Chapter 9

2383 Words
HABANG nagdadrive at paikot-ikot sa lungsod ng Santa Fe. Gamit ang kotseng hiniram niya kay lolo Mando. Hindi namalayan ni Kristel na hilam na pala ng mga luha ang mga mata niya. Nakikinig lang  naman siya ng music sa radyo. Kung saan ang kanta ni Jericho Rosales na "Pusong ligaw" ang pumailanlang. Pakiramdam niya. Tulad ng title ng kanta isa rin siyang pusong ligaw. Mabuti pa nga sa kanta may "patutunguhan at pupuntahan". Ngunit siya, walang nagmamahal na pwede niyang uwian. Tao na magcocomfort sa kanya sa gitna ng malakas na bagyong nananalasa sa buhay niya ngayon. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Ang sakit sa dibdib... Ang hirap pala talagang mabuhay ng mag-isa at walang pamilya. Walang nagmamahal at walang kakampi sa mundong puno ng mga taong mapanghusga. Sa tagal niya sa industriya na ginagalawan niya. Akala niya manhid na siya sa panghuhusga ng mga tao. Akala niya sanay na siya sa mga bashers niya. Ngunit hindi pa pala... Hindi lang ang career niya ang sobrang naapektuhan sa gulong nasasangkutan niya ng dahil kay Roy, pinaka apektado niyon ang damdamin niya. Magmula ng mamatay ang lolo Kris niya. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang maghanap ng taong magmamahal at makakasama niya sa buhay. Ang  tanggapin at magmove sa lihim na pagtingin niya sa matalik na kaibigan na si Xander. Nang makilala niya si Roy. Akala niya ito na ang sagot sa dasal niya.  Akala niya ito na ang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na hinahanap niya. Ngunit mali siya... Isa pala itong two timer na sinungaling. At dahil dito nanganganib pang mawalan siya ng trabaho.  "Ang tanga ko! Ang tanga tanga tanga ko! Bakit hindi ko manlang nalaman na may asawa na pala ang gagong 'yon?" kausap ni Kristel sa sarili habang nakatango siya sa manibela ng kotse na minamaneho. Ipinarada niya iyon kanina sa gilid ng kalsada sa takot na mabangga siya dahil maliban sa gabi na, hindi niya pa mapigilan ang pagpatak ng mga luha. "I miss you so much, lolo Kris! Hindi ko yata kaya ang mag-isa... Bakit kasi iniwan niyo akong lahat..." patuloy na pagsasalita niya mag-isa. "Ang unfair niyo!!! Sobrang unfair niyo sa akin!!!" napasigaw na siya sa sobrang sama ng loob. Habang pinapalo ang manibela ng kotse. Mahigit isang oras din na hinayaan niya lang ang sarili na umiyak ng umiyak. Nang sa tingin niya ay okay na siya. Tsaka niya lang muli binuhay ang makina ng kotse. Nagulat pa siya noong mapatingin siya sa tapat na kalsada. Nasa tapat pala siya ng isang disco bar. Sa kakaikot ikot niya kanina ay hindi niya napansin ang oras. Nang tumingin siya ng oras sa suot na mamahaling wristwatch ay fifteen minutes past eleven  PM na pala. Kaya naman pala bukas na ang disco bar. Plano niya na sanang magdrive na pabalik sa malaking bahay ni lolo Mando ng maalala ang napag-usapan nila ng matanda kanina pagdating niya. Parang hindi niya pa muna gustong bumalik sa mansion nito.  "Kristel apo, alam kong kadarating mo lang at kaya ka narito ay para makaiwas sa gulong kinasasangkutan mo ngayon sa Manila. Pero gusto kong ngayon palang ay malaman mo na kung bakit kita pinapunta dito. Nagkausap kami kahapon ng son in law ko. Nabanggit ko sa kanyang darating ka para magbakasyon. Gusto niyang tuparin ko ang pangako ko sa namayapa mong lolo. But this time it's not to my grandson Nathan but it’s Adam we would like you to marry. Siya ang---" Nabitin ang baso ng juice sa ere na iinumin niya sana. Nakakunot