain dahil wala pa kayo. Mga importanteng araw ng buhay ko na hindi ko man lang kayo nakasama. Minsan nga pati birthday ko nakakalimutan niyo eh. And now that I'm old enough to live alone... Ngayon niyo ako pipigilan? Ngayon niyo ako gustong makasama kung kailan hindi ko na kailangan ng pag-aalaga at pag-aaruga niyo? Nasaan kayo noong mga panahon na kailangan ko kayo? Hindi ba't sa mga katulong niyo lang naman ako lagi iniiwan?"
Natahimik ang mag-asawa sa bigla nalang paglabas ng kinikimkim na hinanakit ng anak nila sa kanila. Hindi nila akalain na may ganoon palang pagdaramdam sa kanila ang nag-iisa nilang anak. Kaya pala nitong mga nakalipas na taon ay halos hindi man lang ito nagpapakita sa kanila. Kung hindi pa ito naaksidente ay hindi pa nila ito makakasama ng matagal.
"A-Adam... Anak---" lumuluhang bigkas ni Mrs. Ramirez. Sinubukan nitong lumapit kay Adam para yakapin ito ngunit umiwas ito sa kanya.
"N-Naghahanapbuhay kami para sayo! Ayaw kong lumaki kang tulad ko... I was born poor and I don't want to die poor. Mas lalong ayaw kong maranasan mo kung paano ang maging mahirap. Kaya ginugol ko ang panahon at oras ko sa pagtatrabaho mabigyan ka lang ng siguradong buhay. Para pagdating ng araw at may babae kang mamahalin at magugustuhan ay hindi mo na kailangan matakot na baka hindi mo siya mabigyan ng magandang buhay. Dahil ako... araw-araw kailangan kong patunayan ang sarili ko na karapat dapat ako sa Mommy mo. Na kahit lumaki akong mahirap ay kaya ko kayong mabigyan ng magandang buhay,” litanya ng daddy niya.
Katulad ng sinabi nito, hindi katulad ni Cynthia na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Galing lang ito sa isang mahirap na pamilya. Isang magsasaka ang mga magulang. Ngunit dahil matalino at masikap sa buhay ay nagawa nitong makatapos ng pag-aaral. Lalo pa itong nagsumikap sa buhay noong mapangasawa ang isang anak mayaman na si Cynthia Ocampo, anak ng isa sa pinakamayaman sa probinsya nila. Ginawa nito ang lahat para mapatunayan sa lahat na baga man at hindi sila magkapantay ng status sa buhay ay kaya niya parin ito mabigyan ng marangyang buhay na nakasanayan nito.
"Salamat! Maraming salamat sa inyo! Napakarami ko nang pera na mamanahin mula sa inyo,” pilosopong turan ni Adam.
“Huwag kang pilosopo!” bulyaw ng ama sa kanya.
“Don’t you think what you’re doing now is too late? Malaki na ako… I’m no longer the kid who was longing for his parents attention. Sanay na akong mamuhay ng mag-isa at wala kayo. Kaya please lang, ibalik niyo na ang cards ko at gusto ko nang bumalik sa London. Nandoon ang buhay ko at wala dito... Doon na ako masaya!" bakas sa tono ng boses niya ang napakalaking hinampo, galit, inis at lahat ng hinanakit niya sa mga magulang.
Lalo naman naiyak ang Mommy niya. Samantalang ang Daddy niya ay hindi makikitaan ng emosyon. Sabagay, his father is a ruthless businessman. Hindi ito sanay magpakita ng totoong nararamdaman. Para dito ay isa iyong kahinaan.
"No. You won't get a penny from us! Unless you marry the girl that your grandfather wanted you to marry before!"
Bigla ang pagharap ni Adam sa Daddy niya. "What? Naglolokohan ba tayo rito?" tanong niya na may hilaw na ngisi sa gilid ng mga labi. Dalawang taon na ang nakakaraan ng una silang kausapin ni Nathan ng lolo Mando nila magpakasal sa apo daw ng isang matalik na kaibigan. Ngunit pareho nilang tinanggihan iyon ni Nathan at mas piniling bumalik ng London.
"Seryoso ako! Pakakasalan mo ang babaeng gusto ng lolo Armando mong pakasalan mo noon. Kung gusto mo ng mana mula sa amin!"
"Kalokohan!!! Paano kong pakakasalan ang babaeng ne hindi ko naman kilala?"
"Then it's about time for you to get to know her..." kampanteng turan ng Daddy niya.
"It was two years ago, Dad... For sure may asawa na 'yun ngayon!"
"Nope. She's still single. Nagkita kami ng lolo Armando mo kanina. Darating si Kristel para magbakasyon sa Mansion ng lolo mo," imporma ng Daddy niya.
"Kristel? Kristel who?"
"That's her name. Go to your Gran's mansion and he will tell you everything about her."
"The hell I care!" pasigaw na turan niya sabay walk out sa mga magulang.
“Adam, kinakausap pa kita!” sigaw ng daddy niya ngunit hindi na manlang niya nilingon ang mga ito. Nagpupuyos ang loob niya sa ginagawang pagmamanipula ng mga magulang sa buhay niya na para siyang bata.
Si Cynthia ay hinarap ang asawa. "Kailangan ba talaga natin itong gawin sa anak natin, Anthony?" tanong ni Mrs. Cynthia Ramirez habang nakatingin sa papalayong likod ng anak.
"We have to! Kung hindi natin 'to gagawin. Patuloy lang na walang direction ang buhay ng anak natin. He needs to start a family para matoto siyang pahalagahan ang buhay niya. He needs to find a purpose in life, Cynthia.”
"Pero baka lalo lang lumayo ang loob ng anak natin sa atin!" nag-aalala na turan ni Mrs. Ramirez..
"Mas mabuti na ang ganito kaysa naman muli na naman mapahamak ang anak natin sa mga kalokohang pinaggagawa niya. Mahal ko ang anak natin at natatakot ako na sa susunod ay talagang bangkay na siyang uuwi dito."
"Kasalanan ko 'to... Napabayaan ko ang anak natin. Ako itong ina ngunit madalas na wala ako sa tabi niya noong mga panahon na kailangan niya tayo. Napakalaki ang naging pagkukulang ko sa anak natin, Anthony."
"I'm so sorry, sweetheart! It was all because of me!" makahulugan naman na turan ni Mr. Ramirez.