ang noo na tiningnan niya ang matandang Don na kaharap niya ngayon. "Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" "Gusto namin na maikasal ka sa apo kong si Adam, Kristel," deretsong sagot ni Don Armando. "Pero---" "Hindi lingid sa kaalaman ko kung ano ang nangyayari sayo sa Manila, iha. Ginugulo ka ng ex boyfriend mo at ng asawa niya. Nanganganib na tuluyang masira ang pangalan mo at ang showbiz career na ilang taon mong pinaghirapan dahil sa panggugulo sayo ng mag-asawang Velasquez. Kung makakasal ka sa apo kong si Adam... Kapag hawak mo na ang pangalang "Mrs. Adam Ramirez" hindi ka na nila guguluhin pa. Ang kompanya ng Daddy ni Adam ang biggest investor sa kompanya ng mga Velasquez. Hawak rin niya ang malaking porsyento ng kompanya na pag-aari ng pamilya ni Lara Revas na asawa ni Roy Velasquez. Alam ng lahat na nag-iisang tagapagmana ng kompanya ng Daddy niya si Adam. At kapag mag-asawa---" "Wait... wait, lang po lolo Mando,” itinaas pa ni Kristel ang dalawang mga kamay. "Hindi po ako nagpunta dito para maghanap ng mas mayaman sa ex boyfriend ko na pwede kong asawahin. Nagpunta lang po ako dito para magbakasyon sandali at makapag isip-isip. Ipagpaumanhin niyo po pero hindi pa po ako ganun ka desperado." "Alam ko, Kristel. Pero sa tingin mo ba pagbalik mo ng Maynila ay may career ka pang babalikan doon? Hindi mo kilala kung sino ang nakabangga mo. You will need my grandson's name para makalaban ka ng patas kay Lara Revas... Kundi, lalamunin ka niya ng buhay. At sigurado akong hindi ka niya titigilan hanggat hindi ka  gumagapang sa lupa at nagmamakaawa sa kanya." Napapikit si Kristel. Tama ang lahat ng  sinabi ni lolo Mando. Wala nga siyang laban sa isang Lara Revas. Ilang linggo pa ngalang ang nakakaraan mula noong nangyari sa restaurant ay malaki na ang damage nito sa kanya at sa showbiz career niya. Sa mata kasi ng mga tao isa siyang kabit at anuman ang rason sa likod niyon ay hindi mahalaga dahil baliktarin man ang mundo, naging kabit parin siya ni Roy.  "P-Pumayag na po ba ang apo niyo na magpakasal sa akin?" maya-maya ay tanong niya. "He will!" nakaka siguradong sagot ni Don Armando. "How sure are you?  Eh diba nga nilayasan niya na kayo noon?" Nakita ni Kristel ang bahagyang ngisi ni lolo Mando na lalong nagpakunot sa noo niya. "Dahil wala na siyang mamanahin maski sa parents niya kapag tumanggi pa siya this time..." "What?" napalakas ang boses na ganong niya. "Bakit niyo naman gagawin 'yon sa kanya?" parang gusto niyang maawa sa hindi pa nakikilalang apo ni lolo Mando. Parang ang lupit naman kasi ng kondisyon ng lolo nito at ng mga magulang. Masyadong unfair para dito. "But lolo Mando, this is unfair for him. Kung dahil lang 'to sa pangako niyo kay lolo. Ako na ang nagsasabi sa inyo. Hindi na talaga kailangan. At ang problema ko... Kaya ko po 'yon. Kung mawalan man ako ng career sa showbiz. May pera po ako sa bangko na naipon. Pwede po akong magnegosyo nalang at tuluyang iwan ang mundo ng showbiz." "No. Hindi lang ito dahil sa pangako ko sa lolo mo. Six months ago ay naaksidente si Adam sa isang motocross competition na sinalihan niya sa London. Ilang buwan din siyang nasa wheelchair at nag therapy dahil sa tinamo ng dalawa niyang binti. Sobrang takot namin noon... Lalo na ang Mommy at Daddy niya. Ngunit si Adam ay matigas ang ulo at walang kadala-dala. He wants to go back to London and race again. At---" "At kaya niyo siya ipapakasal sa akin because you're all hoping na magbabago ang isip niya?" hula ni Kristel sa susunod pang sasabihin ni lolo Mando. "Well... Can you blame us? Mahal na mahal namin si Adam at takot kaming lahat na baka sa susunod na pag-uwi niya ay hindi lang siya nasa wheelchair... Kaya Kristel, please help us!" "Pero, lolo Mando... Hindi lang po pagiging yaya ang gusto niyong mangyari dito... KASAL po ang pinag-uusapan natin dito. Isang pang habang buhay na commitment." "Alam namin, iha. Pero sana pag-isipan mo muna bago ka tumanggi." Napailing iling si Kristel sa pag-alala ng usapan nila ni Don Armando. Narito siya sa bayan ng Santa Fe. Para sandaling takasan ang problema sa Maynila. Ngunit mukhang mas malaki pa yatang problema ang gustong mangyari ni lolo Mando. No. Ayaw niya pang bumalik sa mansion nito. Sa totoo nga kung hindi lang niya iniisip na naging mabuti rin naman si lolo Mando sa kanya ay baka nga nilayasan na niya ito ng walang paalam.  Kinabig niya ang manibela ng kotse at nagdrive papunta sa parking lot ng disco bar. "God, Kristel... Anong ginagawa mo? Anong gagawin mo? Maglalasing ka? Paano kung may makakilala sayo? Baka lalo ka lang mawalan ng trabaho!" kausap niya sa sarili habang nakatingin sa entrance ng disco bar. "Wala naman siguro... Sinong mag-iisip na ang tulad kong artista ay narito sa bayan ng Santa Fe," sagot ng kabilang isip niya. Pagkatapos ng ilang sandali na pagdadalawang isip ay nagdesisyon siya na pumasok sa disco bar. She wants a drink! She needs to drink! Gusto niyang makalimot kahit sandali lang. Pagpasok niya sa disco bar ay wala pang masyadong tao. May mangilan ngilan palang grupo na nag-iinom. Wala pa rin tao sa dance floor. Mukha naman descente ang itsura ng lugar kaya ang pag-aalangan sa puso niya ay nawala. "Good evening, Maam! Table for how many?" nakangiting salubong sa kanya ng isang waiter at tumingin pa sa bandang likuran niya at tinitingnan siguro kung may kasama siya. "I'm alone..." sagot niya dito. "Ma’am may VIP table po kami sa second floor. Kung gusto niyo po ng hindi masyadong matao," suhestiyon ng waiter. "Okay..." maikling sagot niya. Inihatid naman siya ng waiter sa second floor at pinaupo sa isa sa mesang naroon. "Okay po ba sayo dito, Ma’am?" tanong ng waiter na itinuturo ang isang mesa. Mahina lang siyang tumango habang tinitingnan ang kabuohan ng lugar. "First time niyo po dito noh Ma’am?" Nilingon niya ang waiter at mahina uling tumango. "Sabi ko na nga ba eh. Medyo halos kilala ko na po kasi ang halos lahat ng mga customers namin dito. Pero sigurado po akong hindi ko pa po kayo nakita dito kahit minsan," palakaibigan na komento ng waiter. "Nagbabakasyon lang ako dito..." palakaibigan na rin na imporma niya. Matapos kunin ng waiter ang order niya ay iniwan narin siya nito para kunin ang in-order niya. Habang hinihintay ang order ay muli niyang inikot ang tingin sa paligid. Napakunot ang noo niya ng mapansin ang katabing Mesa. "RESERVED FOR VVIP" ang nakasulat. Napataas ang isang kilay niya. Pagbalik ng waiter ay dala na ang mga inumin na inorder niya. "May kailangan pa po kayo, Ma’am?" "I just have a question..." "Ano po 'yon?" "Bakit reserve for VVIP ang table na 'yon?" turo niya sa katabing mesa. "Ah kasi po sa big boss po 'yan. Si Boss Austin at ang mga kaibigan lang niya ang pwede umupo diyan. Madalas kapag Sabado ng gabi katulad ngayon ay nandito ang buong barkada nila." "I see," aniya at ibinaling na ang attention niya sa inumin. Ang waiter naman na nagserve sa kanya ay naging busy na sa mga customers na bagong dating. Hindi nagtagal ay halos puno na ang disco bar. Paingay na rin ng paingay ang paligid sa hiyawan ng mga tao. Ngunit kahit gaano kaingay ang togtog at hiyawan ng mga taong nagsasayaw, hindi parin niyon maalis ang pait, sakit at lungkot na nararamdaman ng puso niya ngayon.  How she wishes Xander is here. Siguro kung narito lang ito sa bansa ngayon ay hindi magiging ganito kabigat… Ipinilig niya ang ulo at mapait na umiling. Sino ba ang niloloko niya? Eh kaya nga siya napasok sa ganitong gulo ay dahil kay Xander. Sa kagustuhan niyang makalimutan ito ay sinubukan niyang buksan ang puso niya sa iba. Tuloy ay na punta siya sa mas mali pang tao…  “Fück s**t!” mura niya sa sarili.  Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-inom at pagsalin ng alak sa baso niya. Gusto niyag mamanhid ang puso niya sa sakit. "Please, ngayon lang! Help me forget everything just for tonight..." kausap niya sa bote ng tequila na in order niya. Habang hawak naman sa isang kamay ang tequila glass. Pagtingin niya sa katabing mesa na may nakasulat kanina na "reserved for VVIP" ay may nakaupo na rin pala doon. Napataas ang kilay niya ng mapagmasdan ang tatlong lalaking naroon. Ang ganda ng mga tindig ng mga ito at hindi magpapahuli sa kagwapohan ng mga heartthrob na nakakasalamuha niya sa mundo ng showbiz.  Ang isa ay mukhang intsek dahil sa singkit na mga mata. Ang laki ng katawan nito pero hindi naman nakakatakot sa laki. Kapag ngumingiti ito ay ngumingiti rin ang mga mata nito. Ang isa naman ay may malalim na biloy sa pisngi na siyang nagpapa lakas ng s*x appeal nito. Mas maliit ang katawan nito kaysa sa nauna pero sigurado siyang may abs din ito. Ang pangatlo ay sigurado siyang may dugo itong banyaga. Kulay asul kasi ang mga mata nito at napaka gwapo. Hindi magpapatalo sa kagwapuhan ng dalawang kasama. Sa itsura ng mga  ito nakakasiguro siya na galing ang  mga ito sa mayayamang pamilya. "Wow! Kanin nalang ang kulang... Ang sasarap ng mga putaheng ulam nila dito," turan niya sabay tawa para sa kapilyahang naiisip. "Let's drink to that, Maria Kristel... Sarap niyo sigurong pulutan hehehe..." Nagsalin siya ulit ng alak sa baso. Ngunit ng inumin na niya iyon ay nabitin ang baso niya sa ere. Napako kasi ang tingin niya sa isa pang gwapong lalaking palapit sa katabing mesa niya.  Tall, dark and sexy. At kahit mukhang galit ito sa kung ano, napakagwapo parin nito. There's something about him na nagpabilis ng t***k ng puso niya. Something different na hindi niya naramdaman sa tatlong kasama nito o sa kahit na kanino. Parang nag slow motion ang paligid. "Parang ang sarap makulong sa malapad niyang dibdib. Parang ang tigas… Pero mas curious akong malaman kung matigas at makisig din ba ang itinatago niya," wala sa sarili niyang sambit sa laman ng sariling isip. Parang tanga siyang natawa ng marealized kung anong klaseng mga kapilyahan ang tumatakbo sa isip niya.  Pinilit niyang ibaling ang attention sa iba ngunit kusang bumabalik ang tingin niya sa grupong ng mga gwapong Adones na nasa katabi niyang mesa. Muntik pa yatang malaglag ang puso niya ng magtama ang tingin nila ng huling lalaking dumating sa grupo.  Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. “Tsk, tumigil ka Kristel. Hindi ka pa ba nadadala sa mga lalaki na ‘yan? Kulang pa ba ang sakit na hatid niya sa buhay mo?” kastigo niya sa sarili ng maalala kung bakit siya naroon at nag-iinom ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